Former actor William Thio named 2015 Most Promising News Personality by Gawad Amerika

IMAGE PR

William Thio: "Kung nagbabalita ka, kapag nag-i-interbyu ka, kapag nasa field ka, siyempre ang importante yung opinion nila. As a host you just facilitate, mag-steward ka ng mga guests, sila ang star at hindi ikaw, you have to remember that."


"Well, to be honest, I was very shocked,” saad ni William Thio ng UNTV Why News tungkol sa reaksiyon niya sa balitang napili siya ng Gawad Amerika Awards para sa 2015 Most Promising News Personality.

"Shocked is an understatement, hindi ko talaga naisip, e.

“Nang nalaman ko lang a few months ago na isa akong nominee, malaking honor na yun.

“Pero hindi ko akalain na tutuloy-tuloy siya."

Galing showbiz si William kung saan naging dati siyang Star Circle member ng ABS-CBN at naging aktor din ng Regal Films.

Sa ngayon ay masaya siya bilang newscaster ng Global News Network (GNN) at ng Why News ng UNTV.

Narito ang ilang bahagi ng sulat na natanggap ni Wiliam noong July 24, 2015, mula sa Gawad Amerika, na ayon sa website nito ay isang "independent award-giving body mainly composed of newspaper publishers and selected reputable community leaders," na inilunsad noong 2002 sa California, USA.

" ...Your success and remarkable achievements as a celebrity and as a news personality has empowered the Filipino and has been recognized not only by this organization but most of all, by the local community.

"We are proud to have you as the recipient of the valued recognition and we hope that you will continue your sincere dedication and commitment in all of your future endeavors."

Ang awards night ay gaganapin sa November 7, 7 p.m. sa Celebrity Center, Hollywood, California, USA.

SIGNIFICANCE. Bilang isa na siyang Gawad Amerika awardee, ano ang magiging kahalagahan ng nasabing parangal sa kanya bilang isang news personality?

"Sa ibang usapan, I was motivated to work harder.

“I think the purpose of the award is to motivate you better in your craft, to hone yourself more.

“And to realize that every recognition that you get, whether it's an award or it's a compliment from a person, it's an honor…

"I think it just a marker that you are on the right track and that you need to continue on that path.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The more accolades you get, the more humble you should be because kapag nare-recognize ka, people expect more from you.

"So the way that you should behave, your work should be impeccable.

“Kasi paano naman 'yan kung hindi ka magaling o hindi mo ginagalingan.

“Sasabihin ng mga tao, ‘Ano ba naman 'yan kumuha-kuha ng award, hindi naman karapat-dapat. Sa dami ng mga magagaling na tao e bakit siya pa?’

"Kaya kailangan, I think habang umuunlad ka in whatever way, mas malaki ang responsibilidad mo sa tao o sa sarli mo.

“I mean, to give value kung saan ka nag-umpisa, kasi lahat naman tayo in the beginning e hindi naman madali.

“Kung naging madali man sa umpisa, somehow along the way magkaroon 'yan ng struggles, not in its totality."

AS JOURNALIST. Ang award ni William mula sa Gawad Amerika ay pangalawang award na niya simula nang pasukin niya ang mundo ng newcasting noong 2012.

Ang una niyang parangal ay noong 2012 bilang Most Inspiring News Anchor.

"Bagong-bago pa lang ako nagnu-news noon, and maliit lang siya na award, ito yung Top Branch Award."

Nakatanggap na siya dati ng nominasyon pero hindi bilang isang news personality.

"I was nominated by the PMPC Star Awards for Best Morning Show Host for my program One Morning at PTV at that time.

"The one that I shared with Ms. Rosa Rosal, Damayan, won the Anak TV Seal Awards.

“At yung isa naming show na At Your Service also won an Anak TV Seal Award, yun pa lang."

Sino ang kanyang inspirasyon?

“Ako, my colleagues are always an inspiration to me.

“Everybody, person that I meet is an inspiration para sa akin.

"Ang maganda sa trabaho ko kasi palagi akong nagkakaroon ng inspirasyon sa mga taong nakikilala ko.

“Palagi akong nabibigyan ng pagkakatong na matuto kung kanino mang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa mga natutunan niya ay pahalagahan ang sasabihin ng kanyang interviewee.

Aniya, "Kung nagbabalita ka, kapag nag-i-interbyu ka, kapag nasa field ka, siyempre ang importante yung opinion nila.

“Kaya mo nga sila iniinterbyu para marinig yung tinig nila.

"As as a host, you cannot throw your questions heavily unless ikaw ngayon ang on the spot.

"As a host, hindi ka dapat nagsasalita because the information that they give is the valuable information.

"Your obligation and responsibility are as a good facilitator only.

“You cannot throw in your question heavily unless ikaw ngayon ang gini-guest for a particular opinion.

"As a host you just facilitate, mag-steward ka ng mga guests, sila ang star at hindi ikaw, you have to remember that.”

CAREER CHOICE. Ano ang nagudyok sa kanyang iwan ang showbiz at tahakin ang pagiging anchor?

“Ang pinaka-realistic na decision ay pipiliin mo yung isang bagay na nandun yung talento mo.

“’Andun yung sustainability mo.

"Alam ko naman ang talento na nagbi-build up towards hosting and the news, siyempre.

“Yun na ang pipillin ko and, at this point, ang newscaster."

Inamin ni William na noong araw ay mas gusto niyang maging artista.

“Ang maganda sa isang artista, puwede niyang magagampanan ang lahat ng roles na normally hindi niya ma-encounter sa tunay na buhay.

“In showbiz, you have the opportunity to work with people who are real artists, who are generous, and I think that's fantastic!

"But as a person grows up, you always look for things that are more sustainable and [you] enjoy doing."

KEEP ON IMPROVING. In five years, paano niya nakikita ang sarili?

"It’s very hard to say, I just hope that whatever it is, I'll be on the path of improving.

“As a son, as a brother, as a grandson, as a friend, as an employee, as an employer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng bagay, it should be on the road towards improving.

"I still live by what my dad said to me, wherever he is now.

"He has instilled in me na you have no right or think that you are better than anybody else.

“Because everybody lives their lives trying to provide for a better life para sa kanila at sa mga minamahal nila.

"Never believe that you're better because if you believe that you are smarter, there will be one smarter than you.

"So wala, just do your best, keep God in the center of your life, and always keep your feet planted on the ground."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN