What Heart Evangelista does "kapag may pinagdadaanan"? She Paints!

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista turns to painting each time "may pinagdadaanan ka." She says, “Hindi mo kailangang wasakin ang sarili mo, you can be productive."


Kailan lang lumabas ang balitang mahusay magpinta si Heart Evangelista.

Isang pruweba rito ay ang collaboration nila ng bag designer na si Rocio Olbes sa children's book na Daughter of the Sun and the Moon.

#lovemarieXrociochildrensbook #oplecenter #childrensbookforcharity #discoveryprimea #mannyowines taken by @magicliwanag

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) onOct 8, 2015 at 2:40am PDT

Ito ang kauna-unahang libro ni Heart.

Siya ang nag-design at nagpinta ng characters sa istorya at si Rocio ang author.

For a cause ito kaya agad daw siyang pumayag na gawin ang project.

Kuwento niya, “Siyempre the story behind it, yung tutulungan namin…yung proceeds mapupunta sa charity...

“Sa totoo lang, di ko nga dapat gagawin kasi feeling ko, I was spreading myself too much.

“Ang dami kong ginagawa, ang feeling ko, di ko magagalingan, di ko magagawa...

“And when I found out yung kung saan pupunta ito, parang ginanahan ako.

“So ngayong ni-launch na siya, I’m glad na nagawa ko siya.

“I’m glad na kahit mahirap, ginawa ko kasi it’s for a good cause.

“Ako ang nag-painting, ako ang nag-story.”

PAINTING. Hilig na ni Heart ang pagpipinta simula noong bata siya, pero hindi ito gaanong napagtutuunan ng pansin ng media dahil nga artista siya.

Sabi ni Heart, “Kasi sobrang, I’m a very shy person contrary sa pagiging artista ako, mahiyain ako.

“So nagpi-painting na ako dati pero naisip ko na pang-artist lang ‘yan, maraming gano'n.

“I realized na this is the time to do it.

“Noong time na may pinagdaanan ako, I was productive in a good way.

“Naisip ko na baka maging inspirasyon ako sa ibang tao.

“Na kapag may pinagdadaanan ka, hindi mo kailangang wasakin ang sarili mo, you can be productive, that would push me to do things.

"And when I look back, I’m glad na ginawa ko yung mga ginawa ko.

“I’ve surrounded myself with good people, lalo nila akong in-inspire to keep doing what I really love to do.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-inspire raw ni Heart ang asawang si Senator Chiz Escudeor na mag-paint din.

Natuto ito nang sabayan niya si Heart na magpinta no'ng mga panahong “you and me against the world” ang drama ng love life nila sa pamilya ng aktres.


PROJECTS. Samantala, nagpa-sample si Heart ng kanyang customized clutch bag na siya mismo ang nagpinta.

Sampu lang raw ang gagawin niya na plano niyang ilabas sa susunod na taon.

Pagdating naman sa kanyang acting career, umeere pa rin ang serye ni Heart kasama ang kaibigan niyang si Lovi Poe, ang Beautiful Stranger sa GMA.

Sa pagitan nito, may mga iba pang commitments ng aktres—fashion show, painting exhibit, launching ng clutch bag launching and children's book.

Kaya naman raw niyang pagsabay-sabayin ang mga ito.

Aniya, “Basta, mahal mo ang ginagawa mo, it’s possible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN