Roxanne Guinoo lucky to have good relationship with mother-in-law: “Ka-jamming ko ‘yan araw-araw."

IMAGE Noel Orsal

Though Roxanne Guinoo has been visible again on television, the actress says family remains her top priority: "Hindi ko hahayaan na yung trabaho ko mag-interfere sa personal na buhay ko kasi may mga anak ako, may asawa ako. Iba na talaga."


Masaya si Roxanne Guinoo sa buhay niya ngayon.

At kung ang ibang nag-aasawa ay namumroblema sa kanilang biyenan, masuwerte raw siya dahil maayos ang samahan nila ng mommy ng kanyang napangasawa.

Kasama pa nga ni Roxanne ang biyenan nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa Mega Fashion Hall, Megamall, Mandaluyong, kamakailan.

Ani Roxanne, “Ka-jamming ko ‘yan araw-araw. Masaya!"

Dagdag niya, “Masaya ako noong nagkaanak ako. Iba talaga pag nagkaanak ka. Iba yung priorities mo.

“Eto naman [acting], bonus na sa akin ito.

"May agreement na kami ng husband ko [Fil-Chinese businessman Elton Yap].


“Ako naman, choice ko yun na kung mabigyan ako ng mga blessings, trabaho, ayoko pa ring pabayaan yung pamilya ko, yung mga anak ko.

“Nabigyan na ako ng isa, makuntento na ako dun.

“Huwag na akong maghangad ng higit pa roon. At least, nagagampanan ko yung role ko bilang may asawa at nanay sa mga anak ko.

“At the same time, nagagawa ko yung gusto ko. 'Yan yung paga-artista pa rin.”

FAMILY FIRST. Hindi ba siya takot na mabahiran ng isyu sa showbiz at malagay sa alanganin ang married life niya?

Sagot ni Roxanne, “Hindi. Kasi yung bawat bagay na ginagawa ko, namin, pinag-uusapan talaga naming mag-asawa.

"Saka kita naman ninyo kung gaano naman ka-ano yung biyenan ko.

“So maganda yung samahan namin.

"Hindi ko hahayaan na yung trabaho ko mag-interfere sa personal na buhay ko kasi may mga anak ako, may asawa ako. Iba na talaga.

“Siyempre, bago mo ipagpalit yun, di baleng mawala na lahat yun, huwag lang yung mga anak at asawa ko.

“Nahahandle ko naman ito nang maayos. Napag-uusapan naman yung mga bagay-bagay.”

MORE KIDS? Masusundan pa ba ang dalawa niyang anak?

Tumango si Roxanne.

“Sana, sana po. Tatlo po sana. Pero ngayon, happy naman kami kasi may boy and girl na ako, e. So masundan man 'yan, isa pang blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, kuntento na kami na ganyan pa lang. Mahirap ang obligasyon, di na biro. Yung oras mo pa lang, kakainin na.

“Yung pangamba mo na lagi na pag nag-school yung mga anak mo, yung time na malayo ako sa mga anak ko, yun ang mga kinu-consider ko.

“Lalo na ngayon, delikado ang panahon.”

Inamin ni Roxanne na overprotective parents sila ng mister niya.

“Parang mas marami kang anak, mas marami kang pangamba, di ba?

“Ang gulo-gulo na ng mundo ngayon.

“Basta, nabigyan na ako ng girl and boy, okey na ako dun.

“Kung isa pa e di maganda. Saka concentrate na muna ako sa work ngayon.

“Saka yung mga anak ko, kaka-start lang mag-school. Gusto ko balanse lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN