Rob Moya ready to follow in dad Jovit Moya's footsteps

Rob Moya says being Jovit Moya's son helps in getting people's attention: “Naglalakad pa nga lang ako, tinatanong ng tao, ‘Parang kilala kita. Kamukha mo si Jovit Moya.’ Sagot ko naman, ‘Ah, ganoon po ba? Tatay ko po siya.’"


Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Sasabak na rin sa pag-arte si Rob Moya, anak ng That’s Entertainment member na si Jovit Moya.

Mula pagkabata, pangarap na ni Rob Moya ang maging artista.

Kaya't tuwang-tuwa siya na nasa pangangalaga na siya ng GMA Artist, at nakatakdang gawin ang una niyang pelikulang pinamagatang Nuclear Family sa ilalim BG Productions International na pamamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana.

“Noong bata ako, mahilig na ako mag-acting e, sa theater pa lang.

“Then I decided, why not try showbiz like my dad? So I entered showbiz and then sa awa ng Diyos, I was given a contract with GMA.

“Wala pang ino-offer na project sa akin ang GMA.

“I just recently got in and ito yung first movie ko.

“So I'm getting my big break in this movie,” saad ni Rob nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng naturang pelikula sa New Horizon Hotel last October 18.

Tampok din sa Nuclear Family sina Snooky Serna, Rodjun Cruz, Ezekiel Jash, Arron Villaflor, at iba pa.



MODELING CAREER. Ayon kay Rob, lumaki siya sa Japan at sa Osaka nagsimula bilang model ng clothing brand na Uniqlo.

“Sa Japan ako nag-graduate ng elementary 'tapos part high school.

“'Tapos, nag-work ako. I started as a dishwasher boy sa isang ramen restaurant.

“Then, I was walking around the street doon sa Osaka.

"Then isang fashion designer from Uniqlo give me a big break.

"And then from there, nag-bloom na yung modeling career ko,” nakangiting kuwento ni Rob.

Pahabol niya, “I started my career as a model.

"Nag-start ako sa Japan as a professional model.

“So nag-ramp ako for Uniqlo for a couple of years, and then I decided to move here sa Philippines, and I started doing commercials naman.”

Hindi ba nanghihinayang si Rob sa modeling career niya na puwede sanang magtuluy-tuloy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rason niya, “Kasi for me, mas gusto ko yung maging actor. You know, for me being an actor is my passion. I love it. I love what I do.”

Kumusta na ang father niya?

“Okay naman. Ang galing, ang ganda ng relasyon namin.

“Yung last na nakita ko siya was 10 years ago. Kasi, tumira ako mag-isa sa Japan.

“So, naging independent ako. Pero sinamahan ko muna yung mommy ko 'tsaka yung tito ko sa Japan.

“Doon na talaga ako lumaki, kaya marunong akong mag-Japanese,” sagot ni Rob.

May basbas ba ni Jovit ang pagpasok ni Rob sa showbiz?

Sagot ng showbiz newbie, “Yes, yes, binigyan niya ako ng blessing.”

DAD'S ADVICE. Ano ang payo ng ama kay Rob sa pagpasok niya sa showbiz?

“Ang payo niya sa akin, just have fun, pero at the same time, mag-ingat,” pakli ni Rob.

Gusto ba ni Rob na i-pattern ang career niya sa ama?

Mabilis niyang sagot, “Ah hindi. Gusto kong maging different.

“Hindi ba, why will you follow something na nagawa na?

“So ako naman, I wanna bring something new to the business. Hindi yung bring something old back to the business, di ba?”

Pero proud ba siya bilang anak ni Jovit?

Tugon ni Rob, “Oo naman. Oo naman.

“Proud ako! Kasi hindi niya ako iniwan.

“Even though he was gone for a long time, he never stopped supporting me in what I'm doing and financially.”

CARVING HIS OWN NICHE. Sa tingin ba ni Rob, mas madali siyang mapapansin ng publiko dahil anak siya ni Jovit?

“Oo, sobra! Naglalakad pa nga lang ako, tinatanong na ng tao, ‘Parang kilala kita. Kamukha mo si Jovit Moya.’

“Sagot ko naman, ‘Ah, ganoon po ba? Tatay ko po siya.’

“So malaking tulong sa akin. Pero siyempre hindi naman dahil sa tatay ko lang. Siyempre pinaghirapan ko rin ito,” pahayag ni Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY FOR INTRIGUES. Handa na ba siya sa intriga?

“Oo naman. Ready na ako. Bata pa lang ako, makapal na mukha ko, e,” nakatawang sagot ni Rob.

Sinabi namin kay Rob na maraming intrigang pinagdaanan ang daddy niya.

Handa na ba si Rob na harapin ang mga ganitong bagay kung kakalkalin ang mga ito?

“Oo naman, siyempre. Kung ano yung daddy ko, siya yun and people should respect that.

“And I’m not my dad. I’m from my dad pero my dad is different from me. So I think, people should respect that.

"Like you guys respect each other,” dagdag ni Rob.

ADMIRING JENNYLYN. Nabanggit pa ni Rob na kung bibigyan ng chance, si Jennylyn Mercado ang gusto niyang makatrabaho sa bakuran ng Kapuso Network.

“Kasi, gusto ko yung Pinay beauty talaga, e. Ayaw ko yung may half or whatever. 'Tsaka yung the way she acts, very natural talaga, e. I love it!”

Okay lang ba kay Rob na magpa-sexy o sumabak sa daring roles?

“Oo naman, basta huwag lang yung homosexuality or whatever,” paglinaw niya.

Bakit ayaw niya ng tungkol sa homosexuals?

May trauma ba siya sa ganoon?

“Hindi naman sa trauma sa ganoon. Pero, kasi siyempre, yung mommy ko is very religious at talagang binabawalan niya ako,” nakangiting sagot ni Rob.

Anong ba ang religion niya?

“Christian. So alam mo yun? Pati mga underwear fashion show nga, nagagalit na nanay ko e like sa Bench.

“Ako naman, willing akong mag-topless o mag-underwear lang, basta babae ang kasama ko sa kama, hindi ba?

"Walang problema sa akin yun,” diin pa n Rob.

RESPECT FOR GAYS. Ano ang tingin ni Rob sa LGBT (Lesbian Gay Bisexual Transgender) community?

“LGBT community? Paano ba?” pag-ulit n Rob habang nag-iisip.

“Ang problema lang kasi, sa panahon ngayon, mahirap kasing ma-issue, e.

“Dito sa Philippines kasi, ang daming judgmental na tao. Sabihin nating kung ano sa tingin ka nila, ikaw na yun, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although ang ano ko lang naman is, I’m just protecting my reputation.

“I’m not being sexist or whatever. Of course, I respect gay people. I respect lesbians, I respect everybody.

“Siyempre, I’m just trying to protect my reputation and umiiwas lang ako sa intriga,” paliwanag ni Rob.

Nilinaw niya na hindi siya homophobic at handa siyang makipagkaibigan sa gays.

“Oo naman, oo naman. Yung mga pinsan ng mommy ko, mga gay.

“'Tsaka ako naman, kunwari pag may role ako na gay pero comedy, walang problema sa akin yun.

“Pero yung tipong may ka-love scene ka na gay, di ba, ibang storya yun.

“Kasi there are actors that are being gay pero in a comedy way, and there are actors na kayang gawin yun.

"Maybe they’re bisexual or whatever. Iba kasi ako, e.”

Kung challenging ang role, kaya ba ni Rob na maghubad sa pelikula, kahit magalit ang mother niya?

“Depende, pag-iisipan ko muna.

“Pero posible, may posibilidad, Depende lahat iyan, e,” lahad ni Rob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN