June 29 mismo ang kaarawan ng celebrity chef na si Chef Pablo "Boy" Logro.
Ito na ang kanyang ika-59 kaarawan at para maiba, nagdaos ng cook-off challenge si Chef Boy sa kanyang pagmamay-aring culinary school, ang Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services (CLICKS), sa may GMA, Cavite.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Chef Boy ang kanyang naging buhay noon, kung paano siya nagtagumpay, at ang mga gusto pa niyang matupad para sa bansa, lalung-lalo na para sa mga maliliit na Pilipino na nangangarap na umasenso sa buhay.







