Richard Gomez on 15-year-old daughter Juliana: "I have to be very protective...be very careful as well na di ko siya sasakalin."

IMAGE Noel Orsal

For Richard Gomez, reentering politics is both a calling and a sacrifice: "You really have to be in a position...where you can make decisions and changes. As a regular person, you can only do so much. Well, sacrifices have to be made. It's very seldom na yung mga artista ay magkaroon ng second chance or second wind sa career nila."


Ngayong nagdesisyon na ang Kapamilya actor na si Richard Gomez na balikan ang pulitika, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa kanyang showbiz career.

Nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si Richard noong October 16, para sa pagka-alkalde ng Ormoc City.

Tinalakay ni Richard ang kanyang planong pulitikal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon ng pinakabagong teleserye nila ni Dawn Zulueta, ang You're My Home, sa ABS-CBN Primetime Bida.

Lahad niya, “Yung campaign period naman will be 45 days lang.

"Yung pag-come out ko talaga as a candidate for mayor sa Ormoc is really a sacrifice sa trabaho ko, sa career ko, and for the family.

"It's very seldom na yung mga artista ay magkaroon ng second chance or second wind sa career nila.

“That's why this is really a very big decision to let go of this success.

"Well, sacrifices have to be made and somehow, I feel sad.

“Dahil alam ko na mababawasan ang magiging trabaho ko dito sa showbiz.

“At the same time, we’ll never know kung ano ang mangyayari sa akin, kung papalarin akong maging mayor ng Ormoc someday.

“But I'll make sure na kayo ay pupunta sa amin dun sa Ormoc, at marami tayong gagawin dun."

Nagdesisyon si Richard na tumakbo uli dahil gusto raw niyang magdala ng pagbabago sa buhay ng mga aga-Ormoc.

"If you really want to bring change sa tao, you really have to be in a position in government.

"That's where you can make decisions and changes.

"As a regular person, you can only do so much."

CHARDAWN. Kung tatakbo si Richard sa pulitika, paano na ang love team nila ni Dawn Zulueta?

Saad ng 49-year-old na aktor, "Well, I can work on weekends.

"Wala namang problema yun, and everything can be worked out naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong dugtong ng award-winning actor, "Kung manalo ako, I will bring the show to Ormoc.

“And dun tayo magtatrabaho, dun tayo gumawa ng teleserye."

Kumusta ang muling pagsasama nila ni Dawn pagkatapos ng blockbuster movie na The Love Affair?

Ani Richard, "Okay naman. Masaya naman kami ni Dawn.

"Kami kasi, kapag may project kaming dalawa, pinag-uusapan talaga namin.

"Hindi yung kapag may offer, tanggap kaagad. Pinag-aaralan namin.

"Will this project be good to our tandem? Will this be lasting? Will this make an impression? Dapat ganun, e.

"Magiging commercially viable ba ito?

"Do we think magiging successful ba ito? Maraming factors kaming kinu-consider ni Dawn when we do a project together."

JULIANA. Napunta ang usapan sa nag-iisang anak ni Richard sa asawang si Leyte Representative Lucy Torres na si Juliana.

Ano ang reaksiyon ni Juliana sa pagbabalik-tambalan ng CharDawn?

Diretsahang sagot ng aktor, "My daughter? She enjoys watching us kasi alam niya na heto, trabaho lang ito.

"Growing up with this kind of environment sa trabaho ko, my daughter understands fully kung ano ang ginagawa ko.

"She's 15 years old now."

Anu-ano ang fears niya sa nagdadalagang anak?

May nanliligaw na ba kay Juliana?

Ani Richard, "As a father... well, I hope wala pa, but I'm sure, baka may mga umiikot-ikot diyan sa tabi.

"Kasi alam mo, 15. Kaya I have to be very protective of Juliana.

"I have to be very careful as well na di ko naman siya sasakalin.

"I give her freedom. I always tell her, 'You have to entertain your friends and classmates sa amin, to bring them home.'

"Kasi it's important for me also na makilala ko yung friends niya.

"It's important for parents to know kung sino ba ang mga nakakasama ng anak nila.”

Dugtong pa ni Richard, "Nag-mature na ako, di ba?

"Iba na ang mga pananaw ko sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba ni Juliana na mag-artista katulad ng ibang mga anak ng celebrities?

Sabi ni Richard, "She enjoys doing mga sports activities.

"Dumating na rin yung time na nakikita niya na, 'I have to be sexy, Dad. I have to look good.'

"Ganyan na ang pag-iisip niya.

"Makikita mo, nagwu-work out na siya, and she plays a lot of volleyball.

"Sabi pa nga niya, 'Dad, when I come back from school, I wanna try boxing, magba-boxing ako sa Elorde.'

"Something different; sabi ko, 'Sige, subukan mo.'"

Pagdating sa boys, ano ang napag-uusapan nilang mag-ama?

Mabilis na sagot ni Richard, "Wala, hindi namin pinag-uusapan.

"Siguro, kung may ganyang usapin, sila ng mommy niya ang nag-uusap, na alam kong itinatago nila sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN