Jolina Magdangal says she and husband Mark Escueta plan to have second baby next year

IMAGE Noel Orsal

Jolina Magdangal on how motherhood has changed her: “Kapag may mga bagay kang gustong gawin, iisipin ko na, ‘Magagamit ko ba ito nang matagal or ibili ko na lang ng something for Pele?’ Lahat ng ginagawa ko, may meaning na."


Kabilang ang one-year-old na si Pele Iñigo, anak ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta, sa mga tinatawag na calebrity showbiz.

Baby pa lamang ay kasa-kasama na si Pele sa halos lahat ng trabaho ng kanyang mga magulang.

Kaya sa una niyang product endorsement, tila sanay na sanay na si Pele na humarap sa camera.

Saad ni Jolina sa launch nila bilang family endorser ng Super Twins diapers ng Mega Soft Hygienic Products, Inc., “Since hands-on kami, palagi kaming naka-alalay sa kanya.

“Sanay na sanay talaga siya. Sa taping, sinasama ko siya. Alam na alam na niyang makipag-chikahan sa mga tao.

"Hindi siya yung sinusumpong na sa ganitong oras, ayaw na or nagtatago lang palagi.

"Masaya siya kapag mas maraming tao. Mas active siya pag ganun.”

Aliw na aliw si Jolina habang nagkukuwento.

“Sa taping, yung mga staff, minsan mas inuuna pa siya.

"[Tinatanong nila], ‘Asan si Pele?’

“Gusto mo bang sabihing ‘hi’ muna sa akin?

"Kasi nga, sanay silang nandun si Pele.

“'Tapos yung mga tao sa taping, parang alam na nila na may konting adjustment kasi nga may kasama akong bagets.

“Pero kasi nga si Pele, since hindi siya pasaway, kumbaga, mahal din siya ng mga kasamahan ko.”

Nagsisimula na si Jolina na mag-taping para sa bago niyang ABS-CBN serye, ang Written In Our Stars, kunsaan kapareha niya si Piolo Pascual.

Kuwento ni Jolina, “Ang bait nga ni Piolo. Palagi rin niyang tinatanong sa akin si Pele.

“At saka sa set, parang alam na nila na kasama ko si Pele kaya adjusted na rin sila.”

ALL FOR PELE. Aminado si Jolina na may mga nagbago sa kanya at sa buhay niya magmula nang maging isa siyang ina.

“Mag-iiba talaga ang buhay mo, but in a nice way, ha. Hindi ako nagrereklamo.

“Kapag may mga bagay kang gustong gawin, iisipin mo para sa anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng gusto mong bilhin—dati may makita lang akong kakaiba, bibilhin ko na.

“Pero ngayon, iisipin ko na, ‘Magagamit ko ba ito nang matagal o itabi ko na lang or ibili ko na lang ng something for Pele?’

“Ngayon, lahat ng ginagawa ko, may meaning na. Meron akong anak na pinapalaki at dapat magandang example ang ginagawa ko.

“Kung dati, nasanay ako na dapat good example ka para sa mga fans, ngayon, mas nadagdagan ako ng responsibility na pagbutihin pa lalo.

“Na meron akong anak na mabait. Mabait siya, e, for a one-year and eight months, mabait siya.”

Plano nila ni Mark na sundan at bigyan na ng kapatid si Pele sa isang taon.

“Naiisip namin, siguro next year, last quarter, baka mga November 3.

“O, may date na! Pero siguro baka mga next year pa at sana girl,” nangingiting sabi ni Jolina.

Marami ang bumilib kay Jolina na hanggang ngayon ay 100 per cent breastfeeding pa rin sa anak.

“Hindi pa siya nakakatikim ng formula milk and totoo pala yun, kapag breastfed, hindi talaga sakitin.

“Siguro, bilang na bilang pa lang yung inubo at sinipon siya.

“At noong nilagnat siya dahil tinubuan siya ng isang ngipin 'tapos wala na, never na siyang nagkasakit,” saad ni Jolina.



SUPPORTIVE HUSBAND. Back to their endorsement, hindi raw nahirapan si Jolina na kumbinsihin ang mister niya na gawin o tanggapin ito.


“Si Mark, ano ‘yan, supportive siya kapag alam niyang ikabubuti ng family namin o ikasasaya namin.

“O, kumbaga, maayos na magiging kasama namin o kaibigan ng family namin, go, go ‘yan.

“Minsan nga, ako pa ang may mga bagay na napapaisip pa 'ko. Pero siya, ipapaliwanag niya sa akin na ganyan.

“Kahit sabihin natin na low profile siya, mas may malawak na pag-iisip siya kesa sa akin at mas siya ang bumabalanse ng pag-iisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya madali ko lang din siyang mapapayag sa mga bagay na alam kong mapapabuti sa amin.”

Sinasala raw nila kung anuman ang produktong i-e-endorso, lalo na kung kasama si Pele.

“Kung alam naman namin na yung i-e-endorse namin ay magagamit namin, lalo na at magagamit ni Pele.

“Pero siguro kahit gaano pa ka-bongga ang paysung [pay], pero kung alam kong hindi ko mapapanindigan, kailangan naming i-turn down.

“Pero hangga’t alam namin na meron at mapapabongga rin namin itong product na ‘to, siyempre, tulungan din naman.”

Aminado ang may-ari ng Super Twins na si Aileen Go na matagal na siyang fan ni Jolina.


Kaya nang malaman niyang may anak na ito, hinanap nila ang aktres dahil siya ang first choice na mag-endorse ng produkto.

Sabi ni Jolina, “Ano ha, ang nakakatuwa sa Mega Soft, hindi sila yung parang namimilit. Hindi sila yung mayabang na produkto.

“Kumbaga, napakabait nila. Napaka-humble nila na pina-try muna nila sa amin at nanghingi sila ng feedback namin.

“Yung ganung bagay, sobra kong naa-appreciate yun. Kumbaga, willing silang makuha yung idea namin.

“Para sa amin, ang isang endorser, dapat may say sa product na ine-endorse niya at ginagamit dapat," nakangiting sabi pa ng Kapamilya star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN