Shamcey Supsup and Lloyd Lee reinvent Pinoy comfort food in new resto venture

Jun 30, 2015
Shamcey Supsup says about Pedro and Coi, the restaurant she and husband Lloyd Lee recently opened, “...dito, bawal ang diet. Mapapakanin ka, kasi ang kanin namin, unli rice.”

Parehong excited ang mag-asawang sina Shamcey Supsup at Lloyd Lee sa launch at opening ng kanilang restaurant na Pedro 'N Coi na nasa 3rd floor ng Fisher Mall sa Roosevelt Avenue corner Quezon Avenue, Quezon City.

Naging kasabay nito ang pag-anunsiyo nila ng tungkol sa kanilang magiging baby.

“Sobrang happy. We’re very excited!” panimulang bati ni Shamcey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“At saka si Lloyd, hindi natulog for this launch. So I’m very proud of him.”

Nangiting sabi naman ni Lloyd, “Ako, hindi naman ako napapagod, e.

“It’s really fun to do a concept na talagang sa puso talaga nanggagaling yung konsepto.

“So gusto namin talagang ilabas kung ano yung kultura ng Pinoy. Lalo na yung '80s and '90s—iyon yung combination ng ating kultura at doon natin nai-express yung sarli natin.

“So… 'eto na!”



CONCEPT. Gaano katagal silang nag-conceptualize para sa kanilang restaurant?

Kuwento ni Lloyd, “It took us six months. After naming nagpakasal, the day after the wedding, nagtanungan na kami kung ano ang gusto naming i-venture together.

Continue reading below ↓

“Napag-usapan namin food so na-conceptualize namin.

“Mabilis lang mag-decide, e. Siyempre nasa Pilipinas ka and siyempre, kilalang-kilala mo yung sarili mong food at ang sarili mong culture.

“So gusto naming maging proud kami sa pinanggalingan namin. Ako kahit Chinese, very Pinoy at heart.

“Alam ko talaga kung ano ang gusto ko. So ito ang lumabas na konsepto sa akin.”



THE STORY BEHIND THE NAME. Saan nanggaling ang Pedro & Coi na ipinangalan nila sa kanilang bagong bukas na restaurant?

Kuwento ni Shamcey, “Second name kasi niya [Lloyd] is Peter. Ginawa naming Pedro.

“And a lot of my relatives when I was in Gensan [General Santos City],Coi-Coi ang nickname ko.

“Kaya Pedro & Coi. Iyon ‘yon.”



80'S SITCOM-INSPIRED INTERIORS. Kakaiba ang set-up ng kanilang restaurant.

May dalawang mahabang Sarao jeep na sa loob ay may mga dining table at may mezzanine na hitsurang Spanish house na may capiz windows.

May maliit na cubicle na parang sari-sari store din sa ibaba 'tapos sa mga pader sa magkabilang gilid ay may mga ipinintang parang veterinary clinic inspired by the Oki Doki Dok sitcom sa ABS-CBN noon ni Aga Muhlach, at repair show na parang sa Enteng’s Butingting sa Okay Ka, Fairy Ko sitcom naman dati ni Vic Sotto.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Lloyd, “Kasi gusto namin yung feeling na… siyempre no'ng '80s at '90s, 'di ba uso yung mga sitcom?

“So gusto namin, parang kapag kakain ka dito, hindi ka lang babalik sa pagkaing Pinoy kundi pati sa mga bagay na nakasanayan mo dati.

“Kaya yun nga, may riles kami ng tren, may jeep kami sa loob, at sa itaas naman ay lumang bahay.

“It’s really something na parang kapag kumakain ka, you’re with your family at home.”



PINOY COMFORT FOOD—WITH A TWIST. Mahilig kumain sina Lloyd ay Shamcey. Paano naman nila binuo ang mga recipe sa kanilang menu?

Ani Shamcey, “Pareho kaming mahilig sa Filipino food, so comfort food.

“Sabi ko nga dito, bawal ang diet. Mapapakanin ka, kasi ang kanin namin, unli rice.”

Dagdag pa ni Lloyd, “The recipes, dahan-dahan siya. Kung ano yung gusto naming dalawa kainin.

“We came up with classic and reinvented food. So kung merong may tipo kaming pagkain na pagsamahin, tina-try namin.

Continue reading below ↓

“So we’re really adventurous sa food.

“Hindi masyadong exotic but mahilig kaming mag-mix and match. Siyempre meron ding mga chef na tumutulong sa amin.

“So dito makikita ninyo yung concept namin kung paano ang atake namin at version sa mga Pinoy food.”

May mga recipes ba na galing sa mga favorite food talaga nila?

Ayon kay Shamcey, “Well, ang favorite niya, sisig Aw. Kasi nga hindi siya kumakain ng laman-loob or yung mga tenga, ganyan.

“So liempo yung ginamit namin para pareho kaming makakain,” tawa ng Miss Universe 2011 3rd runner up.

“And mahilig kami sa mga saucy, oo.

“Baked siya or steamed na parang pinahalong menudo at sisig.”


May ilang ipinatikim sina Shamcey at Lloyd sa mga guests.

Masarap ang lasa ng kanilang Kare-Kare Crispy Pata, ang kanilang pansit na may kakaibang twist, pati ang nilagang baka na sabaw pa lang ay ulam na, at maging ang kanilang Pipino Juice.

Continue reading below ↓



SECOND BRANCH. Ibinalita pa ni Lloyd na plano nilang magbukas ng kanilang second branch bago matapos ang taon.

“Ito po ang first branch namin. We’re planning to open din in Ortigas.

“Actually, we signed already with Ortigas doon sa may Greenhills. And we’re targeting to open this September for the second branch,” sabi pa ni Lloyd.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shamcey Supsup says about Pedro and Coi, the restaurant she and husband Lloyd Lee recently opened, “...dito, bawal ang diet. Mapapakanin ka, kasi ang kanin namin, unli rice.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results