StarStruck Ultimate 14 bet Ayra Mariano wants to be like Marian Rivera

IMAGE courtesy of GMA Network

Ayra Mariano on being perceived as a strong threat by other StarStuck Final 14 hopefuls: "Nakakataba ng puso kasi hindi ko naman po ine-expect na yun ang tingin nila sa akin..."


Sanay na ang StarStruck Ultimate 14 contestant na si Ayra Mariano na humarap sa camera.

Seven years old pa lang siya ay nakikita na ito sa mga TV commercials.

Si Ayra yung nasa Eskinol commercial na pinasikat ang linyang, “Bakit ganun? Sinabon ko naman, ayaw kuminis!”

Anong pakiramdam ni Ayra ngayong paboritong i-dubsmash ang linyang ito?

“Grabe, noong una po, noong hindi pa po uso ang dubsmash, may mga tao po na nire-reenact yung commercial ko and nakakatuwa po.

“Kasi especially, yung mga bata po ang gumagaya,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ginanap sa GMA compound nitong Friday, October 2.

Ayon kay Ayra, may mga parents daw na nagku-comment na, “First words na sinabi niya e ‘Bakit ganun, ayaw kuminis?’

“Sobrang nakakatuwa at nakatataba ng puso.

"Kasi bihira po ang commercial na tumatatak sa tao, and sobrang nakakatuwa na ako pa yung napili nila sa dinami-rami na tao.”



NOVELS AND MOVIES. Mahilig magbasa ng mga novels at manood ng movies ang 17-year-old na Bulakenya.

"Ngayon po, hindi po ako nag-i-study. Pero ang course ko po is Mass Communication.

“Love ko po ang acting and singing, and I want to improve pa po sa dancing.”

Para kay Ayra, si Liezl Lopez ang pinakamatindi raw na kalaban among the Ultimate Female Survivors.

Sa mga lalaki, ang pinakamalaking threat daw ay sina Elyson de Dios at Migo Adecer.

Ano naman ang masasabi ni Ayra sa mga nate-threaten sa kanya?

"Nakakataba ng puso kasi hindi ko naman po ine-expect na yun ang tingin nila sa akin.

“Lalo na po at nauna ang fast track, na-fast track po ako. Pinili po ako ni Sir Joey de Leon. Nagpapasalamat po ako. Ultra blessed po ako.

“Sobrang thankful ko po talaga kay Lord, at ito na ang opportunity ko na maging artista at ma-fulfill ang dreams ko,” sagot ni Ayra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CRUSH. Kilig na kilig si Ayra nang tanungin namin kung sino ang showbiz crush niya.

Ang sagot niya ay si Alden Richards, na naka-eksena niya sa isang StarStruck challenge.

“Grabe, hindi po naipakita yung reaction ko kay Alden, pero grabe, ang guwapo!”

Ang paborito ni Ayra na aktres ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Parang nag-start din po siya sa commercial, and nakakatuwa po kasi medyo nakaka-relate ako na same rin kami ng pinagsimulan.

“I wanna be like her na magaling sa acting at medyo nagko-comedy rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN