Angelu De Leon open to having another baby with husband Wowie Rivera on one condition: "Kailangan may beautification package."

IMAGE Rose Garcia

Angelu de Leon is happy in every aspect of her life as wife, family woman, enterpreneur and actress and credits husband Wowie Rivera for it: "It’s a good balance kasi dati, parang ano lang ako, come what may...siya, meron siyang outlook na gusto ko, 'ganito ang future natin, ganito ang pamilya natin.' Meron akong dreams… hindi lang ako yung tipo ng tao na nilalakaran ko kaagad. Parang naghihintay lang ako.”


Dalawa na ang negosyo ni Angelu De Leon.

Pero aminado ang aktres na kumpara sa ibang artista, late bloomer siya sa pagnenegosyo.

“Medyo late. Siyempre, noong nagsimula ka pa lamang ng career, medyo na-invest mo nang maayos [ang pera mo].”

Sinabi rin ni Angelu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 29, ang grand opening ng The Makeover Lounge sa Xavier Residences, Greenhills, San Juan, na nakapag-invest siya sa ilang properties noong kabataan niya.

“Noon kasi sa Daddy ko, I’ve learned about investment.

“Importanteng magkaroon ng bahay, lupa. Pero yung pagiging entrepreneur, ngayon na lang.

“Naging entrepreneur lang ako sa asawa ko.

“Pero siguro hindi lang ako entrepreneur, kasi parang feeling ko, hindi ko rin kakayanin.

“Well, hindi naman sa hindi kakayanin. Siguro parang excuse ko lang na hindi.

“Kasi kapag nandun na, kailangan mong pagtuunan ng pansin.

“At least ngayon, mas settled lang kasi. Imagine mo, kung nag-business ako noon 'tapos ganun ang nangyari sa akin? Baka napabayaan lang din,” at natawa ang aktres.

INSPIRED BY HUBBY. Ang unang negosyo ng aktres ay ang restaurant na Spice and Clever.

“Ganun pala talaga yun, labas muna ang pera,” sabi ni Angelu.

Ang mister niyang si Wowie Rivera ang nagbibigay ng motivation at inspirasyon kay Angelu sa mga pinapasukang negosyo.

“Oo, I think it’s a good balance kasi dati, parang ano lang ako, come what may.

“At least siya, meron siyang outlook na, 'Gusto ko, ganito ang future natin, ganito ang pamilya natin.'

“Talagang meron siya na gusto niyang ganito ang ma-experience ng mga bata.

“Ako naman, meron akong dreams…hindi lang ako yung tipo ng tao na nilalakaran ko kaagad. Parang naghihintay lang ako.”

Hindi ba risk taker si Angelu?

“Sa ibang bagay!” natawang sagot ng aktres, na naalala ang mga naging desisyon sa pakikipagrelasyon.

Paglinaw niya, “Siguro, hindi ko lang talaga strength ang finances, ang business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas strength ko yung kung nandiyan, sige i-push natin.”

NEW VENTURE. Masaya si Angelu sa halos lahat ng aspeto ng buhay niya ngayon.

Fourteen silang mga babae, kabilang sina Rosebud Benitez at Phoemela Barranda, na magkasosyo sa The Makeover Lounge.

Bakit pinasok ni Angelu ang ganitong negosyo?

“Bukod sa dahil babae ako at lahat naman ng babae e one of their weakness… ewan ko, aminin mo o ako lang ‘to.

“Parang kapag nagpapa-manicure, pedicure ka, nababawasan ka ng pounds.

“Weird lang ako. Parang ako nga lang siguro yun. Feeling ko kapag nalilinis ang kuko mo, parang gumaan ang feelings ko.”

Hindi raw umabot sa milyong piso ang naipundar ni Angelu sa bagong negosyo dahil marami daw silang magkakasosyo.

“Yun nga ang sabi ko, hindi naman pala kailangan ng milyon para magtayo ng business.

“Parang ang daming maling notion, lalo na noong bata tayo na baka malugi.

"Pero siguro, kung hindi mo rin mararanasan yun, hindi rin tatama ang investment.”

May isang buwan na rin daw silang nag-soft launch at natutuwa si Angelu dahil maganda raw ang feedback ng mga customers nila.

Alam din ni Angelu na posibleng magkaroon ng impression na mahal ang The Make-Over Lounge dahil sa imahe ng location nila.

Pero ayon sa kanya, “Doon mo nga makikita na sa panahon ngayon, quality doesn’t necessarily mean na expensive.

“Nakikipag-compete kami around the area, pero yung quality and looks, hindi dapat i-sacrifice.”

ANOTHER BABY? Limang taon na rin daw silang kasal ni Wowie, at naniniwala si Angelu na siya ang nagbigay ng “balance” sa buhay niya.

Tatlong taon pa lamang ang anak nilang si Rafa.

Inamin ni Angelu na kinabahan siya dahil hindi raw sila agad nagkaroon ng anak ni Wowie.

“Alam mo, nagkaroon ng fear. May ganun pala yun na may takot, kasi hindi mo naman alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya may anak, ako may anak, so what if tayo, hindi pala meant na magkaroon? Kaya talagang dasal!” sabi ni Angelu.

May plano pa silang sundan ang anak?

“Not anytime soon,” mabilis na sagot ni Angelu.

Natatawa pa niyang pahabol, “Sabi ko nga kay Wowie, 'Kung gusto mo akong magka-baby ulit at manganganak na 'ko, kailangan may beautification package.'

"Ang hirap ‘no!”

Kung si Angelu ang tatanungin, kumpleto na siya dahil may two girls at one boy na siyang mga anak.

Pero gusto pa raw ni Wowie na magkaroon ng anak na babae dahil two boys pa lang ang supling nito.

AS STEPMOM. Makikita sa Instagram posts ni Angelu na madalas nilang kasama ang anak ni Wowie sa dati nitong asawa na si Happy Ongpauco.

Okey naman daw si Angelu sa mommy ng unang anak ni Wowie.

“Unang-una, hindi naman ako pumasok in the middle. Tapos na sila.

"Mahirap palang maging stepmother kasi as much as you want, you’ll always respect the mother. Hindi ikaw ang may desisyon.

"Pero ang maganda rin sa relationship namin with Happy, may respeto rin siya sa akin.

"Kumbaga, kung ano ang rules sa bahay niya, sa bahay niya. Kung ano ang rules sa bahay namin, sa bahay namin.

"And in consideration of whatever she asks for, lahat naman, nadadaan sa usap.

"Siguro, ang maganda nga, hindi kami nagka-clash. Hindi rin ako nakikialam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN