Iza Calzado to bashers: “You know what, if somebody judges me for my imperfections, then there’s something wrong with them..."

IMAGE Glen P. Sibonga

Iza Calzado has a message to plus-sized women,"The best challenge is to learn to love yourself, embrace you and celebrate you. But of course, you must put in the efforts... make a lifestyle change."


Pakiramdam ni Iza Calzado ay nag-level up ang taong ito para sa kanya dahil sa dami ng blessings na dumating sa buhay niya lalo na sa kanyang career.

Kabilang na riyan ang pagkapanalo niya kamakailan ng Best Supporting Actress award sa Gawad PASADO para sa kanyang role na Patty sa Starting Over Again, kung saan nakasama niya sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Natapos na rin niyang gawin ang international movie na Showdown in Manila kasama ang Hollywood actors na sina Tia Carrere, Casper Van Dien, Don “The Dragon” Wilson, Cynthia Rothrock, at Mark Dacascos, na siya ring director ng pelikula.

Malapit na ring sumabak si Iza sa kanyang kauna-unahang theater project, ang Sabel: Love and Passion, a musical inspired by the iconic painting of National Artist for Visual Arts BenCab.

Sa ngayon, ang malaking development sa career ni Iza ay ang paglabas niya ng fitness at wellness DVD, ang Level Up! Make That Change Now!, na co-produced niya with Enterphil Entertainment Corporation at Ivory Music & Video.

NEW AND DIFFERENT. Wish ni Iza na sana magtuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa kanyang career hanggang matapos ang taon na ito para masabi niyang ang 2015 ang kanyang level-up year.

“At the end of the year, I hope I will be able to say that.

“I mean, I hope I will be able to say that 100 percent.

“But right now, everything that I’ve been wishing for, like I said, I wanted to do theater.

“I wanted to do something new, I did Showdown in Manila.

“Like the fitness video is also something new.

“Everything that I’ve been doing is something new or something different, if not new.

“So sana, I hope that I will be able to go to the States and study and do things that I want to do.

“So, it is really the year for me to level up and make that change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I want something new in my life…I can’t keep doing the same things that I’ve been doing the past couple of years.

“Because I will keep ending up with the same results over and over again.

“So para magkaroon ng change ay kailangang may gawing kakaiba o iba kaya tayo’y nag-eeksperimento,” saad ni Iza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa DVD launch ng kanyang Level Up! Make That Change Now! noong Sabado, Abril 19, sa Activity Area ng Robinson’s Magnolia.

FITNESS DIVA. “Fitness Diva” ang title ng kanyang fitness at wellness DVD.

Magandang follow-up ito pagkatapos niyang maging host ng The Biggest Loser Doubles edition sa ABS-CBN.

Ang fitness DVD ay mayroong workout component, kasama rin ang dance instructional with the G-Force headed by Georcelle Dapat-Sy, at food and proper diet segment with the nutritionist to the stars Nadine Tengco.

Nag-record din siya ng natatanging kanta sa DVD na “#Lebelap (Go Lang Nang Go),” composed by Jungee Marcelo. Nag-shoot pa siya ng music video para rito sa direksyon ni Joaquin Valdes.

Natanong ng PEP si Iza kung paano niya tinatanggap ang title niya bilang “Fitness Diva.”

Tugon niya, “Hindi ko nga alam din, e.

“Actually, gusto ko sana Health & Fitness Diva, kaya lang napakahaba 'no.

“So mas may catch kasi yung Fitness Diva, mas may impact.

“Tinatanggap ko naman nang buong-buo,” sabay tawa ni Iza.

Kumusta naman ang experience niya sa paggawa ng DVD?

Aniya, “It’s actually wonderful and challenging at the same time.

“It’s exciting also for me to be doing this for the very first time.

“It’s a great feeling that you’re doing something to inspire others to have a healthy lifestyle.

“Hindi naman ako ang pinakapayat na tao sa buong mundo pero yung pinanggalingan ko before [na size], malaki na ang pagbabago ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEALTHY INSIDE OUT. Naranasan ni Iza ang pagiging obese noong bata pa siya at pinagdaanan niya rin ang iba’t ibang klase ng maling pamamaraan ng pagpapayat, kaya ibinabahagi niya sa mga tao sa pamamagitan ng Level Up! Make That Change Now! ang tamang pamamaraan para maging fit at magkaroon ng healthy lifestyle.

Saad niya, “It’s been a very long journey.

“It started when I was in my teens that I tried to lose weight the wrong way when I starved myself.

“And then it continued on with a lot of shortcuts.

“But eventually, I realized to make healthier choices and making more loving decisions for myself and for my body.

“And finally, I think the best challenge is to learn to love yourself, embrace you and celebrate you.

“But of course, you must put in the efforts.

“In Level Up kasi, I inspire them to make a lifestyle change.

“Para sa akin, sana ma-inspire lang yung mga tao na magkaroon ng healthier lifestyle, kung hindi para sa sarili nila, para sa pamilya nila.

“I’m trying to push health being not just the physical aspect but, of course, yung mindset, yung pananaw sa buhay.

“At saka yung pananaw mo rin hindi lang sa panlabas kundi sa pangloob.”



PLUS-SIZED WOMEN. Aminado si Iza na may pagkakataon noon na kahit bumaba na ang kanyang timbang pero hindi niya pa rin gusto ang nakikita niya.

“I just wish that at my heaviest I embrace myself or maybe when I was 180 [pounds], I love myself already.

“Because you know, even when I loss so much weight already, I still didn’t love myself.

“It took a long time time. And right now, I still have to make that conscious effort.

“But you know, I am in a better place, so I just hope that the Filipina, the people will learn to embrace themselves.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang message niya sa mga plus-sized women?

“My message to the plus-size women, to all kinds of women, to every Filipina, to every woman out there, you are beautiful.

"You deserve love, of course you deserve love from yourself and love from others.

“But most importantly learn to love yourself.”

BASHER. Sa kabila ng pagpayat at pagiging sexy ni Iza ngayon, may mga nagkukomento pa rin daw na malaki siyang tignan at mataba pa rin siya lalo na sa screen, kung saan sinasabing nagge-gain ng extra pounds paglabas sa TV.

Pero hindi na raw ito iniinda at pinapansin ni Iza.

Saad niya, “You know what, if somebody judges me for my imperfections, then there’s something wrong with them and how they look at life.

“It is not my problem. I have done my part and I am very happy with myself.

“If you’re not happy with what you see, then look at another person, don’t look at me.

“Of course, on TV, it seems a little more harsh, ‘di ba, when you see yourself on TV.

“Pero ngayon siguro, it comes with age, it’s okay if I’m a little wider than others.

“Kasi it’s different when you see me in person, but now with the widescreen TVs.

“But now, I don’t care, I don’t mind being the big girl, because I know the work I do for my body.

“So, parang nobody can tell me, ‘You’re fat!’ because I know I’m not.”

SUPPORTIVE BF. Sa Instagram nga raw may isang basher na sinagot ng boyfriend ni Iza na si Ben Wintle nang mag-post ito ng picture ni Iza.

Kuwento ni Iza, “Kasi nag-post si Ben ng parang level up, ‘di ba?

“‘Tapos after the post, nag-comment siya [basher] sa akin ng, ‘Still chubby LOL.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang boyfriend ko, hindi naman iyon napatol, ewan ko kung anong nangyari.

“Baka nairita, baka mainit ang ulo ng araw na iyon. Sinagot niya.

“In fairness, love na love ko siya dahil doon, kasi dedma yun, e.”

Ano ba isinagot ni Ben sa basher?

“Ang sabi niya, ‘But still much prettier than you.’ Hindi lang prettier, much prettier.

“E, tiningnan ko yung picture ni Ate. ‘Ate, dapat kasi hindi ka na lang nag-comment.’

“Hindi niya na-realize na totoo rin yung sinabi ng boyfriend ko,” biro ni Iza.

“Pero, at the same time, I still have to respect.

“Hindi ko puwedeng sabihing much prettier ako than her because somebody might find her much prettier than me.

“But with her ugali, I highly doubt it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN