StarStruck 6 Avery Phillips Paraiso wishes to work with Barbie Forteza

IMAGE courtesy of GMA Network

Avery Phillips Paraiso was still in school when he started as a commercial model under the management of Backroom Inc. He hopes to show his other talents through StarStruck: “Ayoko lang maging isang aktor pero artista as a whole. Dapat tumingin yung mga tao sa personality ko din.”


Taga-Antipolo City ang 21 year-old StarStruck male hopeful na si Avery Phillips Paraiso.

May dual citizenship ang Filipino-American na ito.

Pilipino ang ama niya at purong Irish ang kanyang ina, pero sa Amerika ipinanganak at lumaki si Avery.

Aniya, “So wala po akong roots sa Ireland na alam ko. Born ako sa Hawaii. Mula three years old, nandito na po kami sa Pilipinas.”

Noong 14 years old si Avery, sumali siya sa Circle of 10, na tulad ng StarStruck ay contest para sa mga nagnanais maging artista.

Sila ng kambal niyang babae ang nanalo sa batch nila.

Pero bakit hindi nagtuluy-tuloy ang showbiz career ni Avery matapos siyang manalo sa Circle of 10?

“Kasi yung pag-aaral. 'Tsaka ang ginagawa ko noon was print and ramp [modeling], mula 16 years old throughout.

“Parang hindi pa po ako nabigyan ng chance sa showbiz, puro sa commercials lang po."

STUDIES FIRST. “Mas pinili ko po ang studies ko. At the same time, hindi din po ako given the option sa TV.

“Magkaiba talaga yung commercials, yung print, yung ramp, yung modeling, sa acting or sa pagiging artista.

“Hindi naman lahat ng commercial models, nagiging artista, so doon po ako sa commercials, ramp, print ng ilang years.

“Akala ko it would lead me to being isang artista or actor, pero hindi din po.

“Bata pa ako nun, 14 years old. And I was caught up with all that stuff.

“Akala ko mag-isa lang yun pero iba talaga yung pagiging artista sa modeling.”

Napanood raw ni Avery sa TV ang tungkol sa audition ng StarStruck season six.

“I auditioned with the help of my manager.”

Nagsimula si Avery bilang Backroom talent apat na taon na ang nakalilipas.

“Nag-show kami ng two years sa PAGCOR [Philippine Amusement And Gaming Corporation]. NYOBG [Not Your Ordinary Boys and Girls, na may 9 members] po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, pina-workshop kami nang matagal sa acting and singing and dancing din, six months.”

LOOKING UP TO ROCCO. Naniniwala si Avery na darating ang malaking oportunidad niya sa showbiz sa pamamagitan ng StarStruck.

“Kaya nandito po ako ngayon. I want to be myself bilang isang artista.

“Siyempre naman they teach us how to act, sing, and dance.

“Ayoko lang maging isang aktor pero artista as a whole. Dapat tumingin yung mga tao sa personality ko din.”

Idolo ni Avery si Rocco Nacino, na produkto rin ng StarStruck at isa sa mga journey hosts ng naturang GMA artista search.

Kuwento ni Avery, “Pinapanood ko yung StarStruck, yung batch niya [season five]. Then nakita ko po siya from the back of yung sa lahat.

“Mula nag-start, then umangat bigla. Nakita ko yung pagtuto niya sa acting, kung paano siya mag-take ng criticism or advice.

“'Tapos kung ano’ng ginagawa niya after, gusto ko ding maging ganun.

“And me as a person, gusto kong malaman yun, yung kumuha ng advice at gamitin yun sa advantage mo nang todo like he did.

“Parang pini-perfect niya, e. Lahat ng criticism, lahat ng advice na binibigay sa kanya, he gets it.

“He perfects it 'tapos ginagawa niya. Gusto ko din maging ganoon, maging parang 'moldable' in a way.”

Given the chance, si Barbie Forteza ang nais na maging unang leading lady ni Avery sa mga Kapuso actresses.

GAY WORLD. Si Avery ay guwapo, hunky, at galing sa modeling world na pugad ng mga gay. Marami raw dito ay mga kaibigan ng StarStruck hopeful.

Ano ang reaksyon ni Avery sa mga bading na humahanga sa kanya?

“Lahat naman po tayo tao. It doesn’t matter if you’re gay or not.

“Pero hindi pa naman dumating sa tipong nag-over na yung isang tao.”

Hindi pa ba siya nakatanggap ni minsan ng indecent proposal o linigawan ng bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Avery, “Yung admirers, I wouldn’t let them go as far na magkaroon ng indecent proposal.

"And, at the same time, of course, I appreciate them for admiring me.

“And it shouldn’t matter of they’re straight or gay, it’s just sexuality.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN