John "Sweet" Lapus's 15th anniversary show is a hit

by Rose Garcia
Jun 1, 2008
John "Sweet" Lapus successfully staged his 15th anniversary show at Music Museum last night, May 31. In this photo, Sweet impersonates his close friend Kris Aquino.

Pasado alas-nuwebe na rin nang magsimula ang anniversary concert ni John "Sweet" Lapus na Sweetilicious kagabi, May 31, sa Music Museum. Nag-umpisa ito na halos three-fourths pa lamang ang tao sa ibaba, pero habang nagsu-show na si John ay may mga nagpapasukan na rin. In fairness, sa balcony kung saan sinasabing ang mga taong nanonood dito ang siguradong ticket buyers ang talagang puno.

Ang opening number ni Sweet ay ang "Buwis Buhay" na dance number niya with all-male dancers. Habang nagpapalit siya ng outfit, ipinakita naman ang audio-visual presentation (AVP) ng mga kaibigan ni Sweet, mga taong talagang close kay Sweet at nakakita sa kanya simula pa noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Kapansin-pansin na karamihan sa mga bumati sa kanya ay mga taga-Kapamilya network pa rin. Aminado naman si Sweet na hanggang ngayon, majority of his friends ay mga taga-ABS-CBN pa rin.

Aliw ang AVP na ito dahil instead na papuri lang kay Sweet, more on pambubuko sa ilang ugali niya ang pinagsasabi ng mga bumati.

Continue reading below ↓

Tawanan ang mga tao nang pumasok si Sweet na talaga namang "sweet-sweetan" na parang si Kim Chiu sa launching movie nila ni Gerald Anderson dahil naka-bike ito sa una niyang mga monologue.

"PRANGKA KA JOHN!" May 1993 nang magsimula si Sweet sa showbiz as researcher at fresh graduate pa siya from University of Santo Tomas (UST) sa kursong Hotel & Restaurant Management. From being a researcher, naging head researcher siya kaagad ng Showbiz Lingo, hanggang maging segment producer. Feeling ni Sweet, inimbento na lang daw ng ABS-CBN ang job title niya nang maging creative associate producer dahil nagsisimula na siyang maging bisi-bisihan as "starlet."

Dito pumasok ang segment na "Prangka Ka John!" Ito ang segment ni John noon sa Cristy Per Minute, kung saan marami man ang natutuwa at naa-amuse sa pagiging prangka niya, marami ring nagalit sa kanya. Biro or not, dialogue ni John, gabi-gabi na raw kasi siyang nakakatanggap ng death threat kaya itinigil na niya ito.

Continue reading below ↓

Pero that night, muling nagpaka-"Prangka Ka John" si Sweet. Although maraming natawa sa segment na ito, feeling namin, hindi na maaalis na mas prangka pa rin si John noon kung iku-compare ngayon. Maybe because mas may iniingatan na rin kasi siyang pangalan ngayon.

IMPERSONATIONS. After that, ipinakitang muli ni John ang pag-i-impersonate niya kay Sheryl Cruz. Tawanan ang mga tao rito. Pero mas nakakaaliw nang i-impersonate niya ang close friend niyang si Kris Aquino. Maging ang ilang bisita ni John from the Kapamilya Network, like his former boss Deo Endrinal, ay napansin naming tuwang-tuwa sa pag-i-impersonate ni Sweet kay Kris.

FILM CLIPS. Ipinakita rin ni Sweet ang pagiging artista niya sa almost 27 films na nagawa niya. Ang first movie niya ay Bala at Lipstick, starring Roderick Paulate, kung saan extra lang daw siya. Sa 27 films daw na yun, may mainstream, may digital, merong may bayad, merong libre at yung iba, post-dated checks.

Continue reading below ↓

Isa raw siyang certified movie fan kaya nga raw naging madali sa kanya ang pagpasok sa showbiz. Favorite movie raw niya ang Bituing Walang Ningning at bongga ang segment niya kung saan ipinakita niya ang iba't ibang acting kung instead of Cherie Gil, ibang artista ang nakaeksena ni Sharon Cuneta sa pelikulang ito.

Para sa amin, isa ito sa pinaka-nakakaaliw na part ng show.

Habang pina-flash sa screen ang ilang mga eksena sa mga pelikula niya, including indie film Bath House, kinanta ni John ang theme song ng movie niya with Regine Velasquez and Robin Padilla, ang "Kailangan Ko'y Ikaw."

COMEDY-BAR SEGMENT. After this, kumuha ng isang binata sa audience si Sweet. Literal na tinotoo ni Sweet na gagawin niyang comedy bar ang Music Museum. Game naman ang binata na nagngangalang Randel sa lahat ng ipinagawa ni Sweet rito.

Sa puntong ito, more than one hour na rin ang lumilipas at kapansin-pansin na bagamat natatawa pa rin ang ilan, medyo napahaba na ang monologue ni John. Tingin namin, mas nakaganda siguro kung sa part na ito ay may celebrity guest na ka-interact si Sweet.

Continue reading below ↓

Tuloy-tuloy pa rin kasi sa pagmo-monologue si Sweet. Dito pumasok ang tanong niya on who's the better station, ABS-CBN or GMA? Pero ayon sa kanya, prangkahan na raw, 13 and a half years siya sa ABS-CBN at one and a half year pa lang siya sa GMA-7. Pero kung anuman daw ang meron sa isang network, meron din ang kabila. Pagkatapos nito ay ikinumpara ni John ang artists at shows ng parehong networks.

Pero palakpakan ang manonood sa statement ni Sweet na, "Prangkahan na, ako anytime puwede akong makabalik sa ABS-CBN. Si Angel Locsin, hindi na siya makakabalik sa GMA!"

THE GUESTS. During the videoke portion of the show, pumasok ang first celebrity guest ni John na si Jay-R. In fairness to Sweet, nakaka-impress siya na more than one hour na, pero hindi nagbabago ang energy level niya since he started his show.

Kumanta ng dalawang kanta si Jay-R, ang "So Sick" at ang kinu-consider daw niyang first hit niya na "Bakit Pa Ba?"

Continue reading below ↓

Sunud-sunod na ang pagpasok ng tatlong male celebrity guests ni Sweet after Jay-R. Sumunod na tinawag ay si Janno Gibbs na nag-impersonate naman kay Sweet sa kanyang segment na "Don't Lie To Me" ng Showbiz Central na may birong-totoo na aniya, "Libre na nga kami, pinaghintay mo pa kami ng two hours sa likod."

In-OJ din ni Janno si Sweet.

Naka-ready rin si Janno ng "Buwis Buhay" ni John once na hindi nagtugma ang lie-detector test sa sagot ni John. Nag-lie si Sweet sa mga sumusunod na tanong ni Janno: kung sumama ba ang loob niya sa dating istasyon nang almost one year na matengga siya; kung totoo bang mas hate niya si Cristy Fermin kesa kay Jobert Sucaldito; at kung totoo bang hinihintay niyang matulog ang nanay niya at saka siya nagdadala ng lalaki sa bahay nila. "No" ang sagot ni Sweet sa second and third question, pero lie ang lumabas.

Continue reading below ↓

Tawa nang tawa si Sweet dito at napapatili dahil nasa audience daw ang kanyang ina at nanonood.

Kapansin-pansin din na sa kabuuan ng show, ilang beses halos nabanggit ang pangalan ni Jobert Sucaldito. Obviously, nawawala ang pagka-sweet niya basta si Jobert na ang topic. Hindi naman maitatanggi na lahat ng audience ay mga fans at friends ni Sweet dahil napapapalakpak ang mga ito kapag may hirit siya sa nakaaway na manunulat.

After ng part ni Janno ay ang hottest young actor ng Kapuso network naman na si Dingdong Dantes ang lumabas. Nag-medley siya ng mga kanta ng Eraserheads. Pagpasok ni Sweet, naka-mermaid costume na siya at ang tawag niya kay Dingdong mula umpisa hanggang huli ay "Fredo" at siya naman daw si "Diosabel."

May sumigaw ng "kadiri!" sa audience nang nagpapahalik si Sweet kay Dingdong at pabirong nagalit si Sweet dito. Ang huling kanta ni Dingdong ay ang "You'll Always Be My Baby " sa request na rin ni John dahil kapag kinantahan lang daw siya ni Fredo mawawala ang buntot niya.

Continue reading below ↓

True enough, tawanan ang tao paglabas ni Sweet na naka-body stocking lang. Very Marian Rivera sa Dyesebel na kapag nawala ang buntot, nakahubad ito. Siyempre pa, sa portion ni Dingdong biglang palakpakan at pa-picture ang mga babae sa audience.

FIFTEEN HUNKS. Nakakaaloka ang part na nagpaka-hip-hop si Sweet sabay pasok ng 15 lalaki na nakahubad pang-itaas. Mas lalo na nang maiwan ang 15 men sa stage at maghubad na nang tuluyan ng kanilang white pants at ang maiwang suot na lang ay brief na bawat isa'y may letter na nakatatak sa brief at ‘pag binasang buo ay lalabas na "Universal Sweet." Bumaba ang mga ito sa audience at namigay ng mga lollipop.

Sa part na ito, tila biglang ginawang gay bar ni Sweet ang Music Museum, lalo na sa mga adlib niyang mamili na raw ang mga bading at matrona sa manonood, without saying "excuse me" sa ilang bata rin na namataan namin na nanoood. Pero siyempre, hit ang number na ito lalung-lalo na sa mga bading.

Continue reading below ↓

FINALE NUMBER. Sa finale number niya, nagpaka-diva si Sweet na nakasuot ng yellow gown na pagkahaba-haba while singing habang may dalawang lalaki sa ilalim ng gown niya na nag-aangat sa kanya pataas.

Hindi rin nakalimutan ni Sweet bigyan ng special mention sa pamamagitan ng isang video presentation ang sangkaterba niyang sponsors na feeling namin, sa mga ito pa lang ay bawing-bawi na siya as producer with Toblerone as his major sponsor at maging ang PEP (Philippine Entertainment Portal) as one of his sponsors, too.

Pinasalamatan din ni Sweet ang mga celebrity na nanood sa kanya that night. Ilan sa mga nakita namin ay sina Raymond Gutierrez kasama si Bubbles Paraiso, Tessie Tomas with her husband, DJ Durano, Eugene Domingo, Vice Ganda, at si Karylle na kasama ang kapatid na babae ni Dingdong.

Nakakatuwa ring makita sa audience na bagamat nag-move si Sweet ng network from Kapamilya to Kapuso, nagawa niyang pagsamahin sa audience ang mga kaibigan from both networks. Kung sabagay, Sweet naman kasi is still being managed by Star Magic at co-manager naman na ngayon si Ricky Gallardo.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sweet, "Hindi madali sa isang artista ang tumagal ng 15 years, lalo na kung bakla ka. That's a sad truth." Kaya naman daw kahit kadalasan, kapag birthday lang niya nagso-show, ngayong 15 years na siya ay mas pinili niyang magkaroon ng ganito kabonggang show nga sa Music Museum.

Sa kabuuan, nagawa ni Sweet na patawanin ang mga nanood ng three-hour show niya with all his monologues. Maku-consider na another success for the TV host-comedian ang katatapos na 15th year anniversary show niya.

Read Next
Read More Stories About
John Lapus
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John "Sweet" Lapus successfully staged his 15th anniversary show at Music Museum last night, May 31. In this photo, Sweet impersonates his close friend Kris Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results