Dina Bonnevie proud of weaving, selling, and promoting Abel Iloco cloth

IMAGE @dinabonnevie on Instagram

Dina Bonnevie (shown with husband, Ilocos Sur Vice-Governor Deogracias Victor "DV" Savellano) talks about her latest advocacy, which it promoting the indigenous abel Iloco cloth: “Hindi madaling gawin ang mga products na ito. Kaya you will appreciate it more kapag naranasan mo na ang paghabi ng abel Iloco."


Naging malaking impluwensiya raw kay Dina Bonnevie ang kanyang mister na si Ilocos Sur Vice-Governor Deogracias Victor "DV" Savellano para mai-promote nito ang mga local products ng Ilocos.

Kapag hindi raw busy si Ms. D sa kanyang showbiz commitments, ang paghahabi raw ng telang abel Iloco ang kanyang pinagkakaabalahan.

Marami na nga raw siyang natutunang gawin gamit ang telang abel Iloco tulad ng espadrille shoes, evening bags, throw pillows, tunics, at marami pang iba.

Enjoy nga raw si Dina sa paggawa ng mga ito at siya mismo ang nagbebenta nito sa mga bazaars at sa restaurant nilang mag-asawa na Victorino’s na matatagpuan sa 11th Jamboree Street corner Scout Rallos in Quezon City.

“Tinayo namin ang Victorino’s restaurant that serves authentic Ilocano cuisine, and we put the blankets and the products there.

“I’ve taken it a notch higher so I joined bazaars.

“When I’m not doing anything, I’m a tindera cause I stand in the bazaars and sell the blankets,” kuwento pa ni Dina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial niya sa GMA Network Center kamakailan.

May advocacy si Dina na tulungan niyang ma-promote ang mga gawang Ilocos para naman mas umunlad pa at gumanda ang buhay ng mga taong naghihirap na gawin ang mga produktong ito.

“Hindi madaling gawin ang mga products na ito. Kaya you will appreciate it more kapag naranasan mo na ang paghabi ng abel Iloco.

“By helping in promoting these products, you help in improving the lives of these hard-working people.

“When you see their lives improving, you feel good. It’s an advocacy,” paliwanag pa niya.

TV COMEBACK. Samantala, muling gagawa ng teleserye si Dina sa GMA-7, at ito ay ang Beautiful Strangers kunsaan makakasama niya sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Rocco Nacino, Benjamin Alves at Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “It’s like my comeback to GMA-7. More than seven years din akong hindi nakagawa ng show sa Kapuso network.

“In Beautiful Strangers, it’s my first time to work with the whole cast except for Boyet de Leon.

“Parang reunion din namin ito ni Boyet who I have not worked with for a very long time.

“Kaya sobra akong excited to do this teleserye because of the new faces I will be working with and, of course, working with Boyet again.”

Ang drama series na Babangon Ako’t Dudurugin Kita ang pinakahuling teleserye na ginawa ni Dina sa GMA-7 noong 2008.

Huli namang napanood ang aktres sa ABS-CBN teleserye na Two Wives.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN