Not happy with yourself? Iza Calzado has one tip: stop saying, "I was not enough..."

IMAGE @missizacalzado on Instagram

When you're getting fat, Iza Calzado says do not stress yourself out. The actress adds, “Just know na you can do something.”


Nagdesisyong ituloy-tuloy na ni Iza Calzado ang pagkakaroon ng healthy lifestyle simula noong pumayat na siya.

Sa launch ng kanyang DVD na LEVEL UP! Make That Change Now noong April 12, sa Robinsons Magnolia, nagkuwento ang aktres tungkol sa ginawa niyang pagpapapayat.

“Actually it came after I lost weight.

“Kasi when I lost the weight, it was purely for vanity’s sake, which was okay, it was a motivation."

Pero dahil daw sa pagda-diet, nagkasakit siya.

“Yun ang nangyari sa akin, hindi lang ako kumain. Kapag weekend, kakain ako, I’ll throw it up. Ganun yun, bulimia.

“Hindi naman ako everyday nagtu-throw- p, occasional bulimia.

“It was very hard. Natandaan niyo, noong 1990s, hindi pa naman laganap, hindi siya in.

“Hindi readily available ang information at ang sources of inspiration and motivation to do this.

“Unlike nowadays, you check Instagram, there are so many people posting on their lifestyle change journey.

“I’m so amazed. Sa Instagram, I follow fashion blogger because they inspire me.

“Ang ganda nilang manamit, ‘di ba, pero kasi ang hirap ng ganun.

“Palagi mong iisipin na kailangan mong maging katulad mo sila, kasing-fasyon, kasing-payat..."

ATTITUDE CHANGE. Ang problema raw ni Iza, kahit na pumayat, magiging “jiggly” ang balat niya.

“Yun ang problema ko talaga na hindi ko na naalis, my skin.

“I don’t have tight skin the way… honestly, I want to have it but since I don’t, will I gonna kill myself for it?

“I used to hate it. Hindi mo nga ako makikitang naka-sleeveless noong baguhan ako.

“Ngayon, wala akong pakialam. If somebody judges me for my imperfection, there’s something wrong with them and how they look at life.

“It is not my problem. I have done my part and I’m very happy with myself.

“If you’re not happy with what you see, then look at another person.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSITIVE. Umabot din daw siya sa puntong kinailangan na niyang subukan ang mga medical procedures para sa problema niya sa balat.

“Hindi pa rin ako naging happy, nothing that I did made me love myself.

“Because everything that I did was actually me telling myself, I was not enough, ‘di ba?"

Pero ang pinakamagandang gawin ay huwag gaanong i-stress ang sarili.

“And it was just a few years ago that I started [having] a positive lifestyle, but hindi pa yung positive mindset.

“Nandoon, pero hindi pa talaga totally embracing myself.

"Siguro mga past two, three years, talagang I’ve been trying to love myself.

“And If I gain a little weight, I’m trying to tell myself na, 'Don’t get mad at yourself.'

“Just know na you can do something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN