LJ Moreno opens up about adopted son: “Actually, kapag nakita niyo siya, parang nanggaling din siya sa akin.”

IMAGE Rose Garcia

LJ Moreno on adopted son Ian Maximus: “Coincidentally, siya yung na-match sa amin. Sa kanya rin ako napalapit sa mga babies dun sa shelter. So meant talaga."


Dalawa ang anak ni LJ Moreno at ng star basketball player na si Jimmy Alapag.

Pero hindi naman nila inililihim na ampon ang panganay nilang anak na si Ian Maximus na nakuha raw nila sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Magda-dalawang-taong gulang na raw ito, at sa Spain nagdiwang ng kaarawan dahil isinama siya ng mag-asawa sa biyahe nila noong nakaraang taon para sa 2014 FIBA World Basketball Cup.

Dalawang taong kasal sina LJ at Jimmy nang ampunin nila ang bata, ano ang nag-udyok sa kanila?

“Well, it started with this baby girl.

“May time na we were going through this custody battle with this baby girl.

“Na-meet ko yung baby girl sa isang show ko sa province.

“Sinabi sa akin ng mayor na parang may sinurender sa kanilang baby, pero hindi pa rin nila alam kung ano ang gagawin nila,” pahayag ni LJ nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa taping ng morning show niya sa TV5 na Happy Wife, Happy Life.

Ayon pa kay LJ, “Five months na sa kanila, pero walang paper or anything.

“'Tapos pinahiram sa amin. Nilakad na namin ang custody, kaso binawi.

“Parang doon nag-start. Medyo na-depress kami nun, na-heartbroken and everything.”

Five days lang daw ang baby girl sa kanila pero na-attach daw sila agad sa bata.

“Na-award na sa amin 'tapos binawi. Si Jimmy, na-trauma run, e.”

MEETING IAN FOR THE FIRST TIME. Sa kabila ng pangyayaring yun, nag-ampon pa rin sila?

Sabi niya, “Oo, kasi for me, therapy sa akin yung going around sa different—well, not looking for a baby, ha?

“Hindi ko intention na mag-adopt pa ulit, pero sa akin, habang hinihintay or pina-process yung mga baby, at least, I can help.

“Umiikot ako sa iba’t ibang shelters. Yung isang shelter na palagi naming pinupuntahan, finally si Jimmy, nag-agree na pumunta. Si Ian was there in that shelter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May matching kasi kapag fostering, nag-match yung mga kids from that shelter.

“Coincidentally, siya yung na-match sa amin. Sa kanya rin ako napalapit sa mga babies dun sa shelter. So meant talaga.

“So inisip ko na lang, God used that first baby to lead us to him. Actually, kapag nakita niyo siya [Ian], parang nanggaling din siya sa akin.”

Tuwing magpu-post si LJ ng larawan kasama ang anak, madalas ay tinatakpan nila ang mukha nito dahil hindi pa raw opisyal na naibibigay sa kanila ang adoption papers.

Kahit nagsimula sila sa pagiging foster parents, marami pa raw proseso. Abandoned daw kasi ang anak nila kaya pinost pa raw ito kung sakali at may magki-claim.

Sabi pa niya, “Lumabas na ang paper niya for availability for adoption.

“Sabi, iri-review na raw talaga at hinihintay na lang ang matching paper for adoption which is, formality na lang daw yun para we can proceed na sa court para mapalitan na ang name niya, birth certificate, yun.”

EQUAL TREATMENT. Ngayong may six-month-old biological baby na sila ni Jimmy, wala bang kaibahan sa pakiramdam nila sa dalawa nilang anak?

“Wala. You know honestly, wala,” saad niya.

“Ang daming nagtatanong at may nagsabi sa akin na, ‘You know, baka maiba ‘yan kapag nanganak ka.’

“Kasi, we had him, then after two days, nalaman kong buntis ako. Pero honestly wala talaga.

“Minsan nga, parang mas may time pa kami kay Ian kasi, mas malaki na.

“Siya na yung naghahabol. E, si Keona naman, hindi pa naghahabol, baby pa,” dagdag pa niya.

EXPLAINING THE TRUTH. Kapag malaki-laki na raw ang panganay nilang anak, plano rin nilang ipagtapat dito agad kung paano ito napunta sa kanila.

Rason niya, “Kasi from reading yung mga adoption sites, books, and from talking to people na nag-adopt din, sinasabi nila na the younger the better. Kasi wala pang malice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi when you wait too long daw, doon nagrerebelde.

“Pero actually, even before we had him, kapag birthday ko, parang nagpapa-birthday—hindi ko lang inaano, pumupunta kami sa mga shelters, kasama namin siya.

“'Tapos doon din sa shelter kung saan nanggaling siya, pumupunta pa rin kami and he still knows kung saan yung toys.

“Para at least, paglaki niya, he knows na may something dito and kilala pa rin niya ang mga nag-alaga sa kanya. Naalagaan kasi talaga siya ro’n.”

HAPPY WITH MORNING SHOW’S THIRD SEASON. Samantala, umabot na sa ikatlong season ang Happy Wife, Happy Life kaya masayang-masaya raw sila ng mga co-hosts niyang sina Danica Sotto at Mariel Rodriguez-Padilla.

“Super happy and excited, kasi nag-e-enjoy kami sa show na ‘to.

“It’s really about us, being wives. Ang dami kong natutunan,” masayang pahayag ni LJ.

Silang dalawa lang ni Danica ang unang hosts ng Happy Wife, Happy Life noong unang season. Hanggang sa nakasama na nila si Mariel sa second season.

Sila raw ni Danica, wala nang naging adjustment dahil magkaibigan naman na talaga sila dati pa.

Hindi rin naman daw naging mahirap ang adjustment nila nang pumasok na si Mariel.

“Actually, first taping pa lang ni Mariel, nag-jibe na kami agad, e. So wala talaga,” pagmamalaki niya.

Tinanong naman si LJ kung hindi ba nagiging isyu ang sapawan sa kanilang tatlo o kung sino ang nasa sentro palagi.

“Wala, with me and Danica, it’s not a big deal for us. Lalo na ako pa, wala akong pakialam sa ganyan,” natawa niyang sabi.

Yun nga lang, sa pagbubukas nila ng season 3, dahil nasa Spain si Mariel, si Gelli de Belen muna ang humalili rito habang nagbabakasyon ang misis ni Robin Padilla.

NOT READY YET TO ACT FULL-TIME. Sa ngayon, masaya naman daw si LJ na naghu-host siya ng morning show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik ba siya sa pag-arte?

Pag-amin niya, “Ang hirap, e. I have the kids now.

"Baby pa… yung baby, six months, si Keona Skye. Yung boy, magti-three pa lang sa September.”

Hindi nagiging isyu sa mister niya na abala siya sa isang show ngayon?

“Wala, as long as alam ko raw ang priorities ko, that’s why pumayag din siya rito.

“Noong una, trial lang ang season one, e. Medyo umokey. Pero inaano niya ‘ko na kapag medyo umover, ‘Hey, yung kids…’

“Naghahabol kasi kami ng taping, yun nga, aalis si Mariel and we also plan a vacation.

“Yung ayaw niya lang kasi, yung naiiwan ang kids sa bahay na walang kasama.

“At least, yung sister ko, nakatira sa akin at yung tita ko, malapit lang.

“Basta alam ko raw ang priority ko, which is family.”

UNDERSTANDING HUSBAND. Mahigpit ba si Jimmy bilang asawa?

Mabilis nitong tanggi, “Ay, hindi naman, pagdating sa time. Medyo high maintenance lang siya sa time. Pero okey na okey.”

Biniro namin si LJ na kaya naman daw kasing suportahan ng mister niya kung gusto man niyang maging “high maintenance” kahit na hindi magtrabaho.

“Ganun?!?” natawang sagot niya.

“Hindi, basta sinasabi lang naman niya sa akin na, ‘Basta you know your priorities. Remember, you don’t have to work.’

“Yun lang naman ang sinasabi niya. Kaya lang ako, bilang ilang taon din naman ako nag-start, sanay akong mag-work.

“Kung hindi man ako nagsu-showbiz, yung business ko naman na Lollicake. So ngayon, medyo busy.”

HAPPY AND CONTENT. Kinumusta naman namin si LJ bilang isang wife at kung gaano naman siya ka-happy.

Nakangiti niyang sabi, “Ako, super happy wife and contented.

“Spoiled din naman ako kay Jimmy sa alaga and everything.

“Si Jimmy ano siya, mas siya pa ang palaging, ‘Where are you?’

“Mas siya pa ang nagre-report kaya hindi ko siya kailangang hanapin or anything.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN