Ipinagdiwang ng apat na pinakabatang artista ng GMA Artist Center [GMAC] na sina Mona Louise Rey, Migs Cuaderno, Nomer Limatog, at Daniela Amable ang kanilang kaarawan sa makabuluhang paraan.
Namahagi ng bota at ilang gamit pangulan ang GMA young artists sa mga estudyante ng Karangalan Elementary School sa Cainta, Rizal, kahapon, Huwebes, August 14.
Bahagi ito ng Bota para sa Bata project ng Cainta, Rizal.
















