Pantaxa Final 4 bet Georgina Fortalejo turns down celebrity suitor: “Actor siya. Guwapo and hunk ang porma. E, ayaw sa kanya ng parents ko.”

Newcomer Georgina Fortalejo on indecent proposals: “Hindi ko masyadong ini-entertain. Kasi kapag gano’n, alam mo naman kung ano ang ini-expect nilang kapalit, di ba?”


Pasok sa final 4 ng Viva Entertainment reality competition show na Pantaxa (pronounced “pantasya”) ang dalawang bagong contract stars ng nabanggit na production outfit na sina Anya Aragon at Georgina Fortalejo.

Pareho silang discovery ng pamosong talent manager na si Jojo Veloso.

Sa Pagudpug, Ilocos Norte kinunan ang preliminary competition ng Pantaxa na nakatakdang mapanood sa January 2, 2016 sa TV 5 at Viva Channel.

Makakalaban nina Anya at Georgina ang dalawa pang Final 4 na sina Anne Mateo at Bea Vega.

Ang may pinakaramaraming text votes ang tatanghaling winner ng reality competition na ito.

DARING CHALLENGES. “Maraming daring na challenges,” excited na sabi ni Georgina.

Dugtong niya, “Like yung hanggang saan mo kayang magpakita ng kaseksihan. And sa akin, okey lang naman.

“Hindi ko na lang sasabihin kung gaano ka-daring yung mga challenges para may aabangan ang viewers.

“And I have no qualms doing it. Kailangang kayanin ko kasi pumasok na ako dito, e!

“At saka kakilala ko na rin yung ibang girls, dati pa. Kasi minsan nagkakasama kami sa mga car shows.

“So parang hindi na siya competition for me. Parang bonding na lang na ini-enjoy kong kasama sila.

“Ayokong ma-pressure na it’s a competition. Of course, I wish to win. I need to do my best sa mga challenges, pero what matters most for me is the once-in-a-lifetime experience ng pagsali rito.”

Hindi pa ba nagkakaroon ng rivalry o professional jealousy sa pagitan nila Anya at Georgina?

Sagot ni Georgina, “Hindi naman. Okey kami ni Anya.

“Iisa lang kami ng manager kaya dapat hindi kami magkaroon ng problema sa isa’t isa. Hindi man masasabi na talagang close na close kami but we’re okay.”

Georgina is 20 years old, 5’ 5” tall at may vital statistics na 34-24-34.

Pinagliban ni Georgina ang pag-aaral bilang third year accounting student sa Far Eastern University (FEU) para makapag-concentrate sa sinimulang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I still plan to go back to school. Because I value education so much at maganda rin na meron kang college degree para may fallback ka dahil hindi naman forever na propesyon ang pag-aartista,” ani Georgina.

Dagdag niya, “Mahilig akong sumali sa mga beauty contests bago ako pumasok sa modeling. Naging Miss Tourism-Butuan City ako, tapos Miss Silka and ilan pang local beauty titles.”

Bakit hindi siya tumuloy na sumali sa national pageants like Bb. Pilipinas, Miss World-Philippines o Miss Earth-Philippines?

Sagot ni Georgina, “Actually, maraming nag-advice. Pero parang walang ano ako sa sarili ko na gano’n.

“Lalo na ngayon na pumasok na ako sa showbiz. Parang nawala na talaga ang interes ko sa mga beauty pageants.

MODELING. “Happy na ako na bukod sa showbiz career na inuumpisahan ko ngayon, tuluy-tuloy pa rin yung modeling. Madalas ay nalilinya ako sa pagmu-model sa mga car shows hindi lang dito sa Pilipinas but also abroad.

“Pinaka-recent yung Singapore. I’ve modeled na rin sa mga car shows sa Vietnam at ilan pang Asian countries.

“And that’s the best thing about modeling. You get to travel for free and at the same time, you get paid.”

Wala ba siyang na-encounter na indecent proposals?

Tugon ni Georgina, “Hindi ko masyadong ini-entertain. Kasi kapag gano’n, alam mo naman kung ano ang ini-expect nilang kapalit, di ba?

“Kuntento naman ako sa kinikita ko sa modeling. Happy na ako na I get paid well sa trabaho ko.

“Ni suitors nga, hindi ako nag-i-entertain sa ngayon. Ayoko muna. Kasi parang magiging problema lang at sagabal ito sa trabaho ko ngayon.”

NO TO CELEBRITY SUITOR AND BOYFRIEND. May nanligaw ba sa kanya na aktor o male celebrity?

Tumawa si Georgina at nagsabing, “Oo. Pero ayoko nang sabihin kung sino, nakakahiya!

“Nakaraan na kasi yun. Wala na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwedeng magbigay siya ng kahit ilang clues?

Saad ni Georgina, “Actor siya. Guwapo and hunk ang porma.

“E, ayaw sa kanya ng parents ko. Kaya walang nangyari sa panliligaw niya.

“May image kasi siyang babaero. At gano’n din ang parang na-observe ko sa kanya, kaya hindi ko siya naging bet.”

Ayaw ba niya ng showbiz boyfriend?

Tugon ni Georgina, “Oo. Kasi sa nau-obserbahan ko, kadalasan sa mga showbiz na relationships hindi nagtatagal dahil nagigiging maintriga.

“So for me, mas okey ang non-showbiz. Para tahimik lang.”

Aside from her pretty face and sexy body, ano pa sa palagay niya ang magiging bentahe niya bilang bagong ginu-groom na artista ng Viva?

Ani Georgina, “I’ve done acting workshops kasi. At sabi ng facilitator namin, may potential daw ako sa acting dahil meron akong pinaghuhugutan.

“Abangan n’yo na lang kapag nag-start na lang kapag umere na ang Pantaxa at nagawa ko na yung iba pang projects na inila-line up sa akin ng Viva.”

Gustong subukan ni Georgina ang kahit na anong klaseng role, darin man ito o kontrabida.

“Naniniwala po kasi ako na kapag artista ka, dapat open ka sa anumang klase ng role. Ako, gusto kong maging versatile.”

Meron ba siyang dream leading man?

Sagot ng showbiz newcomer, “Siyempre si John Lloyd Cruz. Kasi bukod sa guwapo siya, super galing niya talagang artista.

“Sa mga actresses naman, gusto ko si Toni Gonzaga. Gano’n kasi ako ka-kikay in person gaya ng personality niya kaya gusto ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN