AJ Dee reveals fashion advice for brother Enchong

IMAGE Glen Sibonga

Bago mag-migrate sa Norway si AJ Dee kasama ang kanyang pamilya, abala ito sa kanyang YouTube channel at blog.


Narinig niyo na ba si The Filo Dapper?

Iyan ang YouTube channel ni AJ Dee, at kasalukuyang pinagkakaabalahan niya.



Paglalarawan ni AJ, “My channel is about men’s wear and fashion. I showcase mga style for men.

“So basically about fashion talaga.

“Ever since, mahilig akong magdamit, pero hindi ko alam kung saan ako naka-categorize.

“Kasi ngayon ko lang nalaman na mayroong category like streetwear ka or nasa dapper ka.

“So ako, parang nandoon ako sa formal lagi, parang ganun.

“So yun ang style na nagustuhan ko and iyon ang ginagawa ko.”

BLOG. Sakaito nagkuwento tungkol sa kanyang blog.

"...nag-start iyon nung nagta-travel ako.

“Every year kasi travel-travel, nai-inspire ako, napa-fascinate ako doon sa mga men na nakikita ko sa abroad na magandang magdamit.

“So, sabi ko sa asawa ko, ‘Kaya ko bang mag-blog?

“Kasi siyempre magra-write ka, hindi naman ako magaling mag-write.

“Sabi niya, ‘Simple lang naman iyan, ganyan-ganyan.’

“So, tsinek ko yung ibang bloggers. So parang simple kuwento about their day and why wore your outfit. A, okay, ganun lang pala.

“So sabi ko, kaya ko ito, nag-start ako.

“And then eto na yung sumunod, yung channel.”

FASHION ADVICE FOR ENCHONG. Binibigyan niya rin ba ng advice sa style at fashion ang kapatid niyang si Enchong Dee?

“Well, yeah. Nakakatawa nga kasi nag-tour, nagsama kami sa States noong Vice Ganda tour, so parang ako yung plus one niya.

“But, parang siya yung nagmumukhang plus one ko kasi lagi lang siyang naka-T-shirt.

“So, sabi ko, ‘Mag-ayos ka naman kasi ako lagi akong naka-blazer 'tapos ikaw naka-T-shirt, naka-tsinelas ka pa.’

“So sabi ko, ‘Kailangan presentable ka rin.’

“Pero iyon kasi ang style niya so I can’t do anything about it.

“Pero at least nakikita niya.

“Kaya minsan nagpo-post siya na, ‘Eto nagagaya ko na si Filo Dapper,’ ganyan-ganyan.

“So nakakatuwa din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN