StarStruck season 6 hopeful Jay Arcilla: "Sa tingin ko, mas kaya kong higitan si Kuya Alden.”

IMAGE courtesy of GMA Network

StarStruck season 6 hopeful Jay Arcilla feels flattered each time people say he's a look-alike of Rocco Nacino: “Parehas po kami ng kulay. Kami yung look namin, Pinoy talaga. Kapag nakikipag-eye contact po siya parang lahat ng babae maaakit. E, sabi nila, ganun din daw po ang mata ko.”


Tulad ng man of the hour na si Alden Richards ay taga-Laguna rin ang StarStruck season 6 hopeful na si Jay Arcilla.

Bukod dito, tulad ni Jay ay sumubok din si Alden noon sa StarStruck.

Kaya tinanong namin si Jay kung ano ang nararamdaman niya sa phenomenal success na tinatamasa ngayon ng kanyang kababayan na si Alden?

“Si Kuya Alden, masaya ako kasi kahit hindi siya nakapasok sa StarStruck, ginawa niya yung makakaya niya.

"Talagang nagpursigi siya para may mapatunayan sa mga tao.

"And ayun naman po yung naging result, na ngayon siya yung pinakasikat na lalaki sa GMA and sa buong Pilipinas po.

“So nakaka-proud, kasi bilang isang Laguna 'ko, masaya na naging ako yung parang panlaban ng Laguna dito sa StarStruck.

“And sobrang hindi ako makapaniwala na nakapasok ako sa top 14.”



MULTI-TALENTED. Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure?

Saad niya, “Para sa akin hindi naman po.

“Hindi ako nape-pressure dun kasi una, marami akong ginagawa na sariling akin lang. Meron kaming pagkakaiba ni Kuya Alden.

“Kasi siya, more on kilig and may iba akong talent na kayang ipakita sa iba tulad ng pagsasayaw and sa acting ko and sa pag-iyak, kung saan ko kinukuha yun.”

Magaling din naman sa aktingan at iyakan si Alden.

“Oo nga po, pero sa tingin ko, mas kaya kong higitan si Kuya Alden,” ang matapang na pahayag ni Jay.

Nakilala na raw niya nang personal si Alden.

“Opo. Sa LA Laguna po.”

Ang LA Laguna ay male pageant sa lalawigan ng Laguna. Dating Ginoong Laguna si Alden.

“Meron pong contestant na ipinasok yung dati kong manager,” kuwento ni Jay.



CHOICE FOR LOVETEAM PARTNER. Sa mga female hopefuls ay si Liezel Lopez ng Olongapo ang pinili ni Jay na gusto niyang maging ka-loveteam.

“Kasi nung bago pa lang kami nagkita-kita, siya yung lagi kong nakakausap, kasabay ko lagi kumakain at marami kaming ginagawa na kaming dalawa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinutulungan ko siya at tinutulungan din niya po ako, kaya napalapit po ang kalooban namin,” kuwento niya.

Hindi pa raw niya nililigawan si Liezel.

“Pero sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Gusto rin daw niya ako,” at tumawa si Jay.

Hindi ba ligawan na ang tawag dun?

“Hindi po, kasi kung ligaw, parang lalabas kayo di ba po, yung kayong dalawa lang,” diin niya.

Ang iba pang mga StarStruck hopefuls ay sina Avery Paraiso, Ayra Mariano, Migo Adecer, Klea Pineda, Joemarie Nielsen, Kevin Sagra, James Teng, Elyson De Dios, Analyn Barro, Arra San Agustin, Princess Guevarra, at Koreen Medina.

Among the male hopefuls ay kina Kevin at Migo medyo nate-threaten si Jay.



CRUSH ON CARLA. Samantala, sa mga sikat na aktres ay nais makapareha ni Jay si Carla Abellana.

Rason niya, “Kasi ang ganda niya, e.

“Parang pag tinitigan ko siya, parang in love agad ako. Parang madali akong ma-in love sa kanya kasi yung mukha niya 'tapos yung acting skills niya.

"Siya po yung gusto kong maka-partner ko.”

Bukod sa StarStruck ay sumali rin si Jay sa “That’s My BAE” ng Eat Bulaga!

“First week lang po ako kasi magsisimula na po ang StarStruck. Umalis na po ako, kinausap ko po sila,” esplika niya.



ROCCO LOOK-ALIKE? May iba na kinukumpara si Jay kay Rocco Nacino.

Sabi niya, “Sobrang saya ko po na kinukumpara po ako sa kanya kasi iba po siya, e.

“Parehas po kami ng kulay. Kami yung look namin, Pinoy talaga.

“Kapag nakikipag-eye contact po siya parang lahat ng babae maaakit. E, sabi nila, ganun din daw po ang mata ko.”

Walang girlfriend ngayon ang nineteen-year-old na si Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN