Newbie Andrew Garcia relates how he rejected an indecent proposal

IMAGE File

Andrew Garcia: “Gusto kong maging instrument sa mga manonood. Kasi gaya natin, pag nanonood tayo parang nadadala tayo. Then, after ng pinapanood natin, parang feeling natin napagtagumpayanan na rin natin yung mga problema sa buhay, yung mga pinagdadaanan natin."


Inamin ng baguhang si Andrew Garcia na nakatanggap na siya ng indecent proposal mula sa bakla.

Tinanggihan ni Andrew ang kotse na inialok sa kanya kapalit ng kanyang katawan.

“Nasa isang event po ako. Hindi ko siya kilala 'tapos lumapit lang. Nakipagkuwentuhan muna hanggang sa sabi niya, ‘Ako bahala sa iyo,'” kuwento ni Andrew.

"'Tapos nagte-text, sabi ko, ‘Sir, okay lang po kasi yung family ko, okay naman, kaya naman nilang mag-provide.’

“'Tsaka if ever man, gusto ko yung sarili kong pera, sa sariling paghihirap ko manggagaling ang kotse, hindi ho galing sa isang ganun lang.”

Si Andrew ang bagong artist ng Triple A, na talent management agency ni Tony Tuviera at pinamamahalaan ni Rams David.



POWER OF SOCIAL MEDIA. Kumuha ng kursong Culinary Arts si Andrew na isang basketball player noong estudyante pa siya.

“Pero after kong mag-OJT [On-the-Job Training], parang dun ko na-realize na ayokong mag-work sa restaurant, na hindi ko pala gustong maging chef,” sabi niya.

“Parang gusto kong mag-try mag-showbiz.”

Social media ang naging daan para mapasok si Andrew sa Triple A, na nangangalaga sa career nina Marian Rivera, Andrea Torres, Celia Rodriguez, Jerald Napoles, ang female newcomer na si Takako Saito, at marami pang iba.

“Sa Facebook, dun ako nakita ni Tito Rams. Bale pini-M [private message] niya ako,” umpisang kuwento ni Andrew nang makausap namin sa Victorino’s restaurant noong Martes, July 21.

“Before ko makilala si Tito Rams, may mga minor roles ako na nagawa sa TV,” ani Andrew.

Ilan sa mga ito ay guestings sa Party Pilipinas at sa Maalaala Mo Kaya [MMK], kung saan tatlong beses siya nakita.

Nakasama ni Andrew sa magkakaibang MMK episodes sina Edgar Allan Guzman, Khalil Ramos, at Enrique Gil.

Gumanap na rin siyang best friend ni JC de Vera sa Moon of Desire at sa Temptation Of Wife bilang kaibigan nina Dennis Trillo at JC Tiuseco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero before yun, nag-start ako sa commercials, sa print ads, sa ramp,” ani Andrew.



FASHION SHOWS. Hindi pa raw siya rumarampa nang hubad sa anumang fashion show.

“Pero gusto ko, kung pwede na,” at tumawa ang 25-year-old newcomer na may tangkad na 5’11.”

Ang iba, nagdadalawang-isip bago pumayag na rumampa nang sexy sa isang fashion show, pero si Andrew, gusto niya.

“Basta po prestigious, yung like Bench o Cosmo, okay lang.”

Handa na ba si Andrew na magpaseksi?

“Right now? Siguro.”

Bilang artista, nais ni Andrew na malinya sa drama.

"Idol ko si John Lloyd Cruz. Kasi kahit hindi siya nagsasalita sa eksena, kitang-kita mo, ramdam mo pa rin ang husay niya bilang artista.

“Ganun yung gusto kong i-achieve.”

Hinahangaan rin niya si Paulo Avelino, na ayon nga sa iba ay kahawig ni Andrew.

DREAM LEADING LADIES. Kung mabibigyan ng big break, ang unang gustong maging leading lady ni Andrew ay sina Kris Bernal, Maja Salvador o si Andrea Torres.

Pero ang crush ni Andrew ay si Solenn Heussaff, na nais rin niyang maging kapareha.

Walang artista sa pamilya ni Andrew [Andrew Gan sa tunay na buhay]. Siya lamang ang kauna-unahang nag-artista.

Ngayong nasa Triple A na si Andrew, ano ang expectations niya sa kanyang showbiz career?

“Unang-una po sa laha,t siyempre po thankful ako kasi sa Triple A ako napunta, sobrang happy naman ako.

“Naniniwala rin po ako na hindi lang siya sa manager, nasa talent pa rin. So ako, basta gagawin ko ang best ko.

“Gusto kong maging instrument sa mga manonood. Kasi gaya natin, pag nanonood tayo parang nadadala tayo.

“Then, after ng pinapanood natin, parang feeling natin napagtagumpayanan na rin natin yung mga problema sa buhay, yung mga pinagdadaanan natin.

“So ganun po gusto kong maging, isang serious actor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN