PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim touched by Pinoy hospitality in Florida, USA

Published Apr 23, 2014

"Parang hindi rin ako umalis ng Pilipinas," sigaw ng Kapamilya star na si Xian Lim sa mga kapwa Pinoy na nakibahagi sa Philfest 2014 sa Tampa, Florida, noong April 5, Sabado sa Pilipinas.

Ang Philfest 2014 ang isa mga pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa Florida. Ito ay ginanap sa Bayanihan Arts and Events Center sa Tampa. Nasa ika-19 na taon na ito at inoorganisa sa pangunguna ng Philippine Cultural Foundation Inc.

Pangunahing pakay ng foundation ay ang pagpapatuloy ng kulturang Pinoy sa Estados Unidos.

Sa taong ito ng pagdiriwang, inabangan ng mga Pilipino sa Florida ang pagdating ni Xian.

Popular sa mga Pinoy roon ang mga pelikula at TV shows ni Xian na napapanood sa The Filipino Channel (TFC), tulad ng katatapos lang na Bride for Rent kung saan kasama niya si Kim Chiu.

Naghandog ng isang maikling programa si Xian sa mga nagsidalo sa pagdiriwang at nagpaunlak sa mga photo op request pagkatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Xian Lim
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results