Failure pushes Edward Benosa to work harder on his singing career

IMAGE PR

After his failed attempts to be part of StarStruck and Pinoy Big Brother, Edward Benosa realized he is meant for singing.


Dahil baguhang singer si Edward Benosa, ang unang itinanong namin sa kanya sa presscon na ginanap sa Cool Groundz Bistro sa Tomas Morato noong Martes, August 11, ay kung kailan at paano siya nagsimula bilang male balladeer.

“Ang naka-discover po sa akin nung una si Arnold Reyes po.

"'Tapos dinala niya po ako kay Boy Abunda. Nag-Backroom ako then after nun nung na-realize namin na yung tatahakin namin is singing, nag-audition po ako sa The Voice.”

Nag-audition si Edward sa season one kung saan nanalo si Mitoy Yonting.

“Unfortunately po hindi ako nakuha sa The Voice,” sabi ni Edward.

Ikinalungkot raw niya iyon pero nagsilbing inspirasyon para mas lalo siyang magpursige sa karerang gusto niya.

SELF-TITLED ALBUM. “So gumawa po kami ng demo, ibinigay namin sa Star Records and doon po nag-start yung singing career ko.”

More or less six months ago sinimulan at ngayon ay out na sa market ang self-titled album ni Edward.

Laman nito ang mga kantang Iingatan Ko, ‘Di Man Lang Nagpaalam, Stay (featuring Marion Aunor), Ikaw Lang, Puso Kong Ito, Sa Piling Mo, Paglisan at Why Didn’t You Stay.

Ang carrier single ng album na mula sa Star Music ay ‘Di Man Lang Nagpaalam, na sinulat ng manager ni Edward na si Arnold Reyes.



CHANGE OF MANAGER. Ayon kay Arnold na andun din sa presscon ni Edward, walang naging problema sa Backroom, Inc. ni Boy nung nag-iba ng manager ang bagitong balladeer.

“Actually si Boy ang nagbigay ng basbas sa akin. Kasi, lahat ng movements for Edward Benosa, like nag-record kami ng album, dinala ko sa bahay ni Boy para pakinggan," saad ni Arnold.

Sabi rin niya, “Sobrang na-impress siya [Boy] dun sa unang song na ni-record namin which is ‘Di Man Lang Nagpaalam 'tsaka Paglisan.

“Sabi ko, ‘Boy, ano ang plano natin kay Edward?' Iyon yung time ng transition na binigay na ni Boy yung Backroom sa staff niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Arnold, bakit hindi mo simulan? Since nung nagsimula naman ang Backroom, ang dami mong naipasok sa Backroom.’

“Like si Erik Santos, si AJ Dee tinulungan namin.

“So parang, ‘Tulungan kita,’ sabi ni Boy. ‘Simulan mo kay Edward, malay mo, malay mo lang.’

“So doon po nagsimula,” kuwento ni Arnold na isang stage and theater actor at dati ring talent ng Bakcroom.


DREAMS OF BECOMING AN ACTOR. Kung mabibigyan ng chance, nais ni Edward na pasukin ang pag-aartista.

“Nung una po bago po ako naging singer, gusto ko pong maging actor.

"Pero ngayon, focused po muna ako sa singing. Then after, hindi po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari.”

Nag-audition rin si Edward sa StarStruck, kung saan sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang tinanghal na Ultimate Female and Male Survivor.

Umabot lamang si Edward hanggang top 20.

Nag-audition rin siya sa Pinoy Big Brother pero hindi rin siya nagtagumpay.

Saka niya na-realize na para siya sa pagkanta.

Ang mga idolo ni Edward ay sina Rod Stewart, Bryan Adams, at sa local singers naman ay sina Janno Gibbs, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

“Siyempre gusto ko na sana someday, maging katulad nila na sobrang tagal sa showbiz pero hindi nawawala, na nag-iiwan pa rin sila talaga ng classic songs.”


NO GIRLFRIEND. Single at walang girlfriend ang 24-year-old recording artist.

“Nung panahon na iniwan ako ng ex ko, nung process na yun naisulat ko yung Paglisan and Why Didn’t You Stay,” sabi ni Edward.

Guwapo at hunky si Edward pero never pa raw niyang naranasan na makatanggap ng indecent proposal mula sa mga gays.

“Wala pa nga e,” at tumawa si Edward. “Wala po, wala.”

Kumuha siya ng culinary course si Edward pero hindi pa niya ito natapos. Balak niyang ipagpatuloy ang pag-aaral kapag nagkaroon ng sapat na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SECOND FAMILY. Pure Spanish ang ama ni Edward at Filipina ang ina niya.

Aminado ang binata na anak siya sa labas.

Halos hindi na raw niya matandaan ang kanyang ama. Six years old lamang si Edward nang pumanaw ito.

“Yung memory ko sa kanya is very sad, yung image ko of him is nung inatake siya sa puso. Iyon, traumatic iyon na naaalala ko pa rin.”

Sa piling raw nila ng ina niya at mga kapatid pumanaw ang ama ni Edward.

At kahit may tunay na pamilya ang ama niya, kina Edward ito nakatira hanggang sa mga huling sandali ng buhay niya.


STRUGGLING YEARS. Noong bata pa si Edward, naranasan nito na sumama sa kuya niya na magkariton, mamili, at magbenta ng bote at bakal.

Na-feature pa nga sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang naging buhay ni Edward noong seven to eight years old siya.

Dahil namatay ang ama nila, napilitan silang pitong magkakapatid na tumulong sa kanilang ina para buhayin ang pamilya.

Ang kuya ni Edward na kasama-kasama niyang magtulak ng kariton noon ay isa na ngayong dance instructor na mayroon ring food business.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN