Newbie singer Ken El Psalmer reveals his sad life as an unknown performer abroad

IMAGE Nonie V. Nicasio

To the question what if his manager Arnell Ignacio falls for him, Ken El Psalmer answers, "Basta’t all the good things na ipinapakita ni Arnell sa akin, susuklian ko rin ng maganda, kasi deserve niya iyon.”


Hindi raw inaasahan ni Ken El Psalmer ang pagbabagong nangyayari ngayon sa kanyang career mula nang nakilala niya ang TV host/comedian na si Arnell Ignacio.

Si Arnell ang tumatayong manager ngayon ni Ken. Paano siya napunta sa pangangalaga nito?

“One time kasi, nasa Fab Bar ako in Malate and then napabisita po sila Sir Arnell doon.

“Although lagi ko na po siyang nakikita sa Library, magkatabi lang po yung bars and pareho akong may set doon.

“So one time, that was a Sunday ay naka-set po ako sa The Fab and then kakuwentuhan ni Arnell yung owner.

“Then ipinakilala po ako kay Sir Arnell, kuwentu-kuwentuhan, ganyan ganyan…

“Yun, doon po nagsimula,” saad ni Ken sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, May 23 sa isang restaurant sa Quezon City.

Inasahan ba niyang iha-handle siya ni Arnell?

“Hindi, ang ine-expect ko lang, kung may booking siya o may alam siyang raket, isama niya ako or yung mga friends ko na singers or standups.

“Pero siyempre, very thankful ako kasi nga, ginagawa niya ito para sa akin.”

COLD, COLD. Nagsimulang kumanta si Ken noong 17 years old pa lamang at napabilang sa bandang Circle of Faith.

Nag-abroad siya noong 2014 para mag-perform sa Japan, Singapore, Malaysia, Indonesia, at China.

Bakit tumigil siya sa pagkanta abroad?

“Nakakapagod, nakakapagod talaga. Lalo na kapag ikaw lang mag-isa.

“Pag nasa ibang bansa ka, nakakapagod.

“Nagsawa ako noong huli ko, yung sa China, mahirap yung buhay doon.

“Last year lang ako umuwi, pero more than two years ako doon.

“Ako lang mag-isa, may booker akong Chinese doon.

“‘Tapos nagkataon na nabu-book ako sa mga lugar na ‘di marunong mag-English ang mga tao.

“Yung boss ko lang marunong mag-English, kaya talagang literal na wala kang makakausap doon.

“One time, bumili ako ng goldfish…imagine, magpa-Pasko kaya siyempre malungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kang kausap, ‘tapos ang lamig-lamig, below zero yung temperature.

“Siyempre madali kang mainip, mababaliw ka talaga,” saad pa niya.

Sa sobrang lamig daw, after three days daw ay namatay din ang alaga niyang goldfish.

FIRST TIME. Nabanggit din ni Ken na alam daw niyang first time lang ni Arnell na mag-manage ng talent.

“Oo, alam kong first time na ginawa niya ito. Siyempre, nakikita ko naman siya sa TV.

“He used to work in the Library before e wala akong narinig na hinandle niya.

“May narinig akong mga nali-link sa kanya, pero wala akong narinig na hina-handle niya,” nakatawang saad ng 28-year-old na singer.

Anong feeling na first time itong ginawa ni Arnell? Dahil ba bilib ito sa talent niya as a singer?

“Siyempre, very thankful ako sa kanya ‘tsaka first time ko rin na may mag-handle sa akin, e.

“So first time naming dalawa and ine-enjoy ko lang yung journey kung ano mang mangyayari.”

Handa ba siya sa intriga sa showbiz?

"Oo naman,” mabilis na sagot niya.

“Kahit naman wala ka sa showbiz, yung mga tsismis, mga intriga, kahit sa kapitbahay lang, mayroon niyan.”

SONG ALBUM. Aminado din siya na nagiging stepping stone niya si Arnell para mas makilala ng publiko.

“Oo naman, napakalaki [na tulong]…kumbaga hindi mo na kailangang aminin ‘yan.

“It’s a fact, siyempre kung hindi ko pa siya nakilala, wala lahat ito, ‘di ba?

“Hanggang doon lang ako, kumakanta-kanta lang ako doon, magkano lang ang suweldo ko.

“Ngumangawa-ngawa lang ako sa buong magdamag ‘tapos ay wala namang nangyayari sa buhay ko,” nakangiting paliwanag pa ni Ken.

Plano ni Arnell na magkaroon siya ng album, ano ang masasabi niya rito?

“Siyempre super excited dahil lahat naman ng singer ay yun ang pangarap e lalo na kung solo ka.

“Kumbaga, kung may kakantahin ako, pangarap ko na may marinig akong kanta ko na kinakanta sa mga videoke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyong mga tipong ganoon,” nakatawang sabi pa niya.

Anong masasabi niya sa kabaitan sa kanya ni Arnell, paano niya ito ide-describe?

“Overwhelming, sabi naman ng lahat ganoon siya talaga.

“Nakakagulat lang na may mga tao pa pala na kagaya niya.

“‘Di mo na kailangan magsabi, alam na niya agad kung saan ka niya tutulungan.”

INTRIGUE. Kung sabihin ng iba na ginagamit niya lang si Arnell, paano niya ito sasagutin?

“Expected ko na iyan, kung anuman ang opportunity na ibinibigay sa akin ni Arnell, gusto ko na papatunayan ko na may talent ako.

“Gusto kong pantayan yung ibinibigay na opportunity sa akin ni Arnell para makita ng tao na ‘di ko siya ginagamit.

“Dahil ang gusto ko lang, magpakita talaga ng talent ko sa music.”

Kung sasabihin ng iba na ikaw ang bagong inspirasyon ni Arnell?

“Okay lang naman, at least, nakakapagpasaya pa ako ng tao.”

Mapipikon ba siya kung i-link sila romantically ni Arnell?

“Honestly, hindi ko naiisip iyan. Malamang hindi, ang importante kasi sa akin, mag-work lang naman.

“Okay lang, bahala silang mag-isip kung ano ang gusto nilang isipin, ganoon lang kasimple ‘yon, ‘di ba?

“Kumbaga, it’s part of it, kung saan sila masaya, it’s okay.

“Kung nae-entertain sila sa amin, mas masaya.”

May girlfriend ba siya?

“Wala na,” matipid na saad pa ni Ken.

Hindi ba sumagi sa isip niya na baka may ibang intensiyon sa kanya si Arnell?

“Hindi naman kasi kilala naman ng lahat si Arnell.

“Wala namn akong kilala na may nasabing ‘di maganda sa kanya.

“Humingi lang ako ng raket sa kanya, pero higit pa doon yung ibinibigay niya.

“Siyempre pasalamat na lang ako, of all the people na puwedeng matulungan sa work, ako ang nabigyan ng chance.”

GAY-FRIENDLY. May mga kaibigan ba siyang gay at bisexual?

“Of course, gay-friendly ako. Para sa akin, If you wanna make friends, it’s not about the sexuality, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s what in that person’s heart you’re after, ‘di ba?

“Madami akong kaibigang gays, nagwo-work ako sa comedy bars e so madami talaga.”

Nilinaw din ni Ken na para sa kanya, walang isyu sa gender ng taong gustong tumulong sa kanyang career.

“Siyempre po, walang kaso iyong gender ng taong gustong tumulong sa iyo.

“Kumbaga, sana ay huwag nilang bigyan ng masamang kahulugan.

“Kasi kung may taong gustong tumulong sa iyo genuinely, why not, hindi ba?

“Ang mahalaga lang, may tumutulong sa iyo and tinulungan mo rin ang iyong sarili.

“Hindi iyong puro tulong lang nang tulong ang tao sa iyo.

“At dapat gagawa ka rin ng paraan para masuklian iyong tiwala na ibinigay sa iyo.”


Last question na hypothetical, halimbawang ligawan siya ni Arnell o kaya pakiramdam niya ay nai-in love ito sa kanya, anong gagawin ni Ken?

“Okay lang, lahat naman may karapatan na ma-in love, mas masaya kapag inspired ka, hindi ba?

"Basta’t all the good things na ipinapakita ni Arnell sa akin, susuklian ko rin ng maganda, kasi deserve niya iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN