Nagdiwang si Bea Binene ng kanyang ika-16 na kaarawan kasama ang ilang miyembro ng entertainment press at ng kanyang mga fans noong November 13, sa Ruby Hall ng Crowne Plaza Hotel, Ortigas.
Isang simpleng pagdiriwang ang inihanda ng GMA Artist Center para sa kanilang homegrown talent na si Bea. Kabilang sa espesyal na party ang kanyang pagtulong at paghingi ng tulong mula sa mga kaibigan sa industriya para sa mga naging biktima ng bagyong si Yolanda.

















