StarStruck hopeful Analyn Barro swoons over Alden Richards and Derrick Monasterio

IMAGE 0

Analyn Barro on Miss World 2013 Megan Young: “Kung titingin ka sa kanya, ‘Wow, Megan Young, world-class ang beauty!'”


Kaluluwas pa lang ng Maynila mula Bacolod ang StarStruck hopeful na si Analyn Barro kaya, hindi pa raw siya sanay sa lunsod.

“Siyempre po, hindi po ako city girl, parang probinsiyanang-probinsiyana po.

“Siyempre, nung pagtuntong ko talaga sa Maynila sabi ko, ‘Wow, grabe, ang taas-taas naman ng mga building dito!’

“'Tapos, grabe po yung traffic dito!

“Parang naano po ako sa paligid, sa culture din po.

"Pero from time to time po, nakaka-adjust din naman po ako, so ganun.”

MOONING OVER ALDEN, DERRICK. Na-shock din si Analyn nang makita at makaharap si Alden Richards sa isang StarStruck 6 episode.

“Nung pag-open ko ng blindfold, wala akong nasabi. Actually, wala akong nasabi.

“Talagang nakatunganga lang ako, na-shock lang ako. Hindi ako makapagsalita.

“Kasi smile lang siya [Alden] nang smile sa akin. 'Tapos yung smile niya, yung feeling na kayo lang dalawa.

“Nandiyan pa kayo sa isang table, may flowers. Parang nagde- date kayo.

“Feeling mo, ‘Hala, ano ba? Nakaayos ba ako? Nakadamit ba ako? Okay ba ito?’

“Wala talaga akong nasabi noon.”

Hindi nakapagtataka kung nagka-crush ang 19-year-old Ilongga kay Alden.

"Sino ba naman ang hindi magkaka- crush sa kanya?” ani Analyn.

Bukod kay Alden, si Derrick Monasterio ang gustong maging leading man ni Analyn kung sakaling bigyan siya ng project ng GMA.

“Kasi ang guwapo niya po! As in gusto ko po yung look niya.

“Pati yung eyes niya, parang isang tingin lang, pak! Parang ganun!”

Hindi pa nakikita ni Analyn nang personal si Derrick.

A FAN OF MEGAN. Sa mga female stars naman, nais sundan ni Analyn ang mga yapak ni Miss World 2013 at Marimar star na si Megan Young.

Gusto rin ba ni Analyn na maging beauty queen?

“Not really beauty queen but I find Megan Young kasi parang classy, elegant 'tapos maganda.

“Kung titingin ka sa kanya, 'Wow, Megan Young! World-class ang beauty!'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nais rin ba niyang gumanap bilang Marimar balang-araw?

“Actually, dapat po kasi Marimar yung name ko, sabi ng lola ko,” at tumawa si Analyn.

“Kasi parang noong 1996, parang uso yung teleserye na Marimar. 'Tapos sabi daw ng mama ko, ‘Ano kaya ang ipapangalan ko?’

“Sabi naman daw ng lola ko, ‘Si Marimar, si Marimar!’

“E ayaw ng dad ko. Ewan ko, kasi baka daw in the future, di ba every generation parang nag-iiba din yung mga pangalan?

“And then iyon po, kinombine po yung name ng mga lola ko, Ana at Erlinda. So Analyn.”

WILLING TO LEARN. Sa tingin ni Analyn, ano ang mga katangian niya para tanghaling StarStruck Ultimate Female Survivor?

“Kung dito po tayo magbe-base sa talent, siyempre po given naman po yung talent.

“Siguro po ako I am willing to learn. I am eager to learn more kasi I want to be better.

“Hindi ko po sinasabi na best na ako. Alam ko na magaling na ako dito, ganyan-ganyan.

“Pag feeling ko kulang pa, ipu-push ko talaga 'yan hangga’t sa makuha ko po.

“I am willing na makihalubilo sa ibang tao. Parang yung willingness inside me is there po.”

WIN OR LOSE. Ang iba pang StarStruck female hopefuls ay sina Ayra Mariano, Klea Pineda, Arra San Agustin, Princess Guevarra, Liezel Lopez, at Koreen Medina.

Si Ayra ang itinuturing ni Analyn na mahigpit na kalaban sa mga babae.

"Kasi po nakikita ko yung passion niya sa acting,” sabi ni Analyn.

Ano ang unang-unang gagawin ni Analyn kung manalo siya sa StarStruck?

“Siyempre po magpapa-thank you kay God.

“Before ng elimination ngayon, actually pupunta po ako ulit ng Baclaran.

“Kasi for this elimination, pumunta po kami ng Baclaran nung Wednesday. First time ko po dun kaya nag-wish po talaga ako.”

Siguradong babalik si Analyn sa Baclaran dahil nakapasok siya StarStruck top 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ni Analyn, “Pag hindi po ako nanalo, same pa din po. Magpapasalamat pa din ako sa opportunities na ibinigay sa akin.

“Kasi sa libu-libong nag-audition, sa libu-libong nangangarap na makapasok sa StarStruck, isa ako sa top 14.

“Kahit nung nag-top 18 ako, sobra po ang pasasalamat ko. Sobrang happy po ako. I am so blessed.”

Kabilang naman sina Jay Arcilla, Avery Paraiso, Migo Adecer, Joemarie Nielsen, Kevin Sagra, James Teng at Elyson De Dios sa StarStruck male hopefuls.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN