Maya enticed to join the local entertainment scene, is she willing to leave the international group Blush?

IMAGE Noel Orsal

Maya is weighing her options as a member of the international group Blush, "There’s no place like home, nandito rin ang family ko and friends, iba ang support. Kapag doon, ako lang, just me and 24/7 work lang talaga..."


Si Maya ang isa sa pinakabagong artist ngayon ng PPL Entertainment Inc.

Kung tutuusin, hindi na masasabing baguhan si Maya sa entertainment industry dahil sa edad na 13, isa siya sa naging finalists at nakalaban ni Sarah Geronimo nang manalo ito sa Star for a Night.

Naging bahagi rin siya ng mga early tours ni Sarah noon bilang isa sa VIVA artist.

Nung siya ay 18 yeasrs old, sumali ito sa Pinoy Idol kunsaan si Gretchen Espina naman ang nanalo.

Yung Pinoy Idol daw ang naging daan kung bakit niya nakilala ang manager niya ngayong si Perry Lansigan.

Naging part din siya ng SOP, pero hindi nagtagal, nang mag-audition siya sa Pan-Asia group na Blush, isa si Maya sa pinalad na makasama rito kasama ang iba pang singer mula sa iba’t-ibang bansa sa Asia tulad ng China, India, Japan, Korea at Philippines.

Si Maya ay si Angeli Flores sa tunay na buhay.

Sa ginanap na mini-presscon/mini-concert ni Maya at ng isa pang kasabayan niyang bagong talent ng PPL na si Migz Haleco sa Luxent Hotel noong June 30, halos lahat ay napabilib sa husay ng dalawa.

WORLD STAGE. Si Maya ay nakasama na sa mga shows ng ilan sa mga sikat na international singers tulad nina Justin Bieber, Black Eyed Peas, Jessie J, Diana Ross, Janoskians, The Wanted.

Nag-compete rin daw si Maya para mapasama sa Blush.

Kuwento niya, “Nag-audition po ako sa Blush, sa Shangri-La pa yun.

“’Tapos, yung competition po, sa Hongkong, lahat kami sa group, came from the contest na Project Lotus.

“Yung manager namin sa Blush is an American with his wife, nakatira sila sa Asia for 13 years.

“And then, naisip nila na bakit hindi natin dalhin ang Asian talents sa States.”

Limang taon na rin daw siya sa Blush at halos naikot na niya ang mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung first year po namin, more on Asia, nag-open kami for Jessie J, Justin Bieber.”

Anong pakiramdam na nakasama na niya ang mga Hollywood artists sa show?

“Yung feeling, sobrang surreal, parang pinapanood ko lang sila and, now, I am performing on the same stage with them.

“Nakaka-inspire, ang dami mong natutunan sa kanila, nakikita mo na ganun pala yun.

"Parang mas lalo ka pang, 'Gusto ko ‘to. Magpupursige pa ko para makapunta ako kung nasaan sila ngayon.'”

NICE PERSON. Si Jessie J ang isa sa binanggit ni Maya na mabait daw talaga sa mga nakasama nila.

“Nag-tour kami with Jessie J sa tatlong countries sa Asia and yung experience namin with her, medyo matagal kasi sa kanya.

“Yung iba, one time lang. Sobrang mabait and talented and she’s Jessie J, but she’s so down-to-earth.

“Yung after party, parang may private area siya somewhere, then nakita niya kami, parang, ‘You join us, have you eaten?’

“Parang nakaka-overwhelm lang.”

Ang pinaka-peg daw niya talaga sa pagpe-perform at idolo niya ay si Beyonce. Pero kahit na nakaikot na siya sa America at United Kingdom, hindi pa raw siya nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ito o makita man lang.

Saad niya, “Hindi pa talaga, pero yung ibang producers na naka-work na si Beyonce, naka-work na namin.

"And yun pa lang, ‘Wow, thank you.’” sabi ni Maya.

BAMBOO FAN. Maganda ang boses at magaling mag-perform pero hindi siya nanalo sa dalawang local singing contests na sinalihan niya sa bansa.

Paano yun na-handle ni Maya?

“Well siguro po, hindi pa lang talaga time noon, hindi pa ako hinog na hinog.

“Ngayon po siguro, kung iku-compare ko noong time na yun, mas kilala ko na ang sarili ko as an artist.

“Kasi kapag hindi mo kilala ang sarili mo, siyempre, parang sige susunod na lang ako kung ano ang sabihin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mapi-feel yun ng tao kung ikaw as an artist, alam mo kung ano ang gusto mo at gusto mong ipa-feel sa audience, iba yun.”

Mabilis ang sagot ni Maya nang tanungin namin siya kung sino ang gusto niyang maka-collaborate naman sa mga local singers.

“Bamboo,” ang maagap niyang sagot. “He’s amazing, talented, and crush ko siya,” natawa niyang sabi.

Birong dugtong pa niya, “Yun talaga yun, e! In-add ko lang ang talented.”

HOMEBOUND? Naka-season break lang daw sila ngayon sa Blush kaya sinubukan niyang muling pasukin ang local entertainment.

Iiwan na ba niya ang Blush at magpo-focus sa local scene.

Aniya, “Yeah, naka-season break po kami ngayon, kapag tinawagan kami, balik.

“Pero we’ll see what will gonna happen here, mapag-uusapan pa namin yun nila Kuya Perry.”

Hindi pa ba ganoon kabuo ang loob niya na magbalik sa local scene?

“Well, siyempre naman po there’s no place like home, nandito rin ang family ko and friends, iba po yun, iba ang support.

“Kapag doon, ako lang, just me and 24/7 work lang talaga.

“Hindi naman sa nagrereklamo pero iba talaga, at the same time, yung opportunity na yun, it’s a big opportunity.

“Pero dito, iba rin ang opportunity, at the same time, kasama mo pa ang friends and family mo.

“Iba siya, mahirap tingnan, pero let’s see kung ano po ang mangyayari kapag dumating tayo sa ganyan.”


Sa darating na July 17 sa 19 East sa Parañaque City, magpe-perform si Maya ng 10pm para sa Migz. Maya. Merged show, kunsaan magsisilbing special guests nila sina Jay Durias at Gloc 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN