Liza Soberano reveals the first thing she notices in a guy

IMAGE Nikko Tuazon

Kahit na bagong gising at walang make-up, likas na maganda si Liza Soberano. Alam niyo bang simple lang din ang kanyang beauty ritual?


"Hindi ko siya talaga feel siguro."

Ang sabi ni Liza Soberano tungkol sa pagsali sa isang beauty pageant.

Kahit pa marami ang nag-uudyok sa kanyang sumali, nanindigan ang Star Magic talent na ayaw niya.

“No, hindi ko po naiisip yun. Wala po, it’s not just one of my dreams...

“Feeling ko, parang hindi ko siya kaya at saka it’s not my passion.

"Ayokong gawin ang isang bagay na napipilitan lang po ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Liza sa launching niya bilang celebrity endorser ng Nails Dot Glow, noong August 29, sa Sequoia Hotel, sa Mother Ignacia, Quezon City.


BEAUTY RITUALS. Bilang endorser siya ng isang nail and body spa, tinanong si Liza kung ano ang mga ritwal niya sa pagpapaganda.

“Well, mahilig po akong maligo, two times a day,” nakatawang sagot niya.

Dugtong niya, “Mahilig po akong magpa-body scrub, siguro twice or once a month, para iyong dry skin ay ma-remove.

"Also, I like to put a lot of lotion and moisturizer, para po hindi mag-dry ang skin ko.”

Pero minsan, kahit anong alaga niya sa kanyang balat ay nagkakaproblema pa rin daw siya dahil, "clumsy kasi ako."

Aniya pa, “Madali po akong magkapasa, madali po akong magka-scar...

"So, ang kailangan ay lagi po akong nag-iingat sa skin ko, and madali po akong magkasugat kapag nadadapa.

“Madali rin po akong ma-sunburn.

"Sensitive po kasi ang skin ko.”

Paano naman niya iniingatan ang kanyang nails?

“Every now and then ay nagpapalinis ako ng kuko. But kailangan din po ng rest.

"Dapat ay hindi babad sa nail polish and hindi ko po tinatanggal iyong cuticle.

"Kasi parang nasasaktan po ako kapag tinatanggal.”



THE FIRST THING SHE NOTICES IN A GUY. Pero aminado siya na importante sa kanya ang malinis na kuko kaya ang mga ito at ang paa ang unang tinitingnan ni Liza sa isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon po talaga ang tinitignan ko, actually.

"Ang una ko pong tinitignan sa guy ay yung paa at yung kuko niya sa paa.

"Kasi gusto ko ay yung magandang paa. Namana ko ito sa daddy ko.

“Medyo turn off ako kapag nakikita ko yung guy na marumi ang kuko.”

Malinis ba ang mga kuko ni Enrique Gil?

“Actually, malinis po ang kuko ni Quen [palayaw ni Enrique]," ang nakangiting sagot ni Liza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN