Sunshine Cruz reveals why she likes posting sexy selfies on Instagram

IMAGE Sany Chua

Sunshine Cruz explains her reason for posting her recent sexy pics on social media: “I’m doing this para mapatunayan ko sa mga tao, sa mga nanay na… not because meron kayong mga anak, magpapabaya na kayo. Ako, I have three kids. And it only means na kaya pa rin nating maging sexy or maging healthy at least.”


Ano nga ba ang rason ni Sunshine Cruz kung bakit ito nagpo-post ng mga pictures sa Instagram na naka-swimsuit siya?

@sunshinecruz718 on Instagram

“Ang daming nagsasabi na yung mga ibang mapang-intriga, sinasabi na I’m doing this para raw mapatunayan ko na kawalan daw ako.

“Hindi. I’m doing this para mapatunayan ko sa mga tao, sa mga nanay na not because meron kayong mga anak, magpapabaya na kayo.

“Ako, I have three kids. And it only means na kaya pa rin nating maging sexy or maging healthy at least.

“So kailangan maging healthy tayo para na rin kung gusto ninyong humaba ang buhay ninyo, maalagaan pa ninyo nang matagal ang mga anak ninyo e 'di maging fit tayo.”

Ito ang kanyang tinuran nang mag-guest siya sa Aquino & Abunda Tonight nitong nakaraang Biyernes, July 3.

Kapuna-puna ang bagong look ng aktres. Parang model ang dating niya.

Screen grab from Aquino & Abunda Tonight through @sunshinecruz718 on Instagram

“Nagbanat lang ako ng buhok. Bagong trip lang,” nangiting sabi ng aktres.

Nagbago rin siya ng kilay?

“Yeah, para maiba. Para next, kontrabidang-kontrabida naman ako sa teleserye!

“Kini-claim ko na!” tawa pa ni Sunshine.

In two weeks time, ending na ng series na kinabibilangan niya, ang Oh My G! Sobrang nagpapasalamat daw siya, sampu ng mga kasamahan niya, sa lahat ng sumuporta.

“Napakaganda talaga ng pagtanggap dito sa aming teleserye.

“And ayun, maraming-marami pang mga pagsubok na darating kay Sophie played by Janella Salvador so abangan ninyo.”

THANKFUL FOR YOUNGER GENERATION OF FANS. May pagka-kontrabida ang character niya sa Oh My G!. Ano naman ang natutunan niya sa pagganap niya bilang Tita Lucy?

Kuwento niya, “Kasi dito, si Tita Lucy noong una sobrang materialistic. Parang social climber.

“'Tapos dumating yung realization sa kanya na kahit na ang pera, marami… kung hindi galing sa ‘yo at pinaghirapan mo, hindi ka pa rin magiging masaya. At hindi ka magkakaroon ng peace of mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think iyon ang natutunan ko na money is not everything, you know.

"I think ang peace of mind talaga nakukuha ‘yan… kung may pera ka man, pinaghihirapan mo yung pera.

“Nakukuha mo ‘yan sa sarili mong pagsisikap. At hindi mo nakukuha ‘yan sa ibang tao.

“And I’m just lucky na yung mga napupunta sa akin na role, yung apat, puro kid-friendly talaga.

“Kaya nga nakakatuwa na hindi lang yung mga… kasi 13 years akong nag-quit ng showbiz so ang mga nakakakilala lang sa akin before ay yung mga kaedad ko or mas matanda sa akin, o yung mga lalake kasi nga nag-sexy ako before.

“Ngayon, nakakatuwa na yung mga bata, yung mga maliliit na kaedad ng mga anak ko, nilalapitan ako, and they call me Tita Lucy.

“Yes. Nakakatuwa talaga!”

HANDS-ON MOM. Kumusta naman ang mga dalagita niya?

“School na sila. They’re having fun.

“And maraming kuwento sa akin yung 13-year-old ko. Minsan naa-annoy kasi maraming nagkaka-crush sa kanya.

“So sinasabi ko lang, 'You have to tell me everything, okay? And if they continue to bug you, let me know… I will talk to them.'

“It bothers her. Kinukulit siya like they tell her na, 'I like you,' yung mga ganyan. 'Tapos hinahawakan siya sa kamay.

“Sabi ko nga, 'Hindi pupuwede. Hindi ko kaya!” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN