Bukod sa mismong talumpati ng Pangulong Benigno Aquino III, isa pang inaabangan taon-taon sa SONA (o State of the Nation Address) ay ang magagarang kasuotan ng mga pulitiko at kanilang mga pamilya.
Ngayong taon, mistulang fashion show pa rin ang SONA na naganap sa Batasang Pambansa, Quezon City.