Bianca Lapus organizes playdate for celebrity moms and their kids

IMAGE Rose Garcia

Bianca Lapus with kids Yce, 17; Exequiel, 7; Elijah, nine months old.


Naging matagumpay ang kauna-unahang Summer Pow Wow Playdate na in-organize ni Bianca Lapus.

Mula sa pakikipag-usap niya sa mga celebrity moms na breastfeeding advocates din gaya niya, naisip niyang gumawa ng isang event kunsaan puwede nilang gawing magandang ehemplo ang kanilang mga sarili para sa ibang mga mommy.

Noong May 17 ginanap ang Summer PowWow Playdate sa The Atrium, Enderun College, Mc Kinley Hill sa Fort Bonifacio, Taguig City.

VIEW PHOTOS Celebrity moms and kids join summer playdate (READ: cuteness overload!)

Kuwento ni Bianca, “Naka-Viber kami tulad ni Say Alonzo.

“E, 'di ba lately, parang sunud-sunod kaming nanganak? Nag-e-encourage ako na mag-breastfeed sila. Ako kasi, pure breastfeeding for 10 months na.

“Sabi namin, magkita-kita kaya tayo minsan? Kaso hindi naman kami matuluy-tuloy.

“Sabi ko, mag-organize ako ng celebrity playdate. 'Tapos, one time, may pinuntahan akong event ng Celebrity Mom magazine, na-meet ko sila.

“And then yung Huggies at nasabi nila na may ilalabas silang Huggies Baby wipes. Pero wala pa siya sa market kaya ngayon pa lang talaga siya parang formal na lumabas.

“So yun, naging partner ko sila, naging interested sila sa concept. Pati yung Gymboree kunsaan, nakita niyo nga, nag-enjoy yung mga kids sa playhouse.”

“But we want something na hindi big, intimate lang, parang interaction lang."

At saktong si Maricel Laxa ang editor in chief ng nabanggit niyang magazine kaya siya ang kinuha ni Bianca na magsagawa ng talks tungkol sa parenting.

Hindi raw akalain ni Bianca na magiging well-attended ang unang Summer PowWow Playdate dahil halos dalawa hanggang tatlong linggo lang daw niya itong plinano.



SETTING A GOOD EXAMPLE FOR SHOWBIZ MOMS. Gusto rin daw ni Bianca na maging maganda silang ehemplo sa ibang mga mommies na kahit na mga artista sila o nasa showbiz, kaya pa rin nilang maging hands-on moms.

Sabi pa niya, “Para makita rin ng mga followers namin, ma-inspire sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan kapag showbiz, naiisip na hindi happy family.

“Nakaka-inspire rin yung ibang nagbi-breastfeeding and since breastfeeding advocate nga ako, yung ibang followers namin, nai-inspire sila na kung kami kinakaya namin, nagwu-work pa kami.

“Iba rin kasi ang influence ng mga celebrities sa mga tao.”

Posible raw na magkaroon ng ganitong event si Bianca taun-taon.

Halos lahat nga raw nang inimbita niya ay nakarating, habang yung iba, gusto man daw makapunta ay hindi pumuwede dahil sa iba nilang commitments.

“Sobrang happy, yung fulfillment na nararamdaman ko na nagtiwala sila, halos lahat dumating, nakakatuwa talaga.

“Kahit yung mga magiging mommy pa lang like Empress Schuck, dumating, nakakatuwa.

“At saka yung natutunan sa talk nina Maricel at Anthony [Pangilinan], kahit ako, personally siyempre, second chance ko na. Kasi 'di ba, parang nag-fail ako noong una to have an intact family.

“So parang ako, I really devote myself to be a good mom and to have an intact family rin.

"And in fairness naman, magte-10 years na rin kami. Hopefully, makasal na rin,” panalangin niya.

MARRIAGE PLANS? Ang tinutukoy ni Bianca na "nag-fail" ay ang dati niyang marriage kay Vhong Navarro. May anak sila, si Yce, na 17 years old na.

Ang present partner naman niya ngayon ay si Jimmy Velasquez, ang ama ng dalawa niyang anak na sina Exequiel, 7, at Elijah, 9 months old.

Pero bakit nga ba hindi pa sila nagpapakasal?

Paliwanag niya, “Ano lang, parang unang-una kasi, I want to be careful. Mahirap kasi ang annulment.

“Parang it really had a big effect on me. I just want to be careful. Masaya naman na ‘ko sa kanya.

“Pero ang hirap kasi.”

Hindi naman nagyayaya o naiinip ang present partner niya?

“Hindi naman, barkada ko yun, e. Pero siya, may gusto na siya.

“Pero ako, siguro kapag sobrang established na. Nagkataon lang na ako ang may pinagdaanan at siya naman ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe in two years, kapag naglalakad na si Elijah at puwede ng maglakad para maging ring bearer.”

Natatawang dugtong pa niya, “At saka, magpapapayat muna 'ko.”

Bukod sa pagiging event organizer, tuloy pa rin ang acting career niya. Kamakailan lang ay nagkaroon siya ng stage play sa PETA. ABS-CBN.

STRONGER FAMILY TIES AFTER VHONG'S SCANDAL. Sa huli, kinumusta rin namin si Bianca tungkol sa pinagdaanan nila ng anak na si Yce nang masangkot sa gulo noong nakaraang taon si Vhong.

Pag-amin naman ni Bianca, “Medyo sad pa rin, I mean, with what happened, talagang parang naging one family kami.

“Nagkakausap na kami ng girlfriend niya. Kapag may gathering, para kaming apat na parents ni Yce.

“Kung may maganda man siyang naidulot, yun lang yun, naging maayos kaming lahat, magkakaibigan kami.

“Yun nga lang for me sobrang naging mahirap siya kasi, nahiwalay sa akin si Yce.

“Si Yce, nag-a-adjust din siya 'til now. Pero wala kaming choice. Kailangan naming gawin yun for safety. Pero anytime naman, pumupunta siya like ngayon, nandito siya.

“Pero siyempre, ganun talaga and we all understand naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN