Love knows no gender.
Pinatunayan ito nina Aiza Seguerra at Liza Diño nung humantong sa kasalan ang kanilang pagmamahalan noong December 2014.
Mahigit siyam na buwan mula nang ikasal sila, kumusta naman ang married life nila?
“We’re doing good, kakalipat lang namin ng house, medyo puro D.I.Y. [Do It Yourself].
"Parang D.I.Y. couple na yata kami.
“In fairness ha, ang gaganda, buti na lang pareho kami ni Liza ng taste.
“Hindi kami yung mga magagarbo, gusto namin yung mas mura, mas maganda.
“Like nakakita kami sa Internet, mga shelf namin, gawa sa G.I. pipes.
“Bumili lang kami ng mga gamit na kahoy, ang ganda ng mga kinalabasan.
“O kaya may nakita kaming design, papagaya lang namin sa karpintero…
"Pinag-aaralan pa namin kung ano magandang varnish.”
Iba rin daw ang pakiramdam na sila talaga ang nag-effort sa bagong bahay nila.
Ayon pa kay Aiza, “Nakikita namin ang wall namin ngayon, pinaghirapan natin ‘to, idea natin ‘tong lumabas.
“At saka parang na-inspire rin kami dahil nung wedding namin, parang D.I.Y. wedding din kami.
“Halos lahat ng stuff, kami yung umano, lumabas kung ano gusto namin.
“Lalabas kung ano ang gusto mo if you do it yourself.”
PETTY QUARREL. Puro sweetness at love ang nakikita ng tao sa kanila, hindi sila nag-aaway?
“Oo naman,” mabilis niyang sagot, “Pero ang cute ng away namin.
“Sa totoo lang, ako, cute na cute sa away namin,” natawang sabi niya.
Mas gusto niyang nag-aaway sila?
“Hindi, parang gusto ko yung style ng away namin.
“Nakikita ko yung other couple how they fight, parang ayaw ko how they fight.
“I love how Liza and I fight, we argue.
“Pareho pa kaming maprinsipyo, pareho pa kaming artista.
“Napagtatalunan namin yung mga proseso sa pag-arte since very passionate kami sa ginagawa namin.
“May pinag-aawayan din naman kaming mga normal.
“Nakakatuwa lang na we really push each other to talk... ang selos pala, may pinag-uugatan ‘yan na something.
“Kunwari, nagselos siya, 'Sino na naman ‘yan?'
"Akala mo, nagselos siya dahil sa text.
“Pero hangga’t hindi namin nahuhuli kung ano ang pinag-ugatan ng naramdaman namin, talagang matiyaga kami riyan.
“Grabe, instinct pa lang, alam na namin we really have to fix it kasi gusto namin masaya kami.
“Ang selos namin, parang pabebe,” lahad niya na natatawa.