Cristine Reyes and Ali Khatibi talk about joys of parenthood

IMAGE Screengrab from ABS-CBN/Rated K; @crist9nereyes on Instagram

Cristine Reyes on motherhood: "Major nabago ang buhay ko nang dumating si Amarah because I wasn't really prepared. I wanted to have a baby, pero nung nandiyan na siya, parang very ano talaga siya...very kailangan mong maging super responsible. Kasi buhay na yun."


Sabay na nag-guest nang live sa Tonight With Boy Abunda sina Cristine Reyes at Ali Khatibi, ang boyfriend ng aktres at ama ng kanyang anak na si Amarah, noong October 9.

Unang tinanong ni Boy si Ali kung may nanghihikayat ba sa kanyang mag-artista.

Si Cristine ang sumagot sa tanong.

“Maraming opportunities, pero hindi niya masyadong grinab.”

Sabi ni Ali, “Hindi naman sa hindi grinab, pero siguro, I was shy. Mahiyain ako, e.”

MARTIAL ARTS. Kilalang mixed martial arts fighter ang fiancé ni Cristine. Bonding moment daw ng dalawa ang jiu-jitsu.

Ano bang meron sa Japanese martial art na ito at kinahihiligan nila?

Sagot ni Ali, “Well, jiu-jitsu focuses on grappling talaga and submission.

“Mahilig talaga ako sa martial arts. Kahit na mga kung fu movies dati, mahilig na 'kong manood."

Inamin ni Cristine na minsan, siya ang natatakot para kay Ali kapag nagti-train ito para sa kanyang sport.

“Kapag napapanood ko siya kapag nagti-training, sobrang intense.

“Minsan, natatakot ako para sa kanya. Seryoso. Wala akong nakikita sa lahat. Sa kanya, meron akong takot.”

JOYS OF PARENTHOOD. Biniyayaan ng anak sina Cristine at Ali—si Amarah. Sa internet daw nila nakuha ang pangalan ng anak.

Inamin ni Cristine na noon pa man, gusto na niyang magkaroon ng baby.

Paano nabago ni Amarah ang buhay niya?

Ani Cristine, “Major nabago ang buhay ko nang dumating si Amarah because I wasn’t really prepared.

“I wanted to have a baby, pero nung nandiyan na siya, parang very ano talaga siya...very kailangan mong maging super responsible. Kasi buhay na yun."

Ano ang naramdaman niya noong una niyang makita ang anak?

Sagot ng aktres, “Mixed emotions.

“Naiiyak na natatawa. Tumatawa ako 'tapos umiiyak.”

Sabi naman ni Ali, “Sobrang happy. I got emotional."

Dugtong ni Cristine, "Sobrang happiness, naiyak ako na finally, nakikita ko na siya. She’s out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati kasi, nasa tummy ko lang siya. Nararamdaman ko.

“Pero nung makita ko na siya, nandun na talaga, parang ngayon ko lang talagang nakita na may baby na ako.”

HANDS-ON PARENTS. Kumusta si Ali bilang daddy?

Pagmamalaki ni Cristine, “Ali is very hands-on.

“Noong bago lumabas si Amarah, dinisinfect niya ang buong room. As in pinaghandaan niya kami ni Amarah.”

Gayundin ang pahayag ni Ali kay Cristine bilang mommy.

“Super hands-on. Grabe siya.”

Walang yaya sina Cristine at Ali sa loob ng tatlong buwan.

Saad ni Cristine, “Kabisado talaga naming dalawa si Amarah.”

MAINTAINING A SOLID RELATIONSHIP. Nag-comment si Boy na halatang sobrang in love sa isa’t isa sina Ali at Cristine.

May mga nadidiskubre pa ba sila sa isa’t isa? Anong klaseng buhay ang meron sila ngayon?

Ayon kay Cristine, “Normal.”

Sabi ni Ali, “We made an agreement that we won’t go to bed na hindi kami nag-uusap. This is the key talaga to having a good relationship.”

Mahirap ba maging girlfriend ang isang Cristine Reyes na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan?

Nakangiting tugon ni Ali, “I don’t think so naman. Not really."

Ipinaliwanag pa ni Ali na hindi raw pinaparamdam sa kanya ni Cristine na bukod tangi siya sa ibang mga babae dahil malakas nga ang sex appeal ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN