Newbies Katrina Velarde and Monique Lualhati talk about career plans, crushes, and journey as singers

IMAGE screen grab from ABS-CBN

Katrina Velarde and Monique Lualhati both named Coco Martin and Daniel Matsunaga as their showbiz crushes.


Simula July 31, VIVA contract artists na sina Monique Lualhati at Katrina Velarde, na mga talents din ng Manila Genesis Entertainment and Talent Management, Inc.

Parehong produkto ng talent search ang dalawa—si Monique ay under Team Sarah Geronimo sa The Voice Philippines Season 2, kung saan si Jason Dy ang nanalo, at si Katrina ay finalist ng X Factor Philippines, kung saan si KZ Tandingan ang nanalo.

Pagkatapos ng kanilang pagsali sa mga nabanggit na talent search ay kinuha sila ng Genesis na pinamamahalaan ng misis ni Gary Valenciano na si Angeli.

Lahad ni Katrina, “Nagpu-front act kami sa mga concerts ni Kuya Gary.

"‘Tapos minsan po, nagba-back up din kami sa mga U.S. shows niya po.

“Inalagaan po niya kami nang bonggang-bongga at masaya po kami na naging talents ng Genesis.

“Feeling namin, sobrang blessed talaga kami kasi… Gary Valenciano iyon, e, and of course si Tita Angeli.

“And marami kaming natutunan sa kanya [Gary], hindi lang sa career kundi pati spiritually.

“And nakakatuwa na they are doing everything to help us.”

VIVA ARTISTS. Anong pakiramdam na VIVA contract artists na rin sila ngayon?

Sabi ni Katrina, “Excited po kami, hindi po gano’n kadali na magkaroon ng opportunity...

“Dahil na rin po sa tulong nina Tita Angeli kaya rin po kami napunta dito.

“So sobrang blessed and masaya kasi eto na ‘yon, ‘di ba?

“Kumbaga, mag-i-start na mas lumaki pa ‘yong career mo nang mas lalo pa.”

Matagal-tagal din ang kanilang hinintay bago magkaroon ng gano’ng opportunity.

Sabi ni Monique, “Tiyagaan lang po talaga kasi wala naman pong madali, e.”

Sa harap ng boss ng VIVA na si Vic Del Rosario at anak nitong si Veronique ay nahiritan na kumanta sina Monique at Katrina.

Nag-duet sila ng kantang "Flash Light" ni Jessie J.

Lahat ng naroon sa conference room kung saan ginanap ang contract signing ay bumilib sa ganda ng kanilang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ganda ng kanilang blending, at puwede nga rin silang maging singing duo.

“Kasi magka-grupo nga kami sa X Factor noon, parang sanay na kami sa isa’t isa,” sabi ni Monique.

“So kapag gumagawa kami ng covers, parang madali na lang.

“Kumbaga, kamado na ‘yong voice naming dalawa kasi nga matagal na kaming magkasamang kumakanta.”

PROSPECTS. Sa kontratang pinirmahan nila sa VIVA, igu-groom sila bilang mga solo artists, and they’re looking forward na makapag-record na ng kani-kanilang albums.

“Pero okay din lang na maging singing duo kami, why not?” sabay ngiting sabi naman ni Katrina.

“Hindi na rin mahirap iyon para sa amin kasi nga po magkasama na kami noon pa.

“Kaya okey sa amin kung anuman ang balak ng VIVA for us, go kami.”

Singing lang ang gusto nila o open din sila for acting?

“Kahit ano po basta may opportunity, go lang nang go,” sabi nina Monique at Katrina.

LOVE LIFE. Nangiti ang dalawa nang mausisa kung sino ang kanilang mga showbiz crush.

Daniel Matsunaga at Coco Martin ang mga pangalang binanggit nila.

Wala raw lovelife ngayon si Monique. Si Katrina naman ay happy raw na very supportive ang kanyang boyfriend sa kanyang pinagpupursigihang singing career.

“Nakilala naman po niya ako na ganito na ang ginagawa ko, so naiintindihan niya naman po,” ani Katrina.

Si Monique, bakit pinili niyang isantabi muna ang pagbu-boyfriend?

“Siguro kasi mas nai-enjoy ko ngayon na nagpu-focus ako sa career ko, career muna.

“At saka sa family, siyempre gusto ko munang maging stable bago ‘yong lovelife, gano’n.”

IDOLS. Si Regine Velasquez daw ang iniidolong singer ni Monique, na ang type of songs niya ay pop, ballad, at RNB.

“Bukod kay Regine, na-inspire din ako kay Beyonce,” nangiting sabi pa niya.

Si Katrina naman, ang paborito raw niyang kantahin ay pop, soul, at RNB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang favorite ko po si Sarah Geronimo kasi full package na talaga siya, e.

“‘Tapos ngayon, kasama na niya kami dito sa VIVA, ay grabe, sobrang exciting po at ang saya-saya!”

Excited din daw sila ni Monique sa nalalapit na show nila kasama si RJ dela Fuente.

“September 16 po ito sa 19 East at saka sa September 30 sa Music Hall.

“Magpu-full band po kami do’n sa show at ang parang ang mga magiging concept niya, mga stories namin.

“Gagamitin po namin ang mga stories namin sa mga songs namin.

“‘Yong stories ng pagpupursigi naming maabot ang mga dreams namin na makilala bilang mga singers."

THEIR JOURNEY. Ano ba ang interesting sa kuwento ng kanilang journey bilang mga nangangarap na sumikat sa larangan ng musika?

Sabi ni Katrina, “Ako po kasi, nag-start ako sa mga amateur singing contests.

"Simula six years old po ako hanggang 16 na nag-X Factor ako, do’n lang ako nag-stop.

“Dahil ‘yong pagsali ko po sa mga amateur singing contests ang pang-support ko sa family ko.

“So blessed naman po, nagpapasalamat din po ako nang sobra kay Lord.

“Kasi from being amateurista na kumakanta sa mga barangay singing contests, nandito ako ngayon.

“Ngayon, nagkakaroon na kami ng mga kasama na bigating singers at artists, lahat talaga, kaya nakakanerbiyos! Nakakagulat.”

Si Monique naman, malaki raw ang naging impluwensiya ng kanyang mom and dad na parehong singers para mahilig din siya sa musika.

“Bata pa lang ako… sabi nga ng mommy ko, ipinanganak ako na una kong natutunan ang kumanta.

“Nagha-hum na ako ng mga kanta na ‘Greatest Love Of All,’ ganyan.

“Natuto akong kumanta sa school no’ng kinder ako, ‘tapos sa mga barangay singing contest sumasali rin ako.

“Hanggang sa nauso ‘yong mga singing contests sa TV, halos lahat nasalihan ko na, pati Talentadong Pinoy.

"Ang pinakamalaking break nga na dumating sa akin ay no’ng napabilang ako sa Idol musical teleserye ni Coach Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Do’n ako nagkaroon ng background sa acting, hanggang sa nagkaroon kami ng grupo na AKA Jam.

“‘Tapos naging mentor namin si Tito Gary, ‘tapos heto na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN