Bagamat biglaang nalipat ang venue mula Cinema 3 papuntang Cinema 9 ng SM Megamall dahil sa ilang technical problems, walang epekto ito sa pagdagsa ng fans sa premiere ng Guni-guni noong gabi ng Agosto 21.
Dumating sa red carpet event ang main cast ng pelikula na pinangungunahan ni Lovi Poe.
Naroon din ang mga celebrity guests, gaya nina Jake Cuenca, ang nababalita ngayong manliligaw ni Lovi, at Melissa Ricks, ang ex-girlfriend ni Jake.
Nagkasalubong kaya ang dating magkasintahan sa sinehan?












