Lovi Poe not keen on getting married soon: “Wala akong ideal age, only ideal man.”

IMAGE Arniel C. Serato/ @nacinorocco on Instagram

Lovi Poe on boyfriend Rocco Nacino's claim that they've already talked about their wedding plans: “Siguro nagdyu-joke siya, pero hindi ko type ang joke niya. Hindi ko ine-entertain lang. Pero joke-joke lang naman siya.”


Kakabalik lang nina Lovi Poe at Rocco Nacino mula sa kanilang apat na araw na bakasyon sa Japan.

Nakipag-compete si Rocco sa martial art na jiu-jitsu, pero hindi ito pinalad na manalo.

Ayon kay Lovi, “Okey naman, cheerleader ako. He lost pero maganda naman ang fight niya.

“Kaka-blue belt lang niya. I really don’t know anything about jiu-jitsu. Nandun lang ako para mag-support.”

Bitin ba ang "puro kain" na bakasyon nila?

“Oo, pero okey na, it’s a perfect breather from taping kasi.

“Medyo intense yung mga nangyayari sa Beautiful Strangers, kaya masarap yung medyo may break for a while,” pahayag niya.

TRAVELS WITH ROCCO. Pangalawang beses na nilang punta ito sa Japan na magkasama. Bukod dito, nagbakasyon na rin sila sa Europe at Singapore.

Marami-rami na rin silang naiipong memories na magkasama.

Nakangiti niyang sabi, “Travel buddies. Companionship more than anything else. Nakikilala mo ang ugali ng isang tao kapag nagta-travel kayo.

“So far so good, very patient siya.”

Bakit niya nasabing “patient” si Rocco sa kanya sa tuwing nasa ibang bansa sila?

“Minsan kasi, may mga days na ano 'ko, babae.

“'Tapos siya, pinagtatawanan niya lang ako kapag nagta-tantrums ako.”

Sa shopping, patient din bang travel buddy si Rocco?

“Patient siya,” nakangiting sabi niya.

“Siya pa ang nagsasabi sa akin na, 'Buy it!'” lahad niya.

Mahilig din naman daw mag-shopping si Rocco, pero kung ano lang daw ang kailangan nito.

EUROPE TRIP WITH FAMILY. Wala pa raw nakaplanong susunod nilang biyahe sa ibang bansa. Pero siya raw, babalik ng Europe kasama ang kanyang kapatid at Mommy niya.

Kuwento ni Lovi, “Aalis ako pagkatapos ng soap, sa November. Kasi, it’s my Mom’s 50th birthday.

“October yung 50th birthday niya, kaso may soap pa.

“Sabi ko, 'Mom, what do you want? Your wish is my command.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos sabi niya, yun nga, gusto niyang mag-travel kami, kasi ang tagal na ng last time.

“So it’s all fixed na. Sa November.”

Biniro namin si Lovi na mag-e-extend ang Beautiful Strangers kaya paano siya makakaalis?

Natatawang sagot niya, “Kaya nga nilagay ko sa pinaka-end. Tinanong ko rin yun, kaya nilagay ko sa pinaka-end ng November yung trip.”

Hindi raw talaga kasama si Rocco dahil “family thing” daw ang lakad nila.

“All girls,” nakangiting sabi niya.



WEDDING PLANS? Naka-wedding dress si Lovi nang nagpunta ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Beautiful Strangers sa Nuestra Señora de Gracia Church sa Guadalupe noong September 16.

Natawa ang dalaga nang tanungin namin kung ilang beses na ba siyang kinasal sa teleserye at pelikula dahil ilang beses na namin siyang nakitang naka-wedding gown.

Aniya, “Oo nga 'no? Naalala ko na, ang dami. Yesterday’s Bride, Ang Dalawang Mrs. Real, ang dami na nga!”

At dahil palagi siyang ikinakasal sa mga proyekto niya, makakaramdam pa kaya siya ng excitement kapag totohanang kasal na niya?

“Hindi, wala, wala akong napi-feel...” natawang lahad ni Lovi.

Dugtong niya, “Wala akong nararamdaman pa.”

E, bakit nasabi ni Rocco na minsan, napag-uusapan na raw nila ang tungkol sa kasal?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi ah!

“Siguro, nagdyu-joke siya, pero hindi ko type ang joke niya. Hindi ko ine-entertain lang. Pero joke-joke lang naman siya.”

Ang totoo, wala raw siyang sine-set na ideal age sa sarili pagdating sa pagpapakasal.

“Wala akong ideal age, only ideal man,” saad pa niya.

Nakita na niya yung ideal man na yun?

“Maybe,” natatawa pa rin niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN