Ruffa Gutierrez admits to worrying about daughters' future: "Wala naman akong mayamang asawa. Wala naman akong sugar daddy..."

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez on staying beautiful at her age: “Ang beauty naman, it’s never just about the youth. You can still be 40, 50 and still [be] beautiful and have timeless, classic, elegant beauty.”


Even at 40, proud si Ruffa Gutierrez na napapanatili niya ang kaniyang kagandahan at kaseksihan.

Ang komento nga ng ilang reporters, kahit itabi raw siya sa mga mas nakababatang artista, hindi masasabing nalalayo ang mga edad nila.

“Wow, thank you naman!” nakangiti niyang sagot.

“Well, siguro kasi, inaalagaan ko naman ang sarili ko and it’s our job to take care of ourselves.

“Nakakahiya naman sa mga taong humahanga sa atin kung pinapabayaan lang natin ang mga sarili natin.

“We have to make a conscious effort to look good, always look clean, to look fresh. Kasi, it doesn’t matter how old you are.

“Ang beauty naman, it’s never just about the youth. You can still be 40, 50 and still [be] beautiful and have a timeless, classic, elegant beauty.”

Bilang artista na ang isa sa mga puhunan ay kagandahan, may takot ba siya na tumanda?

“Ako wala, ang fear ko bilang working mom...Right now kasi, I’m very blessed being able to provide my children the best life.

“But I’m always worried na hanggang kailan. I always have to have a back-up plan kasi.

"Wala naman akong mayamang asawa. Wala naman akong sugar daddy, wala naman akong, you know..."

Napangiti ito, napatigil sandali, saka niya ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Katulad ng Cosmo Skin o ibang endorsements at mga pelikula at TV shows ko, so I’m not scared about how I'll look in the future.

“I know that both my mom and dad have good genes. It’s more about worrying financially and being able to provide for my children, hanggang sa pagtanda ko.

“I want to make sure na okay sila, na kahit na wala ako, puwede pa rin silang mabuhay nang kumportable.”

PROUD ENDORSER. Nag-renew muli ng panibagong kontrata si Ruffa bilang celebrity endorser ng nasabing skin care product sa Raffles Hotel, Makati City, kamakailan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin daw nito ay efective endorser siya?

Natatawang sabi ni Ruffa, “Naku, ayokong pag-usapan ‘yan. Ayoko namang mag-angat ng sarili kong bangko. Tanungin na lang natin si Sir Niño Bautista kung tumaas ba, ask him na lang.”

Pero totoo raw na ginagamit niya ang mga brands na ini-endorso niya.

“Everyday talaga, no fail, aside from the Vitamin C, I used the Cosmo Skin collagen and Gluthathione.

"And aside from that, nagba-Vitamin C din ako. I started different cleansing regimens din.

“Nagko-colon cleanse rin ako kasi as we age, we have to defy our aging.

“And how do we do that? It’s for us to be healthy. Ang dami ko na rin ginagawa. I cleanse my liver, I cleanse my colon. I think it’s about being healthy and taking care of myself.

“Kasi, we all want to live longer and stay stronger.”

STILL NOT KEEN ON POSING FOR MEN'S MAGS. May ilang aktres na kahit wholesome ang image at kahit may anak na rin, nagagawa pa rin nilang mag-pose para sa mga men's magazines.

Pero siya, tila ayaw niya. Hindi pa ito nagpo-pose para sa cover ng FHM Philippines.

Ayon kay Ruffa, “Ang dami ko nang tinanggihan, e.

“Feeling ko, I don’t need it anymore. Parang nalagpasan ko na yung panahon na yun. Ano pa ba ang ipapakita ko, hello?

“Parang here’s my body, ayoko na. I don’t think my daughters will be happy if I’ll do that.

"Siguro if I pose sexy for a magazine, it has to be a fashion magazine and not a men’s magazine.

“Kasi, ibang connotation kapag men’s magazine at iba ang fashion.

“Kung medyo masipag ako at mag-workout ako nang bonggang-bongga, puwede akong mag-bikini pero for a fashion magazine and not a men’s magazine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN