Yup, Paul Jake Castillo and Kaye Abad are ready to tie the knot but...

IMAGE Allan Sancon

When Paul Jake Castillo was asked when he would propose to girlfriend Kaye Abad, he joked, “Wala nang proposal! Kasi mahal ang diamond ring, e. Diretso kasal na!”

Not to be outdone, Kaye also teased, “Baka may gustong magpahiram ng singsing? Ibabalik din naman namin.”


"Ako ready na ako kasi matanda na ako!" ang nakatawang sambit ni Kaye Abad nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Enetratinment Portal) kung handa na itong magpakasal.

Nakausap namin siya, maging ang boyfriend niyang si Paul Jake Castillo sa Reader’s Digest Trusted Brand Awards na ginanap sa Marco Polo Hotel, Ortigas Center, Pasig City, kamakailan.

Bungad naming tanong: Ano yung matatanggap niyong award?

Sagot ni Paul Jake, “One of the trusted brand yung product namin na Omega Pain Killer. Ako yung tatanggap ng award.”

Sabad ni Kaye, "Ako naman, ang award ko ay best supportive girlfriend ni Paul Jake!" Saka siya tumawa.

Mahigit isang taon na rin ang relasyon nila, ano, so far, ang natututunan nila sa isa't isa?

Sagot ng aktres, “Siguro yung trust, saka siguro yung, you have to be understanding sa isa’t isa.

"Isa rin siguro yung foundation na magkaibigan na kami before. Mas kilala na namin yung isa’t isa.

"Kumbaga walang best foot forward. 'Di ba, ganun 'pag ligawan stage? May best foot forward?”

Sang-ayon ni Paul Jake, “Yun nga! Our relationship started na magkaibigan pa kami.

"Wala kami itinatago to each other, so I guess that’s the best thing that makes our relationship strong.”

READ Paul Jake Castillo and Kaye Abad: from barkada to "BFF"

WEDDING PLANS? This year mahigit sampung showbiz weddings na ang naganap. Bagamat napag-uusapan na ng dalawa ang magpakasal na rin, hindi pa nila masabi kung kelan ito.

Ani Psul Jake, “Siyempre naman, every relationship naman, you have to get to know each other first, 'di ba? In the future, hopefully!”

At kung mangyari man iyon, gusto sana nina Jake at Kaye na "intimate" ang maging wedding nila.

Dagdag ni Paul Jake, “For me, siguro mas gusto ko ng intimate lang.

"I don’t want really big wedding, pero siyempre, madami akong kaibigan, si Kaye marami ring kaibigan kaya I guess magiging big wedding talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Kaye, “Ako, ever since mas gusto ko na intimate wedding lang, yung closest friends lang talaga and family.

"Ayoko ng masyadong engrande kasi mahirap din mag-entertain 'pag masyado kang maraming guests. 'Tapos marami kang papakainin.

"Kaya asahan niyo talaga na piling-pili na talaga 'yan.”

Inilarawan ni Kaye ang ilang detalye ng kanyang "dream wedding."

Aniya, “Noong bata ako, gusto ko sana sa church and simple lang talaga.

"Kahit yung gown, gusto ko simple lang."

Saka siya nagbiro, "'Tapos magulat kayo, ang engrande nung gown ko, 'no?"

Saka naging seryoso ulit, "Hindi, simple lang talaga, pero gusto ko maraming flowers. Yung very elegant but simple lang.”

Narinig mo ba yun Paul Jake? Ano'ng comment mo sa sinabi ni Kaye?

Aprub naman ni Paul Jake, “Elegant but simple? Okay yun! Okay yun!”

Pero, Paul Jake, may plano na ba? A year from now or two years from now?

Sagot ng aktor, “Oo, siyempre naman, I’m not getting any younger also, there are plans naman.”

Dugtong ni Kaye, “We talked about it pero nothing serious. Pero walang date na next year na or two years from now, walang ganun.

"Kumbaga 'pag may kinakasal, nagbibiruan lang kami na, 'Pag ako, ganito gusto ko, or dapat ganyan.'”



WHAT IF HE PROPOSES? Diretso ang sagot ni Kaye, “Oo, ready na ako, kasi matanda na ako."

Saka ito tumawa, "Kung aarte pa ako, parang sinayang ko na lang rin, 'di ba?"

Kayo bang dalawa mas gusto niyo ng long engagement or short engagement lang 'tapos kasal na agad?

Ang nakatawang hirit ni Paul Jake, “Wala nang proposal! Kasi mahal ang diamond ring, e. Diretso kasal na!”

Anong masasabi mo dun Kaye?

Kaye: “Teka! Napaisip ako dun, a. Ewan ko! Bahala na! Bahala siya diyan!”

Hindi ba kayo sasabay sa mga nagpakasal this year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro ulit ni Kaye, “Baka may gustong magpahiram ng singsing? Ibabalik din naman namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN