Pinoy make-up artist Marlou Colina invades Hollywood

Marlou Colina (shown here with singer Kylie Minogue) is one of Hollywood's fast-rising make-up artists. The proud Pinoy attributes his success to his connection with acclaimed movie mogul Harvey Weinstein's family.


Hindi lang Pinoy fashion designers ang nagiging in-demand sa Hollywood ngayon.

Unti-unti na ring sumisikat doon ang mga Pinoy make-up artists, tulad ni Marlou Colina.

Dalawa sa kilalang singers na sa Amerika ang naayusan niya—sina Kylie Minogue at Selena Gomez.

Ayon kay Marlou, ni sa hinagap ay hindi niya akalaing maaayusan niya ang dalawa sa pinakasikat na singers sa Hollywood.

Pag-amin niya, “Hindi ko talaga in-expect. Yung isa kasi, sa receptionists ng Peninsula [Beverly Hills], Filipina.

“Tinawagan niya ako at kailangan daw ng mga taga-company ni Mr. Harvey Weinstein ng magme-make-up para sa kanila para sa Golden Globe.”

Si Harvey Weinstein ay isang kilalang American film producer, film studio executive, at co-founder ng Miramax at co-chairmen sila ng brother niyang si Ben ng The Weinstein Company, isang film production company, since 2005.

Mga tauhan ni Mr. Weinstein ang inayusan ni Marlou, at natuwa ang mga ito kaya tinagurian siyang “Pinoy L.A. Beauty Guru.”

May sariling salon si Marlou sa Long Beach, California.



BREAKING INTO HOLLYWOOD. Kuwento pa ni Marlou, nagsimula raw ang kanyang pag-aayos sa mga sikat ng celebrity noong nakilala niya ang anak ni Harvey Weinstein na si Lily, na tuwang-tuwa sa naging make-up niya.

Sabi niya, “Simula noon, four years ko na siyang inaayusan and the rest is history.

"Dahil sa tuwa sa akin ni Lily, napakarami na niyang in-introduce na taga-Hollywood sa akin para ayusan.”

Hanggang dumating na raw ang araw na ipinakilala siya ng anak ni Mr. Weinstein sa jewelry mogul na si Lorraine Schwartz, na siyang jeweler ng Kardashian family at ni Lady Gaga.

Naging happy raw ang mga ito sa make-up techniques niya, at ito na ang naging daan para makilala niya sina Kylie at Selena.

Dagdag niya, “Pinapunta ako ng mga taga-Weinstein Company kay Lorraine at inayusan ko siya. Pinaayusan din niya sa akin si Kylie dahil may pre-Oscar’s party sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The next day, nagpaayos na naman sa akin si Lorraine and ipinakilala naman niya sa akin si Selena na pinaayusan din niya dahil may post-Oscar’s party sila na pupuntahan.”

Ayon kay Marlou, parehong mabait sina Kylie at Selena. Pareho raw walang kaarte-arte ang dalawa habang inaayusan niya.

“Sobrang bait nina Kylie at Selena!” pahayag pa ni Marlou.

PINOY CLIENTS. Bukod sa ilang Hollywood celebrities, madalas ding ayusan ni Marlou ang ilang ABS-CBN at GMA-7 talents na nagsu-show sa Los Angeles.

Ilan sa mga Filipino celebrities na naayusan na ni Marlou ay sina KC Concepcion, Iza Calzado, at Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN