Camille Prats reveals early preparations for wedding in 2017

IMAGE @camilleprats on Instagram

The photo Camille Prats posted on Instagram last December 7, introduced two members of her wedding team: designer Patricia Santos and wedding planner Christine Ong Te. Camille will be tying the knot with VJ Yambao in 2017.


Sa 2017 pa ang kasal ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats sa kanyang fiancé na si VJ Yambao.

Pero mukhang ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya ang mga dapat ayusin sa kasal.

Noong December 7, nag-post si Camille sa kanyang Instagram account ng photo kunsaan kasama niya ang dalawa sa tinatawag niyang "wedding team."

Kabilang ang designer na si Patricia Santos at wedding planner na si Christine Ong Te sa mga preparations ni Camille para sa kanyang big day.

Ito ang caption ni Camille:

“First meeting with the very young and talented @patriciasantos03. Thaaank you for the gift of friendship. Will be seeing you more often than usual.”

Nilagyan ni Camille ng #FutureMrsYambao hashtag ang caption.

Samantala, nag-reply si Patricia sa tagged photo ni Camille sa kanya sa Instagram.

Aniya, “So excited to be working with youuuuu on your wedding dress, this is it!”

Ilan sa mga celebrity clients ni Patricia ay sina Jennylyn Mercado, Aubrey Miles, Maja Salvador, at Jasmine Curtis Smith.

Samantala, si Christine (of Christine Ong Te Events) naman ang nag-asikaso sa wedding preparations ng GMA news anchors na sina Raffy Tima at Mariz Umali noong December 8, 2012.

Ang grupo rin ni Christine ang nag-ayos ng kasal ng GMA news correspondent na si Cata Tibayan at ng kanyang college sweetheart na si Jert Stephen Yao.

SECOND CHANCE AT LOVE. Nag-propose si JV kay Camille noong July 18, sa Nayomi Sanctuary Resort na pag-aari ng pamilya Prats sa Balete, Batangas.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ikakasal si Camille. Nabiyuda siya nang sumakabilang-buhay ang mister na si Anthony Linsangan noong 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

Seven years old na ang kaisa-isang anak ni Camille kay Anthony na si Nathan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN