Ladies, Coco Martin has a brother! Meet Ronwaldo!

Jun 10, 2015
Just like his brother Coco, Ronwaldo Martin's entry to showbiz is via the route of indie films. He has so far starred in four indie films, one of which was directed by Brilliante Mendoza.

Half-brother ng newcomer na si Ronwaldo Martin ang Kapamilya actor na si Coco Martin. Magkapatid sila sa ama.

Payo nga raw ng Kuya Coco niya ngayong pinasok na rin ni Ronwaldo ang showbiz ay ang maging professional.

“Importante daw po iyon, kailangan daw ay hindi nale-late… yun po.

“Tip po sa acting? Mayroon din po, sabi niya po na dapat daw ay maging natural lang ako.

"Natural daw yung pag-acting.”

Handa ba si Ronwaldo sa intriga sa showbiz, lalo na halimbawang ikumpara siya sa kanyang kuya?

“Hindi po, e, hindi ako ready sa intriga. Pero bahala na po sila!” natawang sagot ni Ronwaldo.

Anong klaseng kuya si Coco?

“Si Kuya po ang nag-ayos ng isusuot ko ngayon.

"Mabait po siya, matulungin, masipag… yun po."

Pero takot din ba siya kay Coco?

“Opo, takot ako sa kanya. Kasi para siyang kuya na tatay, e.

“Pero yung takot ko ay dahil bilang respeto, kasi parang padre de familia talaga siya sa amin.”

Continue reading below ↓

Close ba sila?

“Opo, close naman po kami.

"Minsan, kapag may problema ako ay nakakapagsabi naman ako sa kanya.”

Kung magkaproblema siya sa babae o sa lovelife, kokonsultahin ba niya si Coco?

“Hindi po siguro, baka mahihiya po ako, e,” sabi ni Ronwaldo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronwaldo sa story conference ng pelikulang Mga Isda sa Tuyong Lupa ng BG Productions International, na ginanap sa New Horizon Hotel sa Boni Avenue, Mandaluyong City, noong June 7.



CHILDHOOD. Parehong lumaki sina Ronwaldo at Coco sa kanilang Lola Matilde, na 79 years old na.

Sabi pa ni Ronwaldo, matagal nang hiwalay ang parents niya at mula Grade 2 siya, ang lola na niya ang nag-alaga sa kanya.

“Nanay po ang tawag ko sa lola namin at si Kuya Coco, lola ang tawag niya.

“Simula po Grade 2 ay lola ko na ang nag-alaga sa amin.

“Kaya po sobrang mahal ko po si Lola ko, mahal na mahal ko po siya.

Continue reading below ↓

“Lima po kaming lahat na magkakapatid, pangalawa ako sa bunso. Una si Kuya [Coco], ‘tapos si Ryan, Michelle, ako, at yung bunso po, si Camille.”

Sa lahat ng kapatid niya, kanino siya pinaka-close?

“Kay Ate Michelle at pati kay Kuya Coco.”

Eighteen years old na si Ronwaldo na lumaki sa tawag na Nognog.

“Kasi maitim daw po ako e pero okay lang po na Nognog ang tawag nila sa akin,” nakatawang banggit pa niya.

Fourth year na raw siya ngayon sa Sta. Lucia High School.

Istriktong kuya ba si Coco?

“Istrikto po siya, pero okay lang po iyon. Kasi po, tama naman po yung pagiging istrikto niya.

“Alam ko po na ang ginagawa niya ay para din naman sa ikabubuti ko.

“Siya po ang nagpapa-aral sa akin.”



ALLOWANCE. Nang nakita niya yung ipinatayong bahay ni Coco, ano ang naisip niya?

“Wala po, halos hindi po ako makapaniwala na may ganoong kalaking bahay na pinagawa at doon na kami titira.”

Continue reading below ↓

Si Ferdie Lapuz ang manager ni Ronwaldo at bilin daw ni Coco, si Ferdie na lang ang magtago ng ATM ni Ronwaldo.

Dapat din daw na ipaalam kay Coco ang mga ginagastos ng baguhang aktor.

“Okay lang po iyon sa akin, tama naman po ang lahat ng mga desisyon ni Kuya, e.

“Naiintindihan ko naman po iyon, kung bakit ganoon ang gusto ni Kuya.”

Paano kung kailangan na niya ng pera?

Sagot niya, “Hihingi na lang po ako kay Kuya ng pera, may allowance po ako.”

Pero nang usisain ng PEP kung magkano ang allowance niya kay Coco, ang nakatawang sagot lang nito ay, “Secret…”

Galante bang kuya si Coco?

Nag-isip muna siya at saka sumagot nang, “Okay naman po siya.”



CAREER. Hindi kataka-taka na gustuhin ni Ronwaldo na sundan ang yapak sa showbiz ng Kuya Coco niya.

“Opo, gusto kong sundan ang yapak niya dahil idol ko siya, magaling kasi siya,” lahad niya.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Dennis Evangelista ng BG Productions na balak daw kayong pagsamahin sa pelikula ni Coco, anong masasabi niya rito?

“Kung matutuloy po iyon, siyempre naman po sobrang magiging excited po ako.

“Ang isa kasi sa pangarap ko rin talaga, ang makasama si Kuya sa isang movie, e.”

Aminado rin si Ronwaldo na malaking tulong sa kanyang pagpasok sa showbiz ang pagiging kapatid siya ni Coco.

“Opo, malaking tulong po talaga si Kuya para sa akin, bilang kapatid niya, mas napapansin ako talaga.”

GOALS. Ano ang pangarap niya sa showbiz?

“Gusto ko po ay makilala rin ako bilang ako at hindi lang bilang kapatid ni Coco.

“Gusto ko po ay magkaroon din ako ng sariling tatak, pero gusto ko rin na sa drama malinya.

“Sana po ay magtuluy-tuloy na ang pagdating ng projects sa akin.”

May dream role ba siya?

“Gusto ko po ay iyong parang bad boy, yung parang si Robin [Padilla].

Continue reading below ↓

“Ang idol ko po kasing artista, si Kuya at si Robin, e.

“Gusto ko sana pong role, yung medyo astig na magaling sa acting-an, e.”

CRUSH. Nababalitang crush daw ni Ronwaldo si Barbie Forteza na katambal niya sa upcoming indie film na ginagawa niya.

Ano ang masasabi niya tungkol sa Kapuso actress?

“Kasi po ay maganda si Barbie, e," ang kapiranggot na tugon niya na halatang nahihiya pa.

Ano ang napi-feel niya kapag ka-eksena ang young actress?

“Siguro po, kakabahan ako, posible po yun,” matipid pa niyang sagot.



FILMS. Tulad ni Coco ay nagsimula rin si Ronwaldo sa indie films, ano na ang movies na nagawa niya?

Tugon niya, “Naka-four movies na rin po ako, pulos indie.

“Una ay iyong Captive po ni Direk Brillante Mendoza, pinalabas po ito sa Cinema-1.

“Sumunod po ay Kasal, Tumbang Preso, at Ari [King of Nothing].

“Bale, panglima na po itong kay Direk Louie [Ignacio].”

Continue reading below ↓

Ang pelikulang Mga Isda sa Tuyong Lupa na pamamahalaan ni Direk Louie ay isang advocacy film tungkol sa mga katutubong Sama Dilaut.

Ang Sama Dilaut ay mga taga-Zamboanga na itinuturing na sea gypsies at dahil sa kaguluhan sa Mindanao ay na-resettle sa lahar area sa Mabalacat, Pampanga.

Ang papel ni Ronwaldo sa pelikula ay si Adil, isang Badjao na lola si Gina Pareño at nanay si Ana Capri. Katambal niya si Barbie.

Kasama rin sa pelikula sina Roi Vinzon, Raquel Pareño, Jak Roberto, Kim Rodriguez , Rodjun Cruz, Suzette Ranillo. Felixia Dizon, Erika Yu, at Benjie Felipe.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just like his brother Coco, Ronwaldo Martin's entry to showbiz is via the route of indie films. He has so far starred in four indie films, one of which was directed by Brilliante Mendoza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results