Tanya Garcia admits church wedding isn't a priority to validate five-year civil marriage to Mark Lapid

Jun 15, 2015
Tanya Garcia says a church wedding isn't really a priority for her and husband Mark Lapid. The couple have been married for five years under civil rites. “Okay lang naman sa akin kahit walang church wedding. At saka happy naman kami e 'di ba? Parang… siguro hindi siya talaga priority.”

Halos limang taon nang kasal sa huwes sina Mark Lapid at Tanya Garcia.

Sa interview sa kanila ni Kara David sa programang Powerhouse ng GMA-7 noong June 10, makikitang masaya at tahimik ang pagsasama ng dalawa.

Noong 2006, naging leading lady ni Mark si Tanya sa pelikulang Batas Militar.

Noong panahong iyon ay maganda ang takbo ng career ng aktres sa GMA kung saan isa siya sa pinaka-busy na leading lady.

Nagbida si Tanya sa Sana Ay Ikaw Na Nga, Ikaw Na Sana, at Twin Hearts.

LOVE AT FIRST SIGHT? Wala raw instant spark noong una silang nagkita.

Pabirong sabi ni Mark, “It’s not nice. Kasi she hates me, e."

Natawang paglilinaw naman ni Tanya, “Hindi naman hate!

“Honestly, when they were getting me, I didn’t know him.

“'Sino si Mark Lapid?' 'Tapos nung sinabi sa akin na anak ni Lito Lapid, dun ko lang nalaman na siya ‘yon.”

Kumusta naman ang una nilang pagkikita?

Continue reading below ↓

“Wala!” sabay tawa ni Tanya.

“Pero… crush daw niya ako.”

Singit naman ni Mark, “Pilit niya akong pinapaamin, sabi niya, 'Crush mo ‘ko, ‘no?'

“'O sige… crush kita.'”

Maglilimang taon nang kasal sina Mark at Tanya. Pero wala pa silang church wedding.

“Nagpu-propose ako sa kanya, siguro mga three, four times. Hindi pa niya ako sinasagot,” ani Mark patungkol sa church wedding.

Tumatawang reaksiyon naman ni Tanya, “Niloloko ko siya. Sabi ko yung proposal gusto ko sa Paris!

“Okay lang naman sa akin kahit walang church wedding… At saka happy naman kami, e.

“'Di ba? Parang… siguro hindi siya talaga priority.”

Dalawa ang kanilang naging anak na parehong babae. Pero gusto pa rin daw nilang magkaroon ng baby boy.

“We’re praying and we’re hoping na boy na sana,” ani Mark.

MARK'S POLITICAL CAREER. Nadako ang usapan sa political career ni Mark.

Sa edad na 16 ay naging SK Chairman siya hanggang naging Barangay Chairman.

Continue reading below ↓

Sa edad na 24, siya ay naging Governor ng Pampanga.

Hindi maiwasang kuwestiyunin ng iba kung ano ang kanyang kuwalipikasyon maliban sa pagiging anak ni Senator Lito Lapid na naging gobernador din ng kanilang lalawigan.

“Malaki yung kailangan mong punuan, 'di ba? So kailangan mong patunayan lang.

“Hindi mo kailangang makipag-away. Hindi mo kailangang makipag-argumento.

“Kasi kung titingnan mo talaga yung accomplishment ng dad ko, talagang mahirap sundan.

“So you have to prove it. You have to show it to them,” pahayag niya.

Ang pagiging public servant, halos 24 hours. May panahon pa ba siya sa kanyang pamilya?

“As much as possible, yung weekend namin, para sa amin hangga’t kaya,” diin ni Mark.

“We just watch movies,” sabi naman ni Tanya.

“We hang out ganyan 'tapos we eat. 'Yan, mahilig siya [Mark].”

Sa ngayon, abala si Mark sa Tourism Infrastructure And Enterprise Zone Authority o TIEZA.

“Kami yung PTA [Philippine Tourism Authority] dati. Na-transform kami into TIEZA.

Continue reading below ↓

“Kami yung nagri-regulate ngayon ng mga enterprise zones when it comes to tourism.

"And then kami rin yung nagpu-provide ng mga facilities at mga tourism information center,” paliwanag niya.

SHOWBIZ LEAVE. Si Tanya naman, open pa raw na maging aktibo ulit sa pag-arte.

“Alam ng GMA na I’m on leave now kasi I just got pregnant. But I lost the baby.

“And anytime naman, I can go back. Pero ini-enjoy ko ang summer with the kids,” kuwento naman niya.

May iba pa ba siyang pinagkakaabalahan aside from being a wife to Mark and a mother to their two kids?

“Well, we just opened up a restaurant. Partners namin yung sister ko, my brother, and my other sister.

“So ‘yon. Tumutulong ako do'n.”

Kagaya ni Tanya, kuntento na raw at masaya si Mark basta tahimik ang buhay nila sa piling ng kanilang mga anak.

Pero nagbabalak siyang bumalik sa pulitika at kumandidatong Senador.

Continue reading below ↓

Magiging tahimik ba ang buhay nila sakaling mapasok siya sa Senado?

Paliwanag ni Mark, “Hindi ‘yon problema sa amin. Tahimik yung buhay namin.

“Labas yung trabaho namin. Yung sinasabing kapag hindi kami tahimik, yung hindi kami nagkakasundo at may problema kami.

“Iyon ang iniiwasan namin. So as much as possible, intact kami.

“Malinaw ang direksiyon. At saka yung pagkakaintindihan namin sa bawat isa.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanya Garcia says a church wedding isn't really a priority for her and husband Mark Lapid. The couple have been married for five years under civil rites. “Okay lang naman sa akin kahit walang church wedding. At saka happy naman kami e 'di ba? Parang… siguro hindi siya talaga priority.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results