Newbie Edward Benosa wishes to be like Gary V and Martin Nievera: "Kahit gaano na katagal, andun pa rin sila."

After winning Best New Male Recording Artist of the Year in the recently-concluded 7th Star Awards for Music, newbie singer Edward Benosa hopes to carve his own niche in the local music industry.


Gustong pag-igihan ng upcoming balladeer na si Edward Benosa ang kanyang pagkanta.

Nakikita niya kasing sa pag-awit siya mas magsa-shine kaysa sa pag-arte o pagsayaw.

Produkto si Edward ng Season V ng StarStruck sa GMA-7 at The Voice of the Philippines ng ABS-CBN.

Kuwento niya, “Focus na lang tayo sa singing.

"Ito na yung hudyat na maging professional singer after sumali ng StarStruck at The Voice.

“So after nun, gumawa kami ng demo, binigay namin sa Star Music.

"So sabi ng Star, ‘Okay, since naumpisahan niyo na, gawin niyo na yung album.’”

Ngayong taon, inilabas ng Star Music ang kanyang self-titled album na may carrier single na ‘Di Man Lang Nagpaalam.

At mukhang nasa right track siya dahil hinirang siya bilang Best New Male New Recording Artist of the Year sa 7th Star Awards for Music nitong nakaraang Nobyembre.

MORE PROJECTS IN 2016. Dati raw, inakala ni Edward na ang showbiz ay puro looks lamang.

Ngayon daw niya nari-realize na ang pagsikat ay hindi nakakamit dahil lang sa hitsura,  kundi dahil din sa talento at magandang personalidad.

Sabi niya, “Kasi siyempre marami ring mas guwapo, marami ring may itsura sa showbiz.

"At every year, halos ang dami ring gustong mag-artista e so madami ring kakumpetensiya.

“So dapat talaga meron kang i-o-offer na different sa iba.”

Malaki ang pasasalamat ni Edward sa mga naging highlights ng kanyang career ngayong taon.

Bukod sa kanyang album, nagbida na ito sa kanyang kauna-unahang stage musical na Chuva Choo Choo kasama si Morisette Amon.

Gumanap siyang love interest ni Morissette sa naturang stage musical kunsaan bida rin ang Miss Saigon at veteran stage actress na si Joanna Ampil. Naipalabas na ito nitong Setyembre, at magkakaroon ulit ng rerun sa 2016.

Dahil sa mga accomplishments niya this year, umaasa siya na mas mataas pa ang kanyang mararating sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Actually, pangarap kong malinya kina Gary Valenciano at Martin Nievera... na until now, kahit gaano na katagal, andun pa rin sila.

"Hindi sila nawawala kahit na may mga bagong dumating na artists.

“Kaya sana, yun ang gusto kong makuha.

"Sana maabot ko yun—na kahit na matanda na ako, andun pa rin, successful pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN