Angelu de Leon on married life: "Hindi ko ini-expect na puwede pala siyang ganun kasaya kahit may problema."

IMAGE Noel Orsal

Angelu de Leon admits to being mayabang before: "I think yung kayabangan ko, hindi dahil sa showbiz. Ang kayabangan was because I was spoiled by my dad."


Kailanman ay hindi raw naging problema sa asawa ni Angelu de Leon na si Wowie Rivera na tanggapin ang mga anak ng aktres sa pagkadalaga na sina Nicole at Louise.

Si Nicole ay anak ni Angelu sa dati niyang nobyo na si Joko Diaz, habang si Louise naman ay anak ng aktres sa negosyanteng si Jojo Manlongat.

May isang anak na lalaki naman sina Angelu at Wowie, si Rafa.

Inamin ni Angelu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ipinagdamot niya ang mga anak noong nililigawan pa lang siya ni Wowie.

Paliwanag ng Buena Familia star, "Kasi alam naman ninyo na noong time ni Ronald [Singson, her ex-boyfriend], we were very open.

"We were like family and it didn’t end well.

“Sila [Angelu's daughters] yung mas nasaktan. Kasi sobrang bata pa lang sila. One year pa lang yung second ko.

“So, after nung relationship, sinabi ko na hindi ko idadadamay yung mga anak ko with any relationship I would have, until it is sure na ikakasal na kami, which is what happened with my husband.

“Alam ng mga bata na magkaibigan kami, which is true...badminton friends kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa kanyang birthday dinner noong Sabado, August 22, sa Spice & Cleavar resto, Pasig City.

 

 

GOOD PROVIDER. Ayon kay Angelu, all-out ang suporta ni Wowie sa lahat ng kanyang mga anak.

"Minsan nga, pag wala akong oras, siya pa yung naghahatid sa school."

Nagbibigay rin ba ng financial support si Wowie sa dalawa niyang anak na babae?

“Oh, yes, yes. Kasi kasama yun sa package,” sagot ni Angelu.

Masaya raw ang aktres sa piling ng asawa.

“Hindi ko nga maintindihan, parang with all the relationships I had, siyempre parang jaded ka.

"Parang hindi ka naniniwala na, 'Totoo ba itong ganyan?'

“Actually, tinanong ko siya [Wowie], na parang, ‘Ano yung nagtulak sa iyo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, hindi namin pinag-uusapan yung marriage. Okey na kami as friends.

"'Tapos, at the end of the day, naghiwalay kami, nag-break pa kami.

“Sinabi ko lang sa kanya, ‘What made you decide to marry me?’

"Kasi raw, noong time na naghiwalay kami, he thought he was about to lose me...Hahaha!

“I guess it was really God-ordained. Feeling ko, ibinigay sa akin talaga ni Lord.

“Sabihin na natin na minsan, mahilig tayong magmadali. Mahilig tayong magplano ng buhay natin.

"Kung nakikinig lang naman tayo…"

Ikinasal sina Angelu at Wowie noong September 17, 2010.

 

 

MARRIED LIFE. Paano idi-describe ni Angelu ang kanyang married life?

Aniya, “Hindi lang kami mag-asawa. Magkaibigan kami, minsan magkaaway kami.

“Kumbaga, hindi lang kami mag-asawa na ito lang ang gagawin namin.

"Magkaibigan din kami, kaya maiintindihan mo yung needs niya bilang lalaki, ganundin siya sa akin bilang babae."

Patuloy niya, “Married life? Basta, hindi ko ini-expect na puwede pala siyang ganun kasaya kahit may problema.

"Kasi lagi namin sinasabi ng asawa ko, basta, lagi kaming magkakampi.”

Nakakatuwa na blessed ang career at personal life niya, samantalang dati ay tila nawalay siya sa tamang landas?

“Kasi, with anything that has happened to me, marunong akong humingi ng tawad sa Diyos.

“Kasi natutunan ko kung paano maging mayabang. Natutunan ko na kung paano magpakumbaba.

“Ang difference nung dalawang yun, nung bata ako, mayabang ako. Ngayon kasi, nagpapakumbaba na talaga ako.

“I think, yung kayabangan ko hindi dahil sa showbiz. Ang kayabangan is because I was spoiled by my dad.

“I knew I can get what I want, hindi dahil sikat ako.

"Feeling ko kasi, ever since bata ako, lahat kaya kong kunin.

“Kahit na dumating na ako sa show business, nasa akin yun na, 'Basta, kahit anong gusto ko, nakukuha ko.'"

Dahil dito, natuto na raw ng leksiyon si Angelu. Hindi niya hinahayaang maging kasing-spoiled niya noon ang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, hindi sila spoiled. Sapat lang.”

 

 

RELATIONSHIP WITH GOD. Wala bang ibang pinagsisihan si Angelu sa kanyang nakaraan?

Tugon ng 36-year-old actress, “Siguro, yung hindi ako masyadong nakikinig sa Diyos.

"Kasi parang siguro, I wanted to plan my life, yung relationship ko with God, iba.

“Yung relationship ko sa Kanya, kilala ko lang Siya bilang pag nagkamali ako, pagagalitan ako. Yun lang.

“Pero hindi ko Siya nakilala na Diyos, na puwede ko pala Siyang maging kaibigan, hingan ng tulong, hingan ng advice, puwedeng sabihan na, ‘Sige na nga, Ikaw na nga mag-direct ng buhay ko.’

“Yun ang isa sa pinagsisihan ko na ini-instill ko sa mga anak ko, na magkaroon ng relationship kay God more than anything else.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN