Niño Muhlach is no stage dad: ??Sa dami nang nag-aasikaso kay Alonzo, ayoko nang sumali pa."

IMAGE Noel Orsal

Former child superstar Niño Muhlach says he wants son Alonzo to study in a regular school: “Hindi ako masyadong naniniwala sa tutoring or home study. Iba pa rin ang natututunan mo sa pagpasok mo sa school. I want Alonzo to meet new friends in school.”


Hindi issue para sa former child superstar na si Niño Muhlach na samahan ang kanyang anak na si Alonzo Muhlach sa mga lakad nito.

Dati raw ay ang ina nitong si Abby Tupaz-Muhlach ang laging sumasama kay Alonzo. Pero dahil may iniinda itong sakit ngayon, si Niño na ang natokang sumama sa anak.

“Before talaga, ang mama ni Alonzo ang kasama niya sa mga taping at shooting.

“E, masyado nang napagod si Abby. Ayun, sumumpong ang sakit niyang scoliosis.

“Naaawa naman ako, kasi hindi na masyadong makakilos nang maayos ang asawa ko.

“Kaya sabi ko, ako na muna ang sasama kay Alonzo.

“Ang importante ay makapagpahinga ang misis ko at ako na lang muna ang mag-asikaso sa bata.

“Hindi naman siguro ako mapagkakamalang stage father, di ba?” sabay tawa ni Niño nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Frabelle Hotdog sa Annabel’s Restaurant along Tomas Morato Ave., Quezon City last October 22.

NOT MEDDLING IN MANAGEMENT ISSUES. Hindi nakikialam si Niño sa mga natatanggap na trabaho ni Alonzo kaya hindi raw siya makukunsidera na stage dad.

Paliwanag niya, “Kaya nga may manager ang anak ko, e.

“Nandiyan si Tita Aster [Amoyo]. Nandiyan din sila Boss Vic [del Rosario] at si Tito Cheng [Muhlach]. They make the decisions on the projects and endorsements for Alonzo.

“And of course, nandiyan din ang ABS-CBN who has been taking care of Alonzo in terms of TV shows and exposure.

“Sa dami nang nag-aasikaso kay Alonzo, ayoko nang sumali pa.

“I know that my son is in good hands.

“Bilang respeto sa akin as Alonzo’s father, sinasabi naman nila sa akin ang mga dumarating na offers para aware din naman ako.”

LATEST ENDORSEMENT. Ayon kay Niño, nakakalimang endorsements na si Alonzo, at itong ini-endorse na hotdog brand ay bagay na bagay sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, mula umaga, tanghali, gabi ay hotdog ang gusto niyang kainin.

“Ang maganda naman sa Frabelle, kahit na processed food siya, very healthy at safe sa kalusugan ng mga bata.

“Si Alonzo naman, gusto niyang samahan ng gulay ang kinakain niyang hotdog.

“Tinuruan naming kumain ‘yan ng gulay para tumangkad at lumakas pa siya,” diin pa ni Niño.

STUDIES BEFORE SHOWBIZ. Wala raw munang teleserye na gagawin si Alonzo dahil mas gusto ni Niño na nasa school ang anak.

Naging honor student daw si Alonzo kahit naging busy siya sa ABS-CBN projects niya.

“Ngayon kasi at may school, hindi ko muna pinapayagan magkaroon ng taping.

“Advice ‘yan ni Tita Aster kasi mahirap nang napapagod ang bata.

“Baka raw hindi lumaki tulad ko!” at tumawa uli si Niño.

“Ayoko ding mapagod at masira ang pagtulog ni Alonzo.

“Gusto kong uma-attend siya sa school regularly para maging normal ang buhay niya.

“Kapag bakasyon na lang, doon ako puwedeng pumayag na mag-teleserye si Alonzo,” diin pa ni Niño.

JOYS OF SCHOOL LIFE. Full-time student si Alonzo sa La Salle Greenhills.

Mas gusto ni Niño na pumapasok si Alonzo sa regular school kesa mag-home study.

“Gusto kong ma-experience ni Alonzo ang mag-aral sa isang regular school.

“Hindi ako masyadong naniniwala sa tutoring or home study. Iba pa rin ang natututunan mo sa pagpasok mo sa school.

“I want Alonzo to meet new friends in school.

“Iba pa rin ang environment ng school, e. Mas nakaka-build up ng character ng isang bata.

“And I want him to interact with other kids his age.

“Ako kasi noon, puro matatanda ang nasa paligid ko. Iilan lang ang mga kaedad kong bata na naging kaibigan ko.

“Wala namang masama if Alonzo makes friends with older people. Pero mas okey kung ka-edad niya ang mga barkada niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN