Naging mainit ang labanan ng dalawampung kalahok sa ikalimang Century Tuna Superbods 2014 finals na ginanap noong Sabado, April 26, sa Pearl of the Pacific Resort, Boracay.
Sa halos dalawang buwang training at workout, naipamalas ng mga contestants ang pagbabago ng kanilang mga body physique.
Sina Sara Polverini at Mauro Lumba ang itinanghal na Superbods 2014 winners kung saan napagwagian nila bawa't isa ang P500, thousand cash prize.





















