Why Ina Raymundo and family decided to settle in Manila

IMAGE @inaraymundo95 on Instagram

On posing for a men's magazine, Ina Raymundo says her husband, Brian Poturnak, doesn't actualy restrict her. “Payag siya! Sabi niya, ‘You know what to do, you know your limitations.’ So we’ll see. We’ll see."


Naging priority na ni Ina Raymundo ang pamilya mula nang mag-asawa siya at magkaroon ng mga anak.

May mga pagkakataong naggi-guest siya sa mga TV shows, pero ngayon pa lang ulit siya regular na mapapanood ulit sa isang serye—ang MariMar ng GMA Network.

“May baby kasi ako. Yung bunso ko, two-and-a-half years old na siya.

“Mula no’ng nanganak ako, medyo bumabalik na ako. Pa-guesting-guesting.”

Paano niya na-convince ang Canadian husband niya na payagan siyang regular na lumabas sa teleserye?

“Napaka-understanding ng asawa ko, e. Kasi foreigner, di ba?

“Napaka-liberated niya. He’s very supportive sa mga bagay na gusto kong gawin.

“And kasi, alam din niyang hindi naman full time na full time [ang pag-aartista ko].

"Kumbaga, yung time ko pa rin, mas priority ko pa rin ang family.

“Siguro kapag nakita niya na wala na talaga akong oras sa kanila, siguro he’ll say something.

“Pero hindi naman. Balanced na balanced pa rin.”



PHILIPPINES VS. CANADA. Sandaling tumira sina Ina sa Canada pero mas ginusto nilang dito na lang sa Pilipinas mag-stay.

“Mas masaya dito e at saka yung househelp, ang hirap kung wala.

“'Tapos lima ang anak mo. Mahirap yon.

“Gusto ko talaga dito. Ako talaga ang may gusto dito.”

Isang financial consultant ang asawa ni Ina na 12 hyears na silang kasal. Paalis-alis daw ito ng Pilipinas, “Sa ibang bansa kasi ang work niya."

Apat na babae at isang lalake ang anak nila.

“My eldest daughter is 13. 'Yong pangalawa ko na kaisa-isang boy, 11. Sumunod is seven years old 'tapos five 'tapos two years old yong bunso.”

Wala ba sa mga anak niya ang nakikita niyang nagkakainteres sa showbiz?

“Siguro yong pang-apat ko. Actually, model siya ngayon ng isang brand ng damit.

“Ang cute kaya niya. Sobrang cute niya kapag nakita mo yong mga pictures niya na sobrang proud ka, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang sa akin kung magkainteres mag-artista. Basta lang hindi maapektuhan yong school.

“Priority pa rin dapat ang studies nila.”



SELF-DISCIPLINE. Kahit lima na ang anak niya, sexy pa rin at blooming lagi si Ina, Ang dami ngang nagsasabi na tila walang nagbago sa kanya noong siya'y inilunsad sa Sabado Nights commercial.

“Thank you. Salamat,” nakangiti niyang reaksiyon.

Paano niya na-maintain ang kanyang vital statistics ngayon na 36-26-35?

“Disiplina. I exercise five days a week and I eat healthy.

“Kapag pinagsama mo ang dalawang 'yon, maganda ang resulta.”

Flattered siya na itinuturing siyang isa sa mga hot moms ngayon.

“Salamat, nakakatuwa. Pero ang ano ko talaga, ang motibo ko talaga, ang aking encouragement talaga is maging fit, hindi yong maging hot or sexy.

“Siguro bonus na lang na gano'n ang dating.

“Pero sa akin talaga, I want to encourage women, especially mga mommies na struggling to lose baby weight.

“Di ba marami 'yong after having one baby, hindi na nabalik yong katawan nila?

“But it’s so easy. It’s possible.

“All you have to do is to be disciplined.



SEXY PICTORIALS. Yung ibang celebrity moms, game na mag-pictorial nang sexy. Is she open to this?

“May offer. I’m still thinking about it.

“We’ll see. We’ll see.”

Okey lang sa husband niya?

“Payag siya! Sabi niya, ‘You know what to do, you know your limitations.’

“So we’ll see. We’ll see,” muling sabi ni Ina na nakangiti.

Kayo, PEPsters, ano ang masasabi niyo?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN