Dingdong Avanzado sets aside political plans to focus on family: “Sana mag-baby na kami."

IMAGE Allan Sancon

Dingdong Avanzado on having another baby with wife Jessa Zaragoza: “You know for the last three years, I’ve always told her na, 'Tara, mag-baby na tayo.' Pero sabi nga niya sa akin, 'Dito sa 2016 elections, kapag hindi ka tumakbo mag-baby na tayo.' Ayan ha, sinunod ko, ha? Alam niya na seryoso ako, kasi hindi na nga ako tatakbo.”


Isinantabi na muna ni Dingdong Avanzado ang political ambition niya dahil gusto raw muna niyang mag-focus ngayon sa pamilya at sa singing career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kasama ang asawa niyang si Jessa Zaragoza sa mini-presscon ng concert ng huli na I Am Me na gaganapin sa Music Museum sa January 15.

Si Dingdong ang magdidirek nito at special guest din dito ang 12-year-old daughter nilang si Jayda.

JAYDA. Proud ang mag-asawa sa kanilang anak namana nito ang galing sa pagkanta ng mga magulang.

Ani Dingdong, “Gusto niya talaga music.

“Hindi naman niya sinasabi na ayaw niya mag-artista pero gusto niya music talaga.

“Yun ang gusto niya na makapag-create ng name for herself as an artist, as a musician.

“At an early age, madami siyang nagagawa na nung time namin, hindi namin ginagawa, e.

“She plays the guitar. She plays the piano. She does her own recording. Yung mga ganun at [age] 12, ha?

“Kaya sabi namin, kapag nakitaan mo ang anak mo ng ganun, paano naman kung hindi mo suportahan, di ba?"

Sabi ni Jessa, tingin daw niya ay mahihigitan pa sila ni Jayda dahil ang dali raw nitong matuto at may sarili raw itong style na ibang-iba sa kanila.

Dugtong ni Dingdong, “Nung 9th birthday niya, ang request niya sa amin was to do a concert with a live band.

“Seryoso siya, kasi naglabas pa siya ng sarili niyang playlist. Sa Metro Bar yun.

“Nandun ang mga close friends namin, nandun sina Bitoy [Michael V], nakitaan talaga nila na may potential yung bata.”

Kaya isa ito sa pinag-uukulan nila ng atensiyon na kung sisimulan na ng kanilang anak ang kanyang singing career, kailangan ma-handle daw ito nang maayos.

“We’re very concerned kung paano siya i-handle. It’s a very different thing pag bata ka di ba?” dagdag ng 47-year-old singer/politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positibo ang mag-asawang Dingdong at Jessa na mabibigyan ng break ang kanilang anak sa music industry.



READY TO HAVE ANOTHER BABY? Pero ang isa pa sanang hiling ni Dingdong ay masundan na si Jayda dahil 12 years old na rin naman ito. Si Jessa ang medyo hesitant.

Hiling ni Dingdong, “Sana mag-baby na kami, and wanna do other things as well."

Sabi ni Jessa, “Gusto naman, pero siyempre pinaplano ang lahat ng bagay."

Hirit ni Dingdong, “Sabi niya kasi sa akin, 'Sige Pa, huwag ka tumakbo, magbi-baby na tayo.' Ayan honey ha?”

Sagot ni Jessa, “Kasi naman kung magka-baby kami, kunwari buntis ako 'tapos siya alis nang alis, parang mahirap yata yun.

“Sino pa ang mag-aalaga sa isa pa naming anak, parang mahirap yata yun.

“Yun ang mga things na dapat pinagpaplanuhan at sineseryoso talaga.”

Pero ngayong kinagat na ni Dingdong ang hamon ni Jessa na huwag na munang tumakbo, kailangang paghandaan na ni Jessa ang pagbubuntis.

Pahayag ng 36-year-old singer/actress, “Itong first quarter next year hindi pa, kasi nga madami pang mangyayari.

“Tama lang na after nun. Baka konting push pa.

“Kasi ganun ako e kapag meron ako mga gustong gawin, gusto ko munang tapusin. Ganun ako ka-OC [obsessive-compulsive].

“Siyempre malaki ang responsibility yung pagiging ina uli sa maliit na bata.”

Singit naman ni Dingdong, “You know for the last three years, I’ve always told her na, 'Tara, mag-baby na tayo.'

“Pero sabi nga niya sa akin, 'Dito sa 2016 elections, kapag hindi ka tumakbo mag-baby na tayo.'

“Ayan ha, sinunod ko, ha?

“Alam niya na seryoso ako kasi hindi na nga ako tatakbo.”



NOT RUNNING IN 2016 ELECTIONS. Kaya hindi na nag-file si Dingdong ng Certificate of Candidacy niya bilang vice governor ng Siquijor.

Baka sa susunod na eleksiyon daw ay babalik siya uli sa public service, pero sa ngayon, pamilya raw muna ang pagtutuunan niya ng pansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandiyan naman daw ang iba niyang kamag-anak na patuloy pa ring nagsisilbi sa kanilang lalawigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN