Regine Tolentino so committed to zumba she missed her chance to work with John Lloyd Cruz

IMAGE Rizza Benedicto

Regine Tolentino says zumba has done so much in making her family closer and healthier: “Ngayon lang talaga kami nagkaroon ng parang focus sa buhay, na hindi kumpleto yung araw namin kapag wala kaming zumba.”


Ayon kay Regine Tolentino, dahil daw sa zumba ay mas naging close ang kanyang pamilya at parang bumabalik daw ang “ligawan stage” nila ng mister niyang si Lander Vera Perez.

“Na-experience namin na mas nagiging close kami sa kaka-attend namin ng mga zumba events, 'tapos nae-exercise pa kami.

“Mas lalo kami sume-sexy, parang paatras yung oras kaya we feel younger.

“'Tapos, parang bumabalik yung ligawan stage namin kasi parang fun, e.

“Fun and lumalabas yung pagkabata namin,” nakangiting pahayag ni Regine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Si Lander, pumayat siya. Dati 213 pounds siya, ngayon 168 pounds na lang siya.

“Bumalik yung dati, dahil payat siya noong nag-asawa kami.

"Kaya nakakatuwa, kasi sobrang na-inspire siya sa zumba.

“Dati hindi naman talaga ‘yan sumasayaw kahit kailan.

“Napilit ko lang talaga 'tapos nagustuhan niya at hindi na siya tumigil sa pagzu-zumba.

“Actually, hindi na nga iyan nag-a-absent sa zumba class kasi sobrang nag-e-enjoy siya.

“Totally, nag-iba na yung pagkatao niya kaysa dati na medyo close-minded siya.

Ngayon, talagang open na siya sa mga iba’t ibang klaseng sayaw, mga outfit, yung mga makukulay na outfit.

“Dati conservative 'yan magdamit—naka-blazer, naka-slacks.

“Ngayon, naka-neon color, naka-shorts, 'tapos naka-body fit.

“Tuwang-tuwa ako kasi bumabata siya, mas lalong pumupogi yung asawa ko,” nakatawang dagdag pa ng TV host/actress.

FITNESS ADVOCATE. Inusisa rin ng PEP si Regine kung ano ang pakiramdam niya na marami siyang nae-engganyo sa healthy living?

Sabi niya, “I’m so happy, alam mo maraming artista ang nagte-training sa RT Studios, kasama na roon po sina Bea Alonzo, Tirso Cruz III, si Jamie Rivera.

“I’m so happy, ako pa nga nag-i-invite sa kanila, ‘Halika mag-zumba kayo sa amin mag-e-enjoy kayo, magugustuhan ninyo!’

“Mga estudaynte ko po sila, sa zumba, jazz… Kami ang nagte-train sa ilang GMA artists.

“Sa amin din nagte-train ng iba’t ibang klaseng sayaw ang mga ABS-CBN artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa amin po sila nagre-rehearse, sa RT Studios, kaya I always invite them.

“Naging advocacy na rin namin yung pagsasayaw kasi nakakatuluong po talaga siya to make people more fit and more happy.”

MISSED OPPORTUNITY. Totoo bang dahil sa zumba, nawala yung opportunity niyang makatrabaho sa pelikula si John Lloyd Cruz?

Pag-amin niya, “Oo nga e, sa totoo lang halos araw-araw talaga yung mga bookings ko sa zumba.

“Kaya napilitan akong ma-hindian yung project na yun with Lloydie kahit sobrang ganda talaga ng role ko doon.

"Naipit talaga ako sa schedule, nanghihinayang ako ng sobra.

"Pero napakagandang opportunity na makaikot sa buong Pilipinas pati na rin sa Asia na i-promote ang sarili ko bilang dancer instructor at zumba fitness advocate.

“Mayroon pa naman sigurong iba pang chance na makatrabaho ko si John Lloyd and iyon yung hinihingi ko sa manager ko.

“Sabi ko pasensya na talaga pero sana makabawi ako at makasama ko siya ulit, dahil si Lloydie napakahusay niya talagang actor.

“Sayang talaga pero it’s okay, masaya pa rin ako dahil kasama naman si Lander sa project na iyon.”

FAMILY PROJECT. Ipinahayag pa ni Regine na ang zumba ay naging bahagi na ng way of living ng kanilang pamilya.

Ayon kay Regine, “Nag-change talaga yung buhay namin kasi pumasok na ang fitness sa amin.

“Dati kasi, parang ako lang yung sumasayaw kapag may time, 'tapos si Lander minsan basketball at jujitsu lang siya.

“Ngayon lang talaga kami nagkaroon ng parang focus sa buhay, na hindi kumpleto yung araw namin kapag wala kaming zumba.

“Pati yung buong pamilya, yung mga anak namin nagzu-zumba na rin.

"Mas solid na kami ngayon and then healthy pa.

“Mas malakas pa nga ako ngayon kaysa noong dalaga pa ako.

"Feeling ko mas fit na ako ngayon, mas may muscle, mas mahaba yung endurance, yung stamina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya super na ipinu-promote namin ang fitness, kasi siyempre lahat tayo tumatanda na.

“Kaya naging advocacy namin as a family na maging fit, kumain ng healthy, magsuot lang ng mga damit na gusto namin.

“Sabi ko nga na kahit magpa-uso ka pa na nakamake-up habang nagi-gym, mag-alahas ka habang naggi-gym, may mga bling bling, why not?

“It makes me get a better work out, it makes me feel more beautiful, more sexy, kapag maganda yung suot ko.

“Kaya happy ako sa newfound career ko at sa pagiging zumba instructor ko.

And excited talaga ako sa mga bagong project na fitness and wellness namin,” mahabang saad pa niya.

Nabanggit pa ni Regine na kaya niyang tumagal sa sayawan at sa maraming production numbers kung kinakailangan.

“Ako kaya ko mag-32 tracks, two hours iyon, while hosting tulad ng ginagawa namin dito ngayon.

“Kahit hamunin ako ng ibang artista, kaya ko silang i-out dance sa stamina ko,” nakatawang saad niya.

“Kasi feeling ko, I feel strong and I feel really good. I feel energized all the time.

"Kasi iba yung feeling kapag nagzu-zumba e, parang nabubuhayan ka talaga [ng dugo].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN