Danica Sotto-Pingris admits family life is "far from perfect" but she's happy

Jun 26, 2015
Danica Sotto-Pingris: “'Di ba, minsan may magku-comment sa Instagram, 'perfect family, perfect couple.' Kapag may oras ako minsan, kinu-comment ko lang, 'Thank you for your kind words, but we are far from perfect.' Kasi gusto kong ipakita ang realidad na lahat ng mag-asawa, dumaraan sa pagsubok.”

Kung pagiging “happy wife” ang usapan, sinisigurado ni Danica Sotto-Pingris na angkop nga sa kanya ang nasabing deskripsiyon bilang isang maybahay.

Pero nilinaw din nito na hindi naman niya masasabing perpekto ang pagsasama nila na kanyang mister at kilalang basketbolista na si Marc Pingris.

Sabi nga niya, “Happy ako, pero hindi perfect. Kasi wala namang perfect. At saka, parang ayokong magbigay ng misconception sa mga tao.

“’Di ba, minsan may magku-comment sa Instagram, 'perfect family, perfect couple.' Kapag may oras ako minsan, kinu-comment ko lang, 'Thank you for your kind words, but we are far from perfect.'

“Kasi gusto kong ipakita ang realidad na lahat ng mag-asawa, dumaraan sa pagsubok.

“Parang gusto kong ipakita na dahil lang din sa mga taong nakapaligid sa amin at saka sa Diyos kung bakit nawu-work out namin ang mga differences namin at saka yung respect, of course, na meron kami sa isa’t isa.”



MARRIAGE AS END OF SHOWBIZ CAREER? Katulad ng kaibigan niyang si Cheska Garcia-Kramer, mas nadagdagan ang mga napahanga nila simula noong sila'y nagkapamilya.

Continue reading below ↓

“Ako, hindi ko in-expect,” lahad niya.

At saka niya kinuwento ang isang hindi niya malilimutang pangyayari bago siya nag-asawa.

Ayon kay Danica, “May isang taong nagsabi sa akin na hindi ko na babanggitin kung sino siya.

“Pero sabi niya sa akin, 'Kapag nag-asawa ka na, tuldok na ‘yan ng career mo.' May nag-ganun sa akin.

“Hindi parents ko, ha? At hindi rin kapamilya ko or something. Hindi ko siya kamag-anak.

“'Tapos ako, siyempre, uso pa nun yung career-career. E, ako naman, e ‘di sige, kung hindi, okey lang. As long as masaya naman ako.”

Twenty-four daw siya nung nag-asawa. Ngayon, 32 na siya pero gumagawa pa rin ng mga teleserye.

Kuwento pa ni Danica, “Parang sinabihan pa nga niya 'ko na, 'Wala ka pa nga sa one-fourth ng parents mo, asawa ka na agad. Parang ganun… e, talagang hanggang diyan lang ang career mo.'”



NO REGRETS. Pagkatapos ng ilang taon na sinunod niya ang sariling desisyon. Hindi ba niya ito pinagsisihan?

Continue reading below ↓

“Oo,” mabilis na sagot ni Danica.

“At saka, masasabi kong masaya naman ako. Parang matagal din akong namahinga sa showbiz.

“Ang tagal kong hindi nag-regular, guesting-guesting, events, ganun lang.

“Pero na-enjoy ko kasi siguro naranasan ko kung paano maging normal na tao. Kaya rin siguro ako nakaka-relate sa mga taong ini-interview sa show kasi naranasan ko na maging nanay lang sa bahay.”

Na-curious tuloy kaming itanong kay Danica kung yung taong nagbitiw sa kanya ng mga ganoong pahayag ay nakikita pa rin niya?

“Actually, hindi na or minsan-minsan lang. Pero nandiyan-diyan lang siya.”



BALANCING SHOWBIZ AND FAMILY LIFE. Wala naman daw problema sa mister niya na nagiging aktibo ulit siya sa showbiz, basta lang daw kaya niyang balansehin.

Inamin din ni Danica na minsan, nami-miss din daw niya ang pag-arte.

“Yun naman ang first love ko talaga, pero sabi ko, tingnan na lang natin kung makahanap ako ng once-a-week taping. Pero siguro, guesting-guesting lang.

Continue reading below ↓

“At saka ako kasi, I believe in timing. ‘Di ba, marami ang nagsasabi na strike while the iron is hot, totoo ‘yan.

“Pero ang dami rin namang tao na if it’s your time to shine, kahit anong edad mo pa.”

Ginawa pa nitong halimbawa si Eugene Domingo.

Sabi nga ni Danica, “'Di ba si Ate Uge, hindi naman na siya teen noong nag-boom siya. Pero noong mag-boom siya, aktres. Ako, naniniwala na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo.”



POSITIVE OUTLOOK. Siya at ang kapatid niya na si Oyo Boy Sotto ay parehong may masaya at buong pamilya.

Mahy epekto ba rito yung nanggaling sila sa mga magulang na nagkahiwalay?

“Siguro yun na rin yun kung saan nanggaling. Hindi siguro siguro—oo, yun talaga ang dahilan,” saad niya.

“At saka siyempre, noong mas magkaroon kami ng relationship with God, parang doon kami nabuhayan ng loob na, wala ngang perfect, pero kaya naman palang malagpasan ang mga problema kapag alam mong nandiyan ang Lord na katuwang mo.

Continue reading below ↓

“Kaya mas medyo positive ang outlook namin in life.”



PROUD MOM DINA. Kapag nakikita siya ngayon ng mommy niya, si Dina Bonnevie, bilang isang misis at mommy, anong sinasabi nito sa kanya?

“Masaya siya. Palagi nga niyang sinasabi na she wishes daw na sana raw, the things that I knew, sana raw noong bata pa siya, alam na rin niya yun.

“Kasi hindi pa naman uso dati unlike now, ang dami na nating help.

“Marami na tayong magazines, seminars about parenting at ngayon, very vocal na rin about spirituality. Ako, proud ako that I’m a Christian. Dati kasi, parang nahihiya pa ang mga tao na magsabi about their faith. Dati kasi, natatakot pa ang mga tao na mag-reason out, oo na lang ng oo.”



BONDING WITH PARENTS. Madalas na napapanood si Vic Sotto na nanonood ng laban sa basketball ng kanyang son-in-law na si Marc Pingris sa PBA (Philippine Basketball Association) kunsaan kasama sa Star Hotshots si Marc.

Continue reading below ↓

Hindi maitago ni Danica ang kaligayahan dahil nakikita niyang mahal din ng mga magulang niya ang kanyang mister.

Sabi nga ni Danica, “Tumataba naman ang puso ko na ganun, palagi rin niya kong tine-text kunwari, nanalo, natalo, magte-text siya na, 'Okey lang ‘yan kapag natalo.' Kapag nanalo, 'Yehey,' magte-text siya ng ganun.”

Pag-amin pa ni Danica, “Minsan parang naiiyak nga ako. Parang nata-touch ako. Kasi siyempre, hindi naman agad-agad naging close siya kila Daddy at saka kila Mommy, ‘di ba?

“Pero natuwa ako kung paano nag-turn out. At least, okey sila. Magkasundo rin naman kami ng Mommy ni Marc kaya okey lang,” nakangiting sabi niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Danica Sotto-Pingris: “'Di ba, minsan may magku-comment sa Instagram, 'perfect family, perfect couple.' Kapag may oras ako minsan, kinu-comment ko lang, 'Thank you for your kind words, but we are far from perfect.' Kasi gusto kong ipakita ang realidad na lahat ng mag-asawa, dumaraan sa pagsubok.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results